forty-three [part one]

20 0 0
                                    

A/N: Short unleh ^____^V

***

"P're, p're, mukhang pakakawalan na tayo. P're, p're!" tawag ng isang binata sa kasama niya habang nakaturo sa harapan nila, na sa palagay nila ay isang malaking pintuan, na may unti-unting lumilitaw na liwanag. Medyo nasisilaw man dito ay pilit pa rin nitong kinakalabit, kahit halos hindi na nito maabot ang katawan ng natutulog na kaibigan, upang ipaalam ang sa tingin nila ay 'magandang' balita.

"H-huh?" Inaantok pa rin ang boses ng kasama niya ngunit maging ito ay pinipinilit ring buksan ang mga matang kanina ka nakapikit kahit hindi naman ito natutulog. "T-teka nakadilat na ba ako?"

"Ano? Ano'ng sinasabi mong nakadilat?"

"Parang nakapikit pa rin ako eh, teka lang, try ko ulit buksan 'tong eyes ko," sagot ng kasama niya kaya naman napabuntong-hininga na lamang ang binata sa inasal ng kaibigan. Hindi niya naman ito mabatukan o makurot o masuntok nang pabiro dahil kapwa sila nakatali at ilang araw nang nakakulong sa isang madilim na bodega. Isa pa, sila lang dalawa ang nandoon kasama na rin ang ilang mga insekto at mga nabubulok na basura na pinipigilan na lamang nila amuyin. Ngunit hindi rin naman nila mapigilang amuyin ang mga iyon dahil hindi nila matakpan ang mga ilong nila. Mamamatay naman sila kung pipigilan nila ang paghinga.

"Shunga, brads, nakadilat ka na. Madilim lang talaga," pabulong na sambit nito kaya naman nabuhayan ng loob ang kanyang kasama.

"Talaga?! Nakikita mo akong nakadilat?! Yes! Buhay pa pala ako! Akala ko nasa langit na ako eh! Akala ko patay na ako! Wooohoo! Buhay pa ako! Yehey!" Sa kabila ng kondisyon nito ay nagagawa pang humiyaw at ngumiti ng kaibigan ng binata.

Hindi ito umimik at saka yumuko lang. Nakatali ang mga kamay niya maging mga kanyang mga paa kaya tanging ulo lang niya ang kanyang pwedeng magalaw, at nagpapasalamat rin siya dahil hindi sila piniringan o tinakpan ang bibig sapagkat mas mahihirapan sila doon. At kanina niya pa rin gustung-Gustong suntukin ang kaibigan niya, hindi niya nga lang niya magawa dahil nakatali sila kaya naman lumingon na lang siya dito at umismid.

"Tanga ka talaga kahit kailan. May langit bang maitim? Ang ingay mo. Nawala na tuloy 'yung ilaw kanina. 'Kala ko pa naman pakakawalan na tayo. Tsk," sambit nito kaya nawala ang malapad na ngiti sa bibig ng kasama.

Kahit nila nakikita ang isa't-isa ay ramdam nila ang kanilang kaniya-kaniyang presensya kaya nakapag-uusap pa rin sila. "May ilaw kanina? YEHEY!" Bumalik na ulit ito sa saya nito dati at saka pinilit na gumalaw kahit hindi niya kaya. "Y-y-yehey papakawalan na kami!" Pilit nitong yinuyugyog ang sarili na parang bulateng nalagyan ng asin ngunit sadyang makapit ang pagkakalagay sa tali kaya wala pang isang minuto ay tumigil na ito habang humihingal. Pero maya-maya ulit ay bigla na lang ulit siyang nag-ingay na ikinadismaya ng isa dahil nagmukha na naman itong baliw.

"Baliw, walang magagawa 'yang kabaliwan mo kaya pwede bang tumigil ka na?! Naririndi na ako sa boses mo! Nakakasuka na! Nagugutom na nga ako mas pinalala mo pa! Tangina brads konting pakikiramay naman!" inis na sambit ng binata kaya naman natigil saglit ang kasama niya.

"Pero sabi mo kanina may liwanag! Paano kung isa na 'yung senyales na makakawala na tayo? Hindi ka ba masaya?! Kaya magpapansin na tayo ngayon pa lang! Kailangang mapansin agad nila tayo para automatic na makakaalis agad! Miss ko na 'yung aso ko eh!" Tumigil ito saglit sapagsasalita at saka nagpatuloy sa pagsigaw. "PAKAWALAN NIYO NA KAMEEEE!!! Nagmamakaawa kami sa inyooooo!!! Please!!! Sana ay pakawalan niyo na kame gusto ko nang makakain ng monay!!! Pleaaaaase!!! Gutom na kameeee!!!"

"Shunga ilang beses na bang nangyayari 'to? Puro naman tayo hinala pero hindi namn nagkakatotoo. Tumigil na lang kaya tayo?" Sa sinabi nito ay nahinto at tumahimik ang kasama. "At saka tanggapin na lang kaya natin na dito na talaga tayo mamamatay sa gutom? At sa sobrang init? At sa kagat ng maraming ipis--- speaking of that pest ARAAAAAY!!! Tangina tumigil kang demonyo ka ang kati--este hapdi ng kagat mo!!!" Kahit na anong pilit nito ay hindi niya maigalaw ang mga binti kung saan naroon ang ipis kaya naman wala itong magawa kundi umungol nang umungol sa sakit at sumigaw hanggang sa tuluyan na itong mapagod sa kasisigaw.

You're My EnemyWhere stories live. Discover now