thirty-two

96 6 10
                                    

Cha's POV

Kanina pa sorry nang sorry sa akin si Erine hanggang sa makauwi na kami. Kesyo daw baka nasaktan ako kasi nakita kong nakikipaglaplapan doon sa Gaga kasama nung isang babaeng parang pamilyar sa akin pero hindi ko na matandaan yung pangalan. Tango lang ako nang tango hanggang sa maihatid niya na ako pauwi. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko kanina at mabuti na lang at nahila na agad ako ni Erine pauwi kanina. I don't know what to feel either. Natagalan lang kaming umuwi nung dumaan kami sa gas station na ang raming nakapilang sasakyan. All in all--

Wala naman talaga akong nararamdaman. Ewan ko kung magseselos ako, masasaktan, iiyak, o matutuwa kasik nakahanap na siya sa wakas ng kalandian niya. Pero wala eh. Instead, I felt bad for him. Bakit?

Hindi ko alam na magagawa niya yung bagay na 'yun.' Yeah, okay lang naman na makipaghalikan siya sa random girls o kung sino man ang bigla niyang nagustuhan pero I expected just a normal scene like holding hands at nagkikiss nang hindi ganun ka-agresibo. I know Garey. Hindi naman siya ganun. Pero nangyari na eh. Hindi ko inasahan na ganun ang gagawin niya dun sa babae. Wala nang pantaas yung babaeng yun bago kami umalis. Doon ang nanghinayang.

All I knew is that Garey is a good boy. Dumadamoves siya sa mga taong gusto niya--like me. Pero hindi ko talaga sukat-maisip na magagawa niya yun.

Anyways, may kasalanan rin naman yung babae. Hindi ko dapat ito iniisip nang hindi ko pa alam lahat. I don't know him. I don't know them. Hindi ko alam kung sino ba talaga sila. Siguro pakitang-tao lang lahat--? I don't know. Nalilito ako.

AYOKO NA! Ang raming nangyayari. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. Sa tingin ko mababaliw na ako ngayon. Umamin si DM ng nararamdaman niya sa akin, may anonymous na nagbigay ng sandwich sa akin kanina, tinanggihan ko yung offer na maging representative ng course namin, tapos nakita kong nakikipaghalikan si Gaga sa isang babaeng sa tingin ko slut. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Literally. Sa tingin ko masisiraan na yata ako ng bait.

Pinasok ko yung mansyon nang hindi pumapansin ng kahit na sino. Nabigla ako nang makita ko si Darey na tumutugtog ng gitara. Woah. First time ko siyang makita na nanggigitira. Nakinig ako doon sa music na ginagawa niya and it's great. Ang galing niya pala. Feeling ko may dahilan kaya siya tumutugtog kaya nilapitan ko siya bago dumiretso sa kwarto ko.

"Para saan?" Tumingala siya para matingnan ako tapos naggitara na naman. Oh...kay? Here we go again with the cold treatment? Galit pa rin ba siya sa akin? Grabe.

Naglakad na ako papunta sa hagdan nang hindi niya ako sagutin. Ano ako, hangin? Nakatapak na ako sa pangatlong hagdan nang marinig ko siyang magsalita mula sa baba.

"Battle of the bands." Ang baba ng boses niya.

Tumango na lang ako kahit na hindi ko gets yung sinasabi niya at hindi niya rin lang ako makikita. Battle of the bands. Hm, sa tingin ko narinig ko na yan. Pero akala ko ba last month pa yan? Ang late naman na ata?

"Whatever," bulong ko at saka dumiretso papataas. Nagkatinginan kami ni DM na pababa rin pero hindi niya ako nilingon at nilagpasan lang.

Hindi dapat ako magpa-affect. Pero bakit namumula na naman ako at yung tiyan ko, parang nagwawala. Pati itong puso ko, abnormal na naman.

"I hate this." Dumiretso ako sa kwarto pero hindi ko mapigilang mapadaan sa kwarto ni Gaga. May kumakanta yata sa loob. Nagandahan ako sa boses kaya nilapitan ko yung pinto at nilagay doon yung tenga ko. May naggigitara rin.

[Play niyo nasa MM. Ang hindi mag-play sisipain ko]

I do believe all the love you give
All the things you do
Love you, Love you..
I'll keep you safe, don't you worry

Sino yung kumakanta? Para naman kasing babae yung boses niya. Parang anghel. Seryoso ako. Mas pinili ko pa ulit makinig kasi ang ganda ng boses. Pati yung naggigitara, magaling.

I wouldn't leave, wanna keep you near
Cause I feel the same way too
Love you, Love you..
Want you to know that I'm with you..

I will love you, I love you, I love you
Gonna hold you and hold you and squeeze you
I will please you for all time
I don't wanna lose you and lose you and lose you
Cause I need you and need you and need you
So I want you to be my lady
You've got to understand my love..

Bakit ganun? Kahit gustung-gusto ko nang pumasok sa kwarto ko hindi ko magawa. Nang-aakit yung kumakanta. Ay ewan, parang gusto ko siyang patapusin. Ewan ko pero nage-enjoy ako.

You are beautiful, beautiful, beautiful, beautiful, beautiful,
Beautiful, girl yeah
You are beautiful, beautiful, beautiful, beautiful, beautiful, beautiful, girl..

Tumigil saglit yung kumanta. Tapos na? Hindi niya ba tatapusin? Para kasi akong nabitin. Ano ba 'yan.

Didiretso na sana ako sa kwarto ko nang bumukas yung pinto. Nakita ko si Gaga, hawak-hawak niya yung gitara niya. Wait. Siya yung kumakanta kanina? Ang galing niya naman. Nakakaantok yung boses niya. Ngayon ko lang siya narinig kumanta.

Umubo siya ng peke kaya may nagtulak sa akin na taas noo siyang tanungin. Nandito na rin naman na siya kaya dideretsuhin ko na lang siya.

"Bakit mo yun ginawa?"

Napakunot-noo siya, "Ang alin?"

"Yun."

"Alin nga?"

"Yung kanina! Ang lakas ng loob mong makipaglaplapan doon sa babaeng yun kanina! Oh ano?! Kitang-kita ko! Magdedeny ka pa ba?!" ewan ko kung bakit ako nagagalit sa kanya ngayon. Hindi ako nagseselos. Basta.

Nanlaki ang mga mata niya, napalunok, at umiwas ng tingin sa akin.

"N-nakita mo?"

"OO! GAGO KA! BINABASTOS MO NA YUNG BABAE KANINA! KAHIT MALANDI SIYA HINDI MO DAPAT YUN GAWIN SA KANYA! BASTOS KA! HINDI KO ALAM NA MAGAGAWA MO YUN!" sigaw ko at hinampas-hampas siya. Umiwas naman siya at hinawakan yung dalawang kamay ko.

"Stop! May rason ako, okay?!"

"Kahit na! Mali pa rin yung ginawa mo! Hindi ko talaga--ARGH! Naiinis ako sayo!" Hindi ko namalayang nasampal ko siya. Nagulat siya sa ginawa ko pero hindi pa rin nawawala yung sama ng tingin ko sa kanya.

"Bakit ba?! Bakit ka ganyan maka-react?! Ang lakas mong makasigaw at manampal ha? Kaano-ano ba kita para pagsabihan ako kung sino ang halikan? Ano ngayon kung ginaganun ko siya? Pake mo ba? Buhay ko 'to. Hindi mo ako kilala, tandaan mo. Hindi mo alam ang nararamdaman ko ngayon. Naiintindihan mo? Hindi mo ako kilala." Matigas na sabi niya.

Naiwan akong nakatayo dun samantalang pumasok siya ulit sa kwarto nila. Hindi ko makuha yung gusto niyang sabihin. Argh! Ayoko na! Lahat na lang inaayawan ko. Bakit pa ako nabuhay?!

"Ngayon alam mo na kung paano siya magalit?"

Lumingon ako sa likod at nakita ko sa Dada, karga-karga si Hailey na alalang-alala ang mukha. Yumuko ako. Bakit ba 'to nangyayari?

May humawak sa balikat ko, nakalapit na pala si Dada. "Baka magpakamatay ka kung nandito ka lang at iiyak-iyak. Sumama ka bukas sa battle of the bands," seryosong sabi niya.

Tumingala ako at tiningnan siya "Para ma-OP na naman? Ayoko. Baka pagtawanan lang ulit ako." Akmang aalis na ako pero pinigilan niya na naman ako.

"You like him too, right? Cheer him up."

"Sino yung 'him' na tinutukoy mo?" Si Gaga o si DM? Pareho naman silang gusto ako eh. Ewan ko kung matutuwa ba ako, kikiligin, o ano.

Ngumisi lang siya. Shet. First ko siyang makitang ngumisi, "You'll find out. Imbitahan mo yung mga kaibigan mo pati yung nerd."

"Teka lang--" hindi na ako natapos kasi umalis na siya at iniwan kasama ko si Hailey na nakangiti ngayon. Lumapit siya sa tenga ko at may binulong.

"I and Kuya Darey witnessed the confession last day!"

*******

Enjae: short c: i know na sawa na kayo sa mahahabang uds kaya ito na. wish granted. XD mahal ko si xiumin <3

You're My EnemyDove le storie prendono vita. Scoprilo ora