forty-one [part three]

37 1 0
                                    

Habang naliligo si Trebor sa kabilang kwarto ay nanatili sa loob ang dalawa habang si Denver ay sinusumpa at nagproprotesta pa tungkol doon sa onion rings kanina. Mistula namang may naalala naman si Rence ulit kaya natigil si Denver sa pagsasalita.

"Tang*na talaga! Buti na lang at--"

"I remember someone every time I see onions..." bulong niya.

"Ha? Ano?"

"My little brother."

Mas lalong nalito si Denver, "Anong little brother? Diba only child ka? Anong pinagsasasabi mo? May ampon ba kayo dati? Hoy---" babahain na sana sa tanong si Rence pero naunahan niya na si Denver.

"I once had a brother, he was so nice to me but I hated him so much."

Magrereklamo na sana si Denver sa sobrang pagkalito na ibinibigay sa kanya ni Rence pero habang tumatagal ang pagkwekwento ay nakikinig na lang siya na para banag gusto niyang malaman lahat ng details doon sa kwento ni Rence.

Wala ngayon ang mommy ng dalawang bata kaya libre silang gawin lahat ng gusto nila. Naglalaro ng PSP si Rence samantalang naglalaro naman ng toy cars ang nakababata niyang kapatid.

"Kids! Meryenda na!" tawag ng yaya.

Dala ng gutom ay agad na sumunod si Rence samantalang naiwan sa sala ang kanyang kapatid. Tatawagin na sana ng yaya nilang dalawa ang bata para sumunod sa kuya niya kaya lang pinigilan na ito ni Rence.

"I'm gonna call him na lang."

Bumalik ulit sa sala si Rence pero mukhang pumunta na sa labas ang kapatid niya para doon na maglaro. May naisip naman siyang paraan para makaganti ulit.

Umalis saglit ang yaya kaya solo niya ngayon ang lamesa. Kinuha niya ang pagkain ng kapatid niya at dali-dali itong binudburan ng paminta at saka niya nilagyan ng maraming sibuyas ang burger nito.

Napangisi siya sa kanyang ginawa lalo na nang maalala niyang hindi lang siya ang may ayaw sa onions kundi pati ang kapatid niya. Pero syempre, mas matindi iyong sa kapatid niya kasi allergic rin siya sa mga 'yon. Naalala niya pa nang kamuntikan na itong maospital dahil aksidente itong nakakain ng sibuyas sa pag-aakalang pusit ang mga ito.

"I'm gonna eat already!" sambit ng kapatid niya habang pawis na pawis na dumating sa hapag-kainan. "Hi kuya!" bati niya pa sa nakatatanda niyang kapatid na ngumiti lang pabalik sa kanya.

Lingid sa kaalaman ng bata ay pasimpleng ngumingiti ang Kuya niya habang ngumunguya. Maya-maya ay nagtataka na rin ito kung bakit parang nag-iiba ang lasa ng pagkain niya.

Nagsimula na siyang umubo hanggang sa pumula ang buong mukha niya. Tinubuan na rin siya ng mga pantal at suka siya nang suka.

Hindi siya nilapitan ng kuya niya kahit anong pagmamakaawa pa ang gawin nito. Sa halip ay lumapit lang siya rito at pinanood kung paano siya magdusa habang umiiyak.

"K-kuya! I-i can't breathe anymore!"

"Really? Then that's good."

"K-kuya---"

"I'm home!" Isang boses ang nanggaling mula sa may sala hanggang sa unti-unti itong lumalakas. Ibig-sabihin niyon ay papalapit nang papalapit ang may ari nito.

Parang binuhusan ng malamig na tubig ang Kuya niya sa narinig. Dali-dali siyang tumayo para sana makatakas pero nahuli na sila ng Mommy nila.

"My baby--OH MY GOD WHAT HAPPENED TO YOU?!" Nanlalaki ang mga mata nilang dalawa samantalang nanginginig at hindi makatakbo si Rence habang umiiling. "What did you do to my son?!"

You're My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon