seventeen ♚(Chapter 16 pt. 2)

420 16 246
                                    

Chapter 17

Paalala: Wag ka nang tumuloy sa pagbabasa sapagkat pawang Liham ng Awtor ang iyong mababasa. Itong kabanata na ito ay naglalaman ng kanyang saloobin at pahayag sa kung ano ang inyong mga sinasabi ukol sa kanyang storya. Nawa'y--- PWE! Joke lang! XD dito ko na ilalagay ang note baka di niyo basahin yung sa dulo.

Btw....yeah. Ito na yung karugtong nun. Alam ko, wala itong kwenta di tulad ng last chapter. Pero kung babasahin niyong mabuti, may mga hint kayong malalaman for the rest of the story. Oha! Kaya ngayon palang, wag kayong masanay na mag-skip ng mga scenes kung ayaw niyong malilito lito at mag-backread sabay headbang. Ayun lang po, salamat.

-

"Hey, bitch!" Napalingon ako doon sa sumigaw. Lima sila at siya ang nasa unahan.

Teka...parang pamilyar ang limang ito...

Tama! Sila 'yung nakatitig kay Gaga kanina! Ano ang ginagawa nila dito?

At dahil mukhang naghahanap sila ng gulo at ayoko ng gulo, hindi ko pinansin sila at pinilit na makalagpas pero hinaraang nila ako.

Hala! Muntik na akong matumba doon, ah!

"Hah! Weak!" sabi nung nasa likuran na maitim. Pinilit ko ulit na makalagpas at hindi nagsalita pero pinatid nila ako kaya nadapa ako sa semento.

Shit.

Ang sakit nun. Ano ba ang problema nila? Hindi ko nga sila kilala eh! Pinilit ko na lang na makatayo kahit sa tingin ko'y napilay ako. Hindi na ako makapagtimpi. Aawayin ko rin sila, huh!

"Aray! Ano ba?! Sino ba kasi kayo?! Mga feeling close!" Sinamaan ko sila ng tingin.

"Huh! If you don't mind, ako ang CAMPUS QUEEN dito sa V.A. Don't you know that? Tapos sisigawan mo ako ng ganyan?" pagmamaang-maangan nung nasa harapan. Aba! Sumusobra na siya. Eh ano naman ang pake ko kung siya ang Queen Bee or Campus Queen? Ang pangit niya naman. Mukhang siyang ewan. To be specific, mukha siyang aso.

"No, I don't know that. Laos ka pala eh! Hindi kita kilala! Ibig-sabihin, hindi ka talaga sikat at feelingera ka lang!" bawi ko.

"BITCH! HOW DARE YOU! GIRLS! SUGURIN SIYA!"

Parang nanginig ako nang galit na galit niyang sabihin 'yun. Waaah! Ano ang gagawin nila?!

Bigla na lang akong sinugod ng mga alipores niya. 'Yung isa, hinablot ang bag at mga gamit ko. Tapos 'yung apat sinabunutan ako.

"A-aray! M-masakit! T-tama na!" naiiyak kong pagpapatigil sa kanila pero hindi sila natitinag. Pinagtitinginan na rin kami ng tao dito pero walang tumutulong sa akin.

Lord! Gaga! DM! Erine! Help me!

Ganito ba talaga sa school na'to? Hindi man lang pinagbabawalan ang pambubully?

Tama nga si Gaga, ibubully nga muna nila ako bago tanggapin sa school na ito. Uwaa!

"Tama na! M-masakit!" ulit ko pero hindi sila tumigil at mas hinigpitan pa ang hawak sa buhok ko. Umiiyak na ako, literal. Wala akong kalaban-laban sa kanila at ang dami pa nila.

"Huh! Good for you! Inaagaw mo si Garey ko! He's mine! Tandaan mo 'yan! And I'm telling you, ngayon pa lang, maghanda ka na! I'm Vianca Torres Garcia! Ang Campus Queen ng Villians Academy! And no one can stop me from hurting you. BITCH!" rinig kong sabi nung leader nila. Hindi na ako nakasagot, iyak lang ako nang iyak. Hindi pa rin sila tumigil. Pinagsisipa nila ako kaya napaupo ako sa sahig.

"VIANCA! Huy! Itigil niyo na 'yan!" sabat ng isa naming schoolmate.

"Sino ang nagsabi nun?! Umamin kayo kung hindi---"

You're My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon