five {Park}

350 23 15
                                    

Chapter 5

***

"Ate Chaaaaaa!!!"

Halos mapalundag ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses ni Hailey.

"Ay siopao! A-ah..hi Hailey!"

"Ate Cha! Let's go to the park!"

"Uhm, Baby Hailey, baka magalit naman si mommy mo. Nagpaalam ka na ba?"

"I don't want to! She will be mad again and she will not let me!"

"Why?"

"She said that I might get lost! And when I said I won't she said she would call the bodyguards! That would be boring if you'll go with them right?" she pouted.

Shemay, nannosebleed ako.

"Aw, baka hindi talaga pwede Hailey," sabi ko.

"Pwede naman tayo lang ate, right? We will scape! And I will be safe with you, right?" she said.

"Hindi tayo sure diyan baby, Saturday ngayon at maraming tao sa park. Alam mo naman na magulo rin ako at mamaya baka mabighani ako sa kung ano man at malimutan pa kita. Baka mawala ka pa baby," sagot ko.

Yep, Saturday na agad ngayon. And that means na one week na ako sa bahay na ito. And I'm proud of it. ;) One week na rin akong naka survive kay DM! Kahit hanggang ngayon ay patuloy parin siya sa pang aapi sa akin. Ay! Ewan ko ba 'dun!

'Nga pala, naglalaro ako ng cellphone 'nung biglang tumakbo sa akin si Hailey. At hindi ko alam na gusto niya palang pumunta sa park. Hindi naman agad ako sumang ayon lalo na nung sinabi niyang tatakas kami dahil hindi siya pinayagan ng mommy niya.

"Aaaaaaaaaa!!! But I want to go to the park!!!"

"Hala baby don't cry!!!"

Hala sht! Umiiyak si Hailey!

"I want to go there!!!"

"Don't cry! Okay we'll make it to the park. Just don't cry, okay?" pagpapatahan ko sa kanya.

"I'm old enough naman na eh! I'm 4 na! Malaki na ako! I can go to the park with you na!"

"I know baby... Baka lang kasi magalit si Ma'am Hanna."

"Then ask permission to her! She won't let me so if you are the one who will ask, maybe she'll say yes!"

"U-uhm.."

"C'mon! Let's go to her office na!"

Bago pa ako makapag salita ay tuluyan na akong nahila ni Hailey papunta sa office ni Ma'am Hanna.

~

"Hailey, anong gagawin natin dito?"tanong ko matapos kaming huminto sa tapat ng isang napakalaking pintuan. Siguro ito na nga iyong office ni Ma'am Hanna. Infairness ha, ang hightech.

"This is Mommy's office! C'mon! Knock," sagot niya.

"E-eh? Baka magalit sila," nag aalangan kong sagot.

"No! You're a newbie here so you can do whatever you want! I and Kuya are sometimes not allowed here because we're naughty."

"Hailey, baka sa akin naman magalit si Mommy mo. Mamaya busy sila tapos nakakaistorbo tayo."

"Iih!! Just knock."

Wala na akong nagawa, nanginginig ang kamay kong kumatok sa sosyal na office ni Ma'am.

Tapos matapos ang limang katok ay automatic na nagbukas 'yung pinto, nakita ko si Ma'am na hindi tumitingin sa akin. Halatang busy siya sa report niya. Kung sa bagay.

You're My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon