forty-two [part two]

27 1 0
                                    

"H-hi?" alanganin akong lumingon sa tabi ko at ngayong oras na ito ay mas gugustuhin ko pang makakita ng multo kesa kay Rence. Kasi 'yung multo, tatakutin lang ako. Pero si Rence, irerape niya ako!

Pero shoot.

Si RenceMonkey nga.

"H-hoy! P-paano ka nakasunod---" hindi na ako natapos kasi may pinakita siyang wire at saka isang bagay na parang...remote?

Ano ang ibig niyang sabihin doon? Tinuro niya ang bewang ko dahil nalaman niya siguro na nagtataka ako sa mga pangyayari sa mundong ibabaw at may nakita akong wire na nakalagay doon.

"Ah!" dali-dali ko 'yung inalis pero hindi ko magawa. Teka, paano 'to nailagay ni RenceMonkey sa akin?! Kaya niya pala ako nahanap dahil doon! May gadget na siya na...ah basta! May ginamit siyang gadget para malaman at ma-trace kung nasaan ako! Ang creepy niya naman! "W-wag kang gagalaw! Tatawagan ko si DM!" nanginginig na banta ko sa kanya habang nilalabas ang cellphone ko pero nahulog naman 'yun agad sa sahig sa sobrang panginginig ko. Tinangka namin 'yung kunin dalawa ni RenceMonkey at nauna siya. Oh no.

Nagkatinginan kaming dalawa kaya naman agad kong pinilit na agawin sa kanya ang cellphone ko, "Hoooy! Cellphone ko 'yan! Ibalik mo sa akin 'yan!"

Parang ako lang ata ang gumagalaw nang makatayo kami dahil ako lang ang talon nang talon para maabot ang cellphone ko sa kamay niyang ngayon ko lang napansin na may nakalagay palang benda. Ano 'to nasugat ba siya? Seryoso lang siyang nakatingin sa akin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin at inapakan ang paa niya.

Parang familiar ang scene na 'to. Parang nangyari na 'to nung...nung....wait...Ah! Tama! Nung ninakaw---or nakita at pinakialaman nila ni Weirdo 'yung bag ko! Arrgghh! Naaasar na naman ako kapag naaalala ko 'yun.

Pero hindi pa rin siya natitinag.

"Ano ba! Magsalita ka nga! Hindi 'yung ang tahimik-tahimik mo diyan! Ano bang pakay mo sa 'ken?! Re-rape-in mo ba talaga ako?! Nanakawan ng first kiss?!" tumigil ako saglit at tumingala sa kanya. Bwisit! Lahat na lang ata ng mga kilala kong lalaki matangakad! Ano ako?! Kapag namatay ang dahilan kasi natakapan?! "Hoy! Naunahan ka na nung lalaki sa bar! Hindi mo na mananakaw ang first kiss ko kung'yun angpakay mo! At bakit ba, ha?! Ano ba talagang---" napansin kong mukhang hindi siya sang-ayon sa sinasabi ko kaya i iba ko ang sinasabi ko. "Ano ba?! Nanakawan mo lang ba ako ng cellphone?!"

Eeksena pa sana ako at sasabihing kaya niya namang bumili ng mas mahal at maraming cellphone dito sa akin pero nagsalita na siya.

"Gusto mo talagang malaman?"

Sa isang iglap ay nakasandal na agad ako sa pader habang malapit ang mga mukha namin sa isa't-isa. Sa sobrang gulat ko hindi ko namalayan na nahila niya na pala ako pasandal dito. Ang lakas ng tibok ng puso ko ngayon.

"A-anong gagawin mo sa akin?" Hindi ako makatingin nang diretso sa mga mata niya. Pero shet, amoy naamoy ko 'yung hininga niya. Ang lapit talaga ng mga mukha namin. Hindi siya nagsasalita at nakatingin lang nang diretso sa akin. Tapos unti-unting bumababa ang tingin niya sa labi ko.

Hindi ako makapaniwala sa sunod niyang ginawa.

***********

En Jae's POV

(About 10 minutes before Cha and Rence's scene)

"Cha? Yoohoo! Nandito na si DM! Magpakita ka na!" sigaw ni DM habang lumilingon sa paligid niya. Tama ang iniisip mo, sinundan niya nga si Cha. Medyo natagalan nga lang ang pagsunod niya dahil naubusan pa siyang gasolina sa gitna ng daan at kaylangan niya pang tawagan ang isa nilang driver para dalhan siya ng extra car doon sa tinirikan ng kotse niya, which is malapit naman na rin sa V.A kaya madali na rin siyang nakarating dito.

You're My EnemyWhere stories live. Discover now