forty [part two]

33 2 0
                                    

May nagbabasa pa ba nito? Haha :p

--

"Wait, wait! Sabi mo makikisabay ka sa akin?" pahabol nung babae pero umiling lang siya.

"Sabing may pupuntahan ako eh."

"Wait, but---" hindi na siya natapos kasi iniwan na siyang nakanganga ni DM. "Aish!" Umirap na lang siya at umakyat ulit pataas.

Nakanganga rin akong nilagpasan ni DM. Kami pala. Kami ni Weirdo. Bakit hindi niya kami pinansin? O sadyang hindi niya kami napansin kasi hindi kami kapansin-pansin?

Hindi ba talaga nila kami nakita? Hala, are we invisible? Don't tell me kagagawan ni Weirdo 'to?! Ano ang pinakain niya sa akin?! Baka naman kanina unconscious ako na may pinakain na pala siya sa akin?!

"Weirdo---" nahinto ako nang makita ko 'yung expression ng mukha niya.

Seryoso, habang nakatingin sa akin.

Doon sa tingin niyang 'yun, yumuko ako.

Bakit parang may tumutusok sa akin? Bakit masakit?

Teka. Dahil ba 'to doon sa nangyari doon sa babae tapos kay DM? 'Yun ba? Pero normal lang naman 'yun sa kanya kasi playboy siya. At alam kong may mga naging girlfriends na rin siya dati. Pero KASI! Nakakainis talaga. Bakit parang nasasaktan pa rin ako?! Lalo na nung ini-snob ako ni DM kanina. Kahit na hindi niya naman talaga akong napansin ganito pa rin ang mararamdaman ko, malamang.

Isa lang ang tawag diyan,

Abnormality.

"Hoy Weirdo, t-tara na nga! Akyat na tayo. B-bakit ba tayo tumigil?" Aba, bakit ako nauutal? Nakakainis na ha. Gumagana mag-isa 'tong bibig ko nang walang paalam sa akin.

Imbis na sumagot, may inabot lang siya sa akin.

Panyo?...

"Umiiyak ka."

"Ay shuta bakit," hinawakan ko ang pisngi ko at tama nga siya. Aba matindi ito, hindi ko man lang namamalayan na umiiyak ako. Bakit ako umiiyak? T*ngina naman. Hindi ako aware na umiiyak na pala ako. Anong klaseng sakit 'to?

"S-samahan mo akong magpacheck-up. Abnormal na yata ako," nauutal pa rin ako habang sumisingot. Ano ba naman 'yan. Bakit nga kasi ako umiiyak?! Wala namang dahilan para umiyak eh! Wala! As in, WALA! Abnormality lang talaga 'to ng katawan ko. Capital A-B-N-O-R-M-A-L-I-T-Y. Period! Wala nang dahilan at 'yun--

Mali pa rin. May dahilan.

"Hindi ka abnormal," hinawakan niya ako sa balikat kaya tumingala ako sa kanya. Mas matangkad sa akin si Weirdo. Pati height niya weird. "Nagseselos ka."

"A-anong nagseselos?!" Tinulak ko siya papalayo kaya napaatras siya sa akin.

"H'wag kang ganyan, nasa hagdan pa rin tayo, gusto mo ba akong mahulog?"

Na-realize ko na paakyat pa lang pala kami. Paakyat pa lang kami pero nahulog na agad ako.

AY SHET ANO BA! Ano na naman itong sinasabi ko?! Tsk! Wala! Wala akong sinabi. Period.

Nainis ako kaya padabog akong umupo sa isang stair at nagpahalumbaba. "Nakakainis. Bakit ko ba ito nararamdaman?"

"Selos ka nga," umupo naman siya sa tabi ko.

"Hindi nga! Kung anu-ano na naman ang lumalabas diyan sa bibig mo! Manahimik ka nga diyan Weirdo! Alam mo, hindi ka nakakatulong."

"Hindi pa ba tulong itong pagsama ko sa 'yo sa pag-akyat kahit may pasok ako?" Tumahimik siya at maya-maya may sinubo na naman at naglaro ng bato na napulot niya kanina.

You're My EnemyWhere stories live. Discover now