four {Feeling Close}

377 22 8
                                    

Chapter 4

•••

Matapos ang malanobelang pag-uusap namin ni Ate sa Skype ay sa wakas naisipan din naming ilagay sa isip namin na may gagawin pa siya at ako naman ay kailangan ng magpahinga! Routine kasi naming magkakapatid na kada tanghali ay matutulog kami kaya nga lang natagalan kami sa paguusap ni Ate at inabot kami ng mahigit 5 hours. Ewan ko lang kung makakatulog pa ako.

Pinatay ko ang laptop at nahiga sa kama. Niyakap ko si Shushie at nagpagulong gulong. Nagtataka kayo kung bakit Shushie ang pangalan? At nagtataka kayo kung sino si Shushie?

Simple lang. Siya ang teddy bear ko. Niregalo siya sa akin ni Charlie nung 15th birthdqy ko last year kaya mahal na mahal ko siya. Natouch kasi ako masyado dahil hindi ko inakalang reregaluhan ako ng napakasungit na si Charlie. At saka Shushie ang pangalan niya dahil may hawig sila nung dati naming aso na si Shushe. Baliw talaga namin 'no? Masanay kayo.

Gulong here~

Gulong there~

Gulong here again~

Gulong there again~

Gulong everywhere~

Hindi na ako makatulog!

Tinry ko pa ulit na pumikit at habulin si Mr. Antok pero wala eh! Wala na siya!

Time check: 6:00 PM

Teka...SIX NA?!

Agad akong napatayo at nirub ang mata ko. Di nga?! Ang bilis naman ng oras!

....kung sa bagay ang tagal kasi naming nagusap ni Ate. Hay.

Lalabas na sana ako kaso bigla akong tinamad. Wala naman akong gagawin at wala pa ako sa mood makipaglaro kay Hailey kaya bumalik nalang ako sa kama at nag isip ng mga pwedeng gawin.

...

...

...

Maya maya ay may lumitaw na lightbulb sa tapat ng ulo ko.

ALAM KO NA!

Binuksan ko uli ang laptop at inopen ang facebook ko. 'Wag kayo! Hindi porke baliw wala ng facebook! Marami kaya akong likers! Sikat yata ako sa dati kong school dahil nga VALEDICTORIAN ako!

Charys Aille Manlongat

Status: Online

Ang dami kong notifications! Kung sabagay ang tagal na rin simula 'nung huli kong buksan yung facebook ko. Mga one month na rin yata.

589 Notifications•57 Messages•89 Friend Requests•

Isa-isa kong pinindot ang mga 'yun. Ang dami pala. Ang hirap maging maganda.

Nung ma-bore ako dahil halos puro game requests lang ang mga nakikita ko, naisipan kong tignan ang profile ko. Baliw ako kaya ako mismo ang magsstalk ng profile ko! Mwahahaha.

'Yung profile picture ko nung graduation pa 'yun. Yung halos mamatay na ako sa bigat ng medals na dala dala ko. Pero 'wag kayo, 789 likes kaya 'yun! Dami noh? At ang dami ring comments!

'Yung mga posts rin sa timeline ko matagal na rin. A month a go siguro.

Sheena Dizon and 107 friends posted on your timeline.

Chichay Medrano: Congrats ate Cha! Ang galing galing galing mo!

Milette Dizon: Ang galing mo! I adore you a lot! Isa ka sa mga pinakamatalinong tao na nameet ko sa buhay ko!

You're My EnemyWhere stories live. Discover now