nineteen {Poor me, Vianca too}

394 17 118
                                    

Chapter 19. Poor me, Vianca too.

[P.S Puro kabwisitan ito nila Vianca. Wag sana kayong mabwisit.]

-

Waaaaah! Hiyang-hiya ako.

Mabuti na lang at mabait si Ate at sinamahan ako para sa totoong room ko nga.

Bwisit, hindi ako makaget-over. Nakakahiya talaga 'yun! Kaya pala pinagbubulungan ako at pinagtitinginan.

"Dito na po 'yun," bahagya siyang ngumiti kaya ngumiti na lang ako and mouthed 'thank you' dahil na rin siguro masyado akong nahihiya para magsalita.

Kasalan 'to ni Gaga! Sigurado akong sinadya niya 'yun! Argh, kainis! May galit ba siya sa'kin?!

LAHAT NA BA NG TAO MAY GALIT SA AKIN?!

Akmang papasok na ako sa loob nang may bigla na lang akong nakitang papatakbo palapit sa akin at niyakap akong bigla.

"BEEEEEEESSSSSSSSS!!!" sigaw niya at mas hinigpitan pa ang yakap sa akin. "AKALA KO HINDI KA NA PAPASOK!" sabi niya ulit--- I mean sigaw niya ulit at pinisil ang pisngi ko.

"Ouch! Erine naman eh! Masakit!" maktol ko.

"Sorry na! Bakit ba kasi late ka?! Muntikan na tuloy akong mahuli ni Ma'am na umiikot dahil hinahanap kita!"

"Uhh...kasi..."

"ERINE! Nandiyan na si Ma'am! Pasok na kayo!" biglang sigaw ng isa naming kaklase kaya pwersahan akong hinila ni Erine papasok nang hindi man lang binabati ang mga kaklase namin. May nadumbo nga siyang kapwa niya nerd tapos kahit halos isumpa na siya nung nerd na 'yun pero hindi niya pa rin pinapansin at sinadya niya pang isagi 'yung baon nitong kape dahil mukhang iritado na siya sa mga pinagsasabi ni Ate Nerd. Tumawa pa nang malakas ang loka.

Kabastusan ni Erine 101.

"Dito ka Bess! Tabi tayo, hihi!" sabi niya at itinuro 'yung katabi niyang upuan. Natuwa naman ako kasi hindi ko na kailangang magpakahirap sa paghahanap ng upuan na gagawin ko SANA kanina. Hmp.

"Look, girls, mukhang namali yata siya ng pasok ng room kaya na-late. Ha ha ha," may narinig akong maarte-slash-malanding boses sa likod ko lilingunin ko na sana pero pinigilan ako ni Erine.

"Wag na Bess."

Inalis ko ang pagkakahawak niya at lumingon pa rin.

Sabi na nga ba eh. Sina Vianca. Alam kong pinapatamaan nila ako pero hindi na lang ako bumawi kasi tama naman sila ng hinala.

Napatingin sila sa akin at tinasaan ako ng kilay at sinamaan ng tingin kaya bumawi rin ako sa kanila.

"Bess, wag mo silang papatulan please! Nalaman ko 'yung balita last week," bulong naman ni Erine habang nagbabasa ng isang Academic Book. Nako, nagpapakanerd na naman. Pero sa totoo lang, bagay niya talaga ang maging nerd.

"Oo na po," umirap ako sa kawalan kasi nagtitimpi na talaga akong patulan 'yung limang 'yun. Nakarinig naman ako ng tawa na galing kay Vianca.

"Ha ha! Sinusunod 'yang papansin na nerd na 'yan na malandi. Nagpapaapi. Kawawa naman, sunud-sunuran."

"Ano ba?!" Tumayo ako at tinulak 'yung upuan ng isa kong inosenteng katabi kaya napatingin ang lahat sa amin.

"Bess.." pigil sa akin ni Erine nang mas lalong tumalim ang tingin ko kina Vianca.

"Ano?! Come on! Ha ha! Sige, patulan mo kami! Hurt us! Kung kaya mo! Hahahahaha!" nagsitawanan sila ng mga alipores niya kasama na rin ng mga iba naming kaklase. Padabog na lang akong umupo kaya umupo na rin si Erine.

You're My EnemyKde žijí příběhy. Začni objevovat