twenty-nine

172 7 33
                                    

***EnJae: Dahil ako ay kinilig doon sa mga comments niyo doon sa last chapter, ito ang gift ko. XD Para sa mga curious kung ano 'yung nangyari dun sa panonood ng soccer ni Cha at Gaga :) Note: Ito 'yung before Chapter 26. 'Yung nangyari nung nagyaya si Gaga. :)) Wala akong kaalam-alam sa paglalaro ng soccer kaya hindi ito detailed at maigsi lang. 'Wag niyo akong sisihin pls. XD

Wait! Wait! Pahabol ;) Ang makakahula nung password ni Gaga(mababasa niyo mamaya mwahaha) isasama ko siya sa isang chapter nito or gagawan ko sila ng story ng bias niya ;) Kung walang makakahula....edi wag na! XD

Wait! Pahabol ulit. May magaganap na *toot* sa next chapter! :P mag-ready na kayo! :D

***

Cha's POV

"Hello, gising na." May naramdaman akong nag-poke sa ilong ko kaya nagising naman ako agad. Bumulaga sa mukha ko 'yung mukha ni Gaga. Ang lapit ng mukha namin kaya hindi agad ako nakapagsalita. Mukhang naintindihan naman niya 'yung expression ng mukha ko kaya lumayo siya ng konti. At wait, bakit niya ako ginising? Ibig sabihin ba nun...nakatulog ako?

"Yep, nakatulog ka sa daan. I'm sorry kasi mukhang mahaba ang biyahe. But we're already here. Tara na?" inabot niya 'yung kamay ko kaya nakalabas na agad ako ng kotse. Kinusot ko muna 'yung mata ko at ngumiti sa kanya. Nakatulog pala ako sa gitna ng biyahe. Nakakahiya pero...alangan namang pigilan ko 'yung antok ko? Sira ka ba? Ang layo kaya nung soccer field from mansyon!

"Maglalaro ba 'yung kapatid mo? Bakit ang tagal lumabas?" tanong ko sa kanya kasi kanina pa hindi lumalabas ng kotse si Dada. Para ata siyang na-stuck sa loob kasi kanina pa kami nakatayo dito. Mga 5 minutes na.

"Hindi naman. Bumili lang kami ng ticket," sagot niya habang kinukuha 'yung cellphone niya sa bulsa.

"Eh bakit ang tagal niyang lumabas? Tingnan mo baka na-stuck sa loob!"

Hindi niya ako sinagot at nakarinig ako ng mga tawa kaya napalingon ako sa kanya. Nagulat ako nang nakatutok 'yung cellphone niya sa akin. Pinipicturan niya ba ako?!

"Hoy ano ba!" pilit kong tinakpan 'yung camera niya pero ang tangkad niya kasi. 'Yung feeling na ang tangkad ko na nga(para sa akin) tapos mas matangkad pa siya. Pero mas matangkad si Dada sa kanya. Pinakamatangkad pa rin si DM. "Dapat sinabi mo na kukunan mo ako ng litrato oara makapag-pose naman ako!"

Tawa lang siya nang tawa habang pindot nang pindot sa cellphone niya. Argh! Kahiya naman! Baka puro stolen at derp shots 'yung nakuha niya? Nakakainis naman!

"Tigilan mo ako Gaga! Uuwi na nga ako!" tinalikuran ko siya pero nahila niya naman ako agad.

"Walang ganyanan. Saka kung makaasta ka naman akala mo alam mo ang daan pauwi. Iwala kaya kita," saka siya nag-belat. Tinulak ko naman siya palayo sa akin. Ang clingy niya.

"Shut up."

"Ang tagal naman ni li'l bro."

"Baka nga kasi na-trap! Tingnan mo kasi sa kotse!" nag-aalala kong sagot sa kanya. Ang sama niya kasing kuya. Parang wala siyang pake dun sa kapatid niyang na-stuck sa loob ng kotse!

"Okay fine" iniwan niya muna ako saglit habang pinakikialaman ko 'yung cellphone niya. May password pero ang bilis ko naman 'yung nahulaan. Ang dali-dali naman nung sa kanya. Parang ang daling ma-hack. Alam niyo kung ano 'yun?

camagclfrvr

Nagpipindot lang kasi akong random letters tapos ayun, nahulaan ko. Ang galing ko naman! Makalkal nga 'tong iPhone 6+ niya.

"Wala naman siya sa loob," napalundag ako doon sa biglaan niyang pagsulpot kaya naitago ko agad 'yung cellphone niya sa likod ko. Pero fail... "Bakit na sa'yo 'yan? Paano mo nahulaan 'yung password?"

You're My EnemyWhere stories live. Discover now