one {Passed}

812 29 8
                                    

Start--

Chapter 1

"Waaaaaa! Kapated kooooo! Nakapasa ka! I'm so proud of you!"

Nanaginip ba ako o ano? Kanina ko pa kasi nararamdamang may yumuyugyog sa akin. Pero dahil inaantok pa ako, hindi ko na lang 'yun pinansin at ipinagpatuloy ko na lang ang mahimbing kong pagtulog. Zzzzz.

"KAPATID! GUMISING KA! GOOD NEWS ITO PROMISE!"

Teka, boses ni Ate 'yun ah.

"KAPATED HINDI ITO PANAGINIP! NAKAPASA KA!"

Totoo ba 'yung naririnig ko? Nakapasa? Saan? Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at laking-gulat ko nang makita ko si Ate sa harapan ko. So hindi pala ako nananaginip? At bakit nga pala nagaalala ang mukha niya? Is there any problem?

"Good morning!" nakangiti kong bati pero 'yung expression ng mukha niya hindi pa rin naaalis. Teka, ano ba'ng nangyayari?

"HINDI MO BA NARINIG 'YUNG SINABI KO? Nakapasa ka!"

"Narinig ko naman. Pero 'di ko gets eh! Saan ba ako nakapasa?"

"Asdfghjkl! Edi doon sa pinag-examan mo! Doon sa pang-Rich Kids! Villians! Villians Academy! Asdfghjkl!"

Sa totoo lang, hindi ko pa gets nung una kaya tumango tango lang ako. Pero nang makuha ko ang ibig niyang sabihin ay doon na ako nag-react.

"ANO?! Are you serious Ate?!"

"Hindi pa ba ako seryoso sa lagay na kanina pa ako nagwawala dito?!"

"Hala! Ayaw ko! Ayaaaaaaaaaw!" maktol ko. Basta! Ayaw ko! Hindi ko kaya 'yun!

"AYAW MO?! Bakit naman?! Opportunity mo 'yun tange! Sabunutan kita d'yan eh!"

"Kahit na! Ayaw ko pa rin! Mahirap doon! At saka minali-mali ko lang naman ang sagot ko doon sa Entrance Exam! Imposible! Baka namali kayo nang basa!"

"Manahimik ka! Tanungin mo pa si Mama!" Tapos nagwalk-out siya.

Seriously? What's wrong with these people? Ako? Nakapasa sa Entrance Exam? Huh? Imposible.

-

"Sabi ko na nga ba anak eh, makakapasa ka talaga kahit na kung ano ano pang isinagot mo sa exam. Talino mo talaga anak, I'm so proud of you!" natutuwang sabi ni mama habang niyayakap si Charmie, kapatid ko.

Kalalabas ko lang ng kwarto ko tapos sila na agad ang sasalubong sa akin? 'Yung totoo? Kumpul-kumpul silang lahat sa may sala. May meeting? Eh?

"Ano'ng pinagsasasabi niyo? Akala ko ba nagjo-joke lang si Ate?"

"Sabi nang hindi ako nagbibiro!" Napahampas si Ate sa mesa. Sorry naman!

"Ano ka ba? Hindi ka ba masaya para sa sarili mo? Opportunity mo 'yun," singit ni Kuya ko habang nagngangatngat ng kung ano.

"Opportunity! Opportunity! Sige! Palayasin niyo ako dahil sa opportunity na 'yan! Basta! Hindi ako mag-aaral doon! NO!"

"Arte mo," bulong naman ng kapatid kong isa, si Charlie.

Ano ba, pinagtutulungan ba nila ako? Ayoko na. I give up! Sana talaga hindi ako nag-exam.

"Why won't you just consider yourself as grateful? Akalain mo 'yun, 20,000 students from the whole country ang nag-exam tapos isa ka sa 1,500 na nakapasa."

"Ano naman ang pake ko--- what?!"

"Tsk, tsk. Malaki ka na. 'Wag ka nang mag-expect ng marami galing sa amin. Kaya mo nang mag isa, mag aral ka doon sa siyudad. Tira ka sa eskwater. Hahaha."

Seryoso ba si Kuya? Ayoko nga! Ako? Lalayo? Nek nek nila! Baby girl pa ako!

"Pero Anak, matanda ka na. Tira ka na mag isa, hahanapan kita ng apartment. Ang galing mo nga eh. Hindi ko maitatangging may mga manliligaw na nga--"

"MA?!"

"Oo na, oo na. Kailangan mo rin kasing lumayo kasi malayo ang Villians Academy dito."

"Ayaw! Ayaw ko humiwalay sa inyo Mama! Hindi ko kaya!"

"Anak."

"Ma..."

"Mag-aaral ka doon o mag-aaral ka doon?"

"Ma naman!"

"Hindi kita ililibre ng ticket sa concert ng One Direction kapag may trabaho na ako."
-Kuya

"I'm not gonna bake cookies for you anymore." -Charlie

"Hindi na kita tuturuan kumanta kapag may free time ako."-Ate

"B-but..."

"No buts!"

"Sige na nga!" pag-sang ayon ko.

Ang problema, malalayo ako sa pamilya ko. Whatever. Parang hindi naman nila ako mahal eh. Pero joke lang. Gusto nila eh. Sa huli, pumayag rin ako.

Kung tutuuisin, ang swerte ko nga naman. Ang talino ko pala? Bwahaha!

Meet me. My name is Charys Aille Manlongat. I'm 16. I live in far away land. Pero joke lang siyempre.

Probinsyana girl ako, pero maganda naman. May apat akong kapatid: Si Kuya Charles; Ate Charlise; Charlie; Charmie. Hindi halatang adik kami sa "Ch" di ba? Pakitanong na lang sa nanay naming Charity ang pangalan. Ang galing ano?

Kanina lang, ini-anounce ni Ate ko na nakapasa raw ako sa Entrance Exam sa Villians Academy, isang sikat na school dito. Buong akala ko, hindi ako makakapasa. Ang hirap kasi. Nagsisisi nga ako nun kasi ang feeling ko na ang dali-dali 'yun pala ang hirap. Tapos pang-mayaman pa 'yung school na 'yun. Mabuti na lang at nakapasa ako sa Entrance Exam. Kaya kalahati lang ang tuition fee na babayaran. Ang isa pang nakakagulat, hindi ako nagreview at minali-mali ko lang ang sagot. Pero tama pala. Ang galing ko, 'di ba?

Matagal pa bago ang pasukan. Actually, late nang ini-anounce ang mga passers. Hindi ako umasa, pero hindi inasahan 'yung resulta. Ngek.

Bahala na nga.

-

Kanina ulit, tuwang tuwa si Mama ko kasi may matitirhan na raw ako. Ano 'yun, ang tagal pa bago ang pasukan tapos ready na agad sila? Tapos ang ikinagulat ko pa, ipapadala na raw nila ako doon para daw masanay na ako, which is ikinagulat ko. Tapos hindi pa nila sinabi kung saan ako titira, basta bahay daw nung kaibigan niyang mayaman. Uy, baka mansiyon! Hehe.

Kaya nga lang, aalis na ako. Amp, ayaw na ba nila ako makasama? Pero may dahilan daw kaya hinayaan ko na lang. Nakipag-bonding na rin ako sa mga pinsan ko dahil malapit na ang alis ko papunta sa siyudad. Nagulat na nga ako nang nakaayos na 'yung mga gamit ko doon eh.

Hindi ako makapaniwala, ganun lang kabilis 'yun?

Nakapasa lang ako tapos lilipat na ako ng bahay? 'Yung totoo?

Pero ang sabi ni Mama, may dahilan nga raw. Bakit kasi ayaw nilang sabihin? Ugh. Bahala na ulit.

Ang tanong ko lang sa sarili ko...

Saan kaya ako titira?

****

You're My EnemyWhere stories live. Discover now