Be careful on what you wish for

36 1 0
                                    


"Graciela..." bulong ko matapos kong marinig lahat ng sinabi ni Garey. Now I know... Now I know kung sino 'yung nasa bracelet ni DM. Alam ko masyado nang late na nalaman ko 'to. Pero at least now, hindi na ako magtataka at manghihinayang na baka girlfriend ni DM 'yung nasa bracelet niya. "I-ibig sabihin, hindi talaga magkapatid si Hailey at DM? At hindi si Ma'am Hanna ang mommy niya?"

Ngumiti siya at niyakap ako, "You're really a nice girl. Napakabait mo at masunurin pa. I hope na maimpluswensiyahan mo ang nag-iisa kong anak na-- I hope na maging mabait rin tulad mo si Harren."

Naalala ko 'yung dating mga sinasabi sa akin ni Ma'am Hanna, kapag nagsasabi siya ng tungkol kay DM, hanggang maaari, iniiwasan niyang sabihin na 'only son'. Ang dahilan pala, hindi niya talaga anak si DM, anak lang ng kapatid niyang babae, si Graciela Garcia.

"Oo," sabi ni Gaga. "Napapansin din naman natin, 'di ba, ang mga pag-aaway nila. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin nakakamove-on si Harren sa pagkawala ng mama niya. Alam mo na, kahit ganyan 'yang pinsan/best friend ko, may damdamin rin 'yan. May puso rin 'yan," pagpapatuloy niya at ngumiti.

Napangiti ako nang malungkot, saka nagbuntong-hininga. "Ibig sabihin ba niyan, siya 'yung babaeng sinasabi nila na palaging bumibisita kay DM dati?"

"Oo, siya nga. Alam mo ba, noong unang beses na pumunta siya doon, nagyakap sila ni Tita. Kasi, hindi rin nila inasahan na magkikita ulit sila. Nalaman ko na kaya pala ang tagal na nawala si Tita Graciela ay dahil ipinakulong siya. Ipinakulong siya nina Vianca simula nang pagbintangan nila itong pumatay sa mommy nila. 'Yun ang dahilan kaya hindi na sila nagkita ni Harren, pati ni Rence."

"Pabalik-balik doon si Tita Gracie, kasama niya sina Hailey at saka Tita Hanna. Paminsan-minsan ay dumadalaw rin kami doon ni l'il bro. Pero mas madalas, pumapasok kami sa school. Wala ka na n'un, inuwi ka na ng pamilya mo. Sorry ha, hindi ko sinabi kay Darey ang tungkol d'un, kaya akala niya, wala ka na."

Magrereact sana ako pero nagsalita na naman siya.

"Ilang beses na ring lumabas sa news 'yung nangyari pero wala pa ring lumalabas na suspect. Ako, kilala ko kung sino sila, pati sina Trebor at Denver, pero hindi na namin sinabi. Ang sinabi namin sa interview, wala na kaming maalala masyado at aksidente lang kaming napadpad doon dahil sa roadtrip nating magkakaibigan. At dahil gabi na, sabi namin, doon na natin napagdesisyunan na magpalipas ng gabi... Si Trebor, hindi na nakalakad, tapos si Erine nga, hindi na makakita. Kaya hindi na namin siya pinaghinalaan. Tulad ko, ginamit lang rin siya ni Vianca.

Nainis ako doon sa sinabi niya. Ginamit? Ano'ng ginamit? Si Erine, ginamit? Baka siya ang nagpagamit. "Gaga, hindi lang ginamit ni Vianca si Erine. Palibhasa, hindi mo alam kung gaano niya ako sinaktan at niloko. Tinraydor niya ako. Lahat ng pagsasama namin sinayang niya. Ang sama niya," nanggagalaiting sabi ko.

Hindi nagsalita si Gaga tungkol doon sa sinabi ko, sa halip, nagpatuloy siya sa pagkwekwento. "Pero alam mo, nang magising si Harren.."

Biglang napintig ang ang tainga ko sa narinig. Bigla akong nagpay-attention kay Gaga nang marinig ko ang sinabi niya.

"...hindi siya nagsalita. Sobrang saya nila, sila Tita Graciela, Tita Hanna, si Hailey. Kasi sa wakas, after 2 months, nagbalik na siya, gising na siya. Kung naiimagine ko lang ang mga sinasabi ko, maiisip mo kung paano nabigla si DM mo nang makita niya ang Mama niya. Nagyakap sila. Pero siyempre, ang yumakap lang ay si Tita Graciela kasi hindi pa makagalaw si Harren. Tapos, umuwi na sila. At pagkatapos ng isang linggo na pamamahinga ni DM sa bahay nila, dinala na siya ni Tita Graciela sa America."

"Gan'un na 'yun?" singit ko. "Bigla-biglaan? At saka, Gaga, hindi man lang ba ako binanggit ni DM? Hindi niya ba ako hinanap? Nagka-amnesia ba siya?"

You're My EnemyWhere stories live. Discover now