three {First Prank}

431 22 16
                                    

Chapter 3

OMAYGAD.

Waaaah! Indi ako sanay! Ang raming pagkain sa lamesa!

"Feel at home kids, eat whatever you want," sabi ni Ma'am Hanna sabay upo sa pagkalaki laking upuan sa harapan ng pagkalaki laking dining table.

"HMM! Yummy!" rinig kong sabi ni Hailey. Pati tuloy ako gustong lantakan na 'yung mga pagkain. Pero hindi pwede eh, kailangan munang dahan-dahanin dahil nga baguhan palang ako dito.

'Nga pala, nasa dining table kami ngayon. Kakain na kami pero hindi ako sanay! Ang raming putahe! At ang rami rin namin dito. Bukod kay Garey ay may isa pang lalaki na hindi ko kilala. Siguro kaibigan ni DM.

Ano yung DM? Simpleng lang. Shortcut ng Devil Monster. Mwahaha.

"Yes Charys? May problema ba? Ba't mukhang hindi ka mapakali diyan?" Bumalik ako sa sarili ko sa mga sinabi ni Ma'am Hanna.

"A-ah..w-wala po.."

Kakain na sana ako nang biglang magsalita si Gaga-- Garey.

"'Nga pala Chacha! Siya ang kapatid ko, si Darey," sabi niya sabay turo sa katabi niyang lalaki.

Teka, tinatanong ko ba?

"Alam kong hindi mo tinatanong pero ganun nga....in case lang." Napatawa naman ako pati si ma'am Hanna.

Tama nga ang hinala ko, mind reader siya. Galing!

"Silly kiddos, anyway, why is Harren not here yet?"

'Yan na naman, pangalan niya palang naiirita na ako eh. Alam mo 'yung feeling na hindi pa kayo masyadong magkakilala pero feeling mo gusto mo na siyang sabunutan as in 'yung sobrang higpit?

"Naglalaro pa po 'yun ng League of Legends sa kwarto niya," sagot naman ni Garey.

Hindi ko nalang 'yun pinansin at tinignan ko nalang 'yung kapatid ni Gaga, si Dada. Ang hindi makagets slow.

Ang cute niya rin pala. Medyo magkahawig sila ni Garey. Pero mas cute parin si Garey noh. Kaya lang mukhang...

Umirap siya sa akin nung mahuli niya akong tumitingin sa kanya.

Cold. Sabi na nga eh, masungit. Sayang ang cute niya pa naman. EW CHARYS WHAT THE EFF ARE YOU SAYING.

Pero sino kaya ang mas matanda, si Ga or si Da? O hindi kaya kambal sila? Hindi naman sila magkamukha pero baka fraternal twins naman kung ganun. Pareho naman sila ng lips, tapos pareho ring chinito. Gwapo naman silang dalawa. Kaso ang ipinagkaiba, mukhang friendly at maingay itong si Garey. Si Darey naman, masungit at tahimik. O ha!

"Uy Cha! Kain ka na nga!" Napalundag naman ako sa kinauupuan ko at tumango tango bago nagstart kumain. Ano ba naman 'tong mga 'to, hindi manlang nagdasal. Nag silent prayer nalang ako at kumain na.

Hanggang ngayon badtrip parin ako. Two days na since nung lumipat ako dito. Yes, two days na. Wala akong pake kung tinatanong niyo basta two days na. Two days na rin akong nabwibwisit nung lalaking yun! Arghh!

Lalo pa tuloy akong nabadtrip nung maalala ko yung nangyari kagabi. Hulaan niyo kung anong nangyare? Muntikan na akong madulas sa hagdan dahil natapon yung gel wax ni DM! Mabuti nga at nasalo ako ni Garey. Mabuti nalang at nandun siya kundi namatay na ako! At nalaman ko rin na sinadya yun si DM dahil kitang kita mo naman sa mukha niyang natatawa siya. Sino ba ang hindi maiinis 'don?

Tapos kanina, natapunan niya ng juice yung damit ko. Tapos napaupo pa ako at nahulog yung baso sa tiyan ko. Ang ginawa niya? Pinulot niya yung baso sabay sabing, "Tsk tsk, kawawang baso," at saka siya umalis ng hindi ako tinitignan! See? Asar talaga!

You're My EnemyWhere stories live. Discover now