eleven ♚

402 20 62
                                    

Chapter 11

"Cha!" Bumalik ako sa katauhan ko mula sa pagde-daydreaming nang may tumapik sa balikat ko. Shet, ang sakit nun ah! Sino naman kaya ito?

Pagkalingon ko, may nakita akong lalakeng nakangiti sa akin. Sino siya? Bakit niya ako kilala?

At dahil nga hindi ko siya kilala at inistorbo niya ang aking pagde-daydreaming, hindi ko nalang siya pinansin. Matalino ako, oo. Pero may angking kalandian rin ako minsan. Kasi nung ini-snob ko si Kuya FC na mukhang nagmana naman kay Garey, nabighani ako sa mukha niya. Ang gwapo niya kasi! Singkit siya at may hawig kay Darey. But I don't talk to strangers. Mamaya ginagamit niya ang kagwapuhan niya sa pang-holdap niya ng iba pero ng totoo ay nagparetoke siya para makabighani ng mga magaganda tulad ko! Joke lang, hindi naman lahat. Pero paano nga kung holdaper nga siya? Hala! Bakit may mga pinapapasok na kriminal sa Boracay! This can't be happening!

"Cha! Hindi mo na ba ako naaalala?" nakatalikod parin ako sa kanya pero naramdaman kong sincere ang pag sabi niya nun. Pero baka naman talaga kilala ko siya at hindi ko manlang natandaan? Meron rin kasi ako ka-ulyanin kapag minsan. Pero kahit na, ang mga magaganda ulyanin talaga!

"CHA!" sigaw niya ulit kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong sumigaw rin.

"HOLDAPER!" Huli na ang lahat nung ma-realize ko ang ginawa ko. Lagot! Ano ang sinabi ko?! Help! Sorry po Kuya kung hindi naman ikaw holdaper talaga! Hindi ko lang talaga na control ang aking magandang bibig!

Huli na din nang marealize kong nakatingin ang lahat ng tao sa side namin. Nagtataka sila siguro dahil sumigaw ako ng holdaper. Oh no, baka bigla nilang ipaaresto si Kuya FC kahit wala naman siyang ginagawa! Kaya naman binawi ko agad ang sinabi ko. Nakakahiya! Waa!

"Ha?" naguguluhan niyang tanong."Ako? Holdaper? HAHAHAHA! Sa gwapo kong 'to mukha akong holdaper?! Cha! Nasisiraan ka na talaga ng bait!" tapos sumabog siya sa katatawa. Ano ba?! Bakit niya ba ako kilala?!

"Sino ka ba talaga? Bakit mo ako kilala? Ang FC mo rin, ano? Magpakilala ka nga! Hindi 'yung nangistorbo ka sa maganda!" makapal ang mukha kong sita sa kanya. Tumawa lang siya ulit at ngumiti. Shems, bakit parang kilala ko na siya? Parang familiar kasi 'yung mukha eh...

"Cha! Ako ito! 'Yung partner mo sa sayaw nung Grade 5!" Partner sa sayaw? Bakit parang wala akong naaalala na sumayaw ako nung Grade 5? Wala kasi akong hilig sa sayaw eh. Pero dahil ayokong mapahiya si Kuya, tumango tango nalang ako.

"Ah, oo nga! Hehe! Sorry hindi kita nakilala" pagsisinungaling ko kahit hindi ko naman talaga siya kilala at pati pangalan niya ay hindi ko rin alam!

Pero ang nakapagtataka, bakit hindi siya natuwa nung finally nakilala ko siya after so many years sa halip ay bigla nalang napalitan ng poker face ang nakangiti niyang mukha? May nasabi ba akong mali? Hala, Kuya! Sorry so very much!

"H-hala! Ano ang ginawa k-ko sa'yo? M-may nasabi ba akong mali?" nag-aalangang sagot ko. Pero nagbuntong hininga lang siya at umiling iling.

"Tsk tsk, si Cha, ulyanin na."

"Ha? B-bakit niyo naman nasabi 'yan? Diba nakikala naman kita kuya? Diba ikaw 'yung sabi mong partner ko sa sayaw nung Grade 5? Anong--"

"BALIW! Hindi mo na talaga ako matandaan ano? Nagkunwari ka pang alam mo eh hindi naman tayo classmates nung Grade 5! Cha! Welcome to the world! Ako ito! Si Jarvi! Ang nagiisang JAR-VI!"

"Anong Jar--" hindi ko na naituloy 'yung sasabihin ko sana nang mag-sink in sa utak ko ang sinabi niya. "J-jarvi?! I-ikaw na b-ba 'yan?"

Tumango siya kaya naman agad ko siyang sinugod ng yakap. SI JARVI! NANDITO SIYA! Waa!

You're My EnemyWhere stories live. Discover now