thirty-seven (part three)

91 3 42
                                    

WARNING! Wag titingnan ang pic sa media, mai-spoil sa mga susunod na mangyayari! HAHAHAHAHAHA ano ba yan kinikilig tuloy ako. ako lang ata ang kinikilig. lol. bye

*******

After naming mag-perform, tumakbo na agad ako papuntang backstage. Ewan ko kung bakit ako naiilang. Basta ayun na 'yun. Maybe kasi kinakabahan ako sa results. Hindi naman sa naga-assume akong ako ang mananalo--ang sa akin lang--ewan! Hindi ko ma-explain. Bahala na.

"Saan ka pupunta?" Pahabol na tanong ni DM at tinangkang sundan ako pero humarang ako para 'di niya gawin yun.

"Wag mo 'kong susundan! Kailangan ka pa nila dun!"

"Kailangan ka rin nila tanga! Hindi ako pupunta dun kung hindi ka pupunta," matigas na sabi niya.

"Eh ano kasi...eh..."

"What?"

"Ayun! Tama! Magbibihis ako sabay ihi na rin. Di ba ang bastos mo naman kung susunod ka pati hanggang dun? He he," awkward na sabi ko at ngumiti nang pilit at tumalikod na agad pero nahila niya braso ko. "A-ano? He he."

"Naiwan mo kasi damit mo doon. Baka hindi ka na makalabas kapag naghubad ka na tapos wala ka pa lang damit. Hintayin mo ako dito." Tapos tumalikod na ulit siya sa akin para kunin yung damir.

Shet. Boom. Mabuti hindi niya nahalata na pinagloloko ko lang pala siya. Pero sige na nga, medyo mainit rin itong suot ko kaya magpapalit na rin. Ewan.

"Oh," lumitaw bigla yung kamay niya sa harapan ko habang hawak-hawak yung plastic na pinaglagyan ko ng damit kanina.

Awkward. Namumula na naman ako. Nandun rin kasi yung...yung...BASTA! Never mind!

"Thank y-you!" hinablot ko nang mabilis sa kanya yung plastic saka tumakbo papasok sa girls' CR, naglock, at sumandal sa pintuan. "Phew."

Binuksan ko yung plastic at wala namang nawala. Kumpleto rin.

"Panty...t-shirt...SHET NAWAWALA ATA YUNG BRA KO-- ay mali nandito rin pala... Hmm, yung jacket...pants--"

"Naririnig niyo yung nagsasalita diyan sa isang cubicle? Grabe naman ang lakas ng boses niya! Pinapangalandakan niya ata yung mga underwear niya!"

"I know right! Hindi ba siya nahihiya?"

"Bayaan niyo na 'yan. Maybe wala siyang magawa sa buhay niya kaya nag-iingay. Baka naman brokenhearted ag nabaliw niya. OMG, tara na nga girl."

Tapos nakarinig ako ng mga tunog ng takong papalabas.

Ako ba yung sinasabihan nila nun?

Napakunot-nook naman ako dun. Grabe silang mang-judge ha. Hindi naman ako ganun! Hindi naman sa natamaan ako sa mga paratang nila sa akin pero ako lang naman ata ang nandito sa may CR pagkadating ko dahil lahat sila nasa gym at naghihintay ng results. Hmp, never mind na nga lang. Hindi naman ako affected kasi hindi totoo. Sino naman ako para gawin yun. Ew.

Nagpout na lang ako sa huli at nagbihis. Sinuot ko rin yung hoodie ko para cute. Tapos lumabas na ako para bumalik sa-- wait ulit. Ayoko nang bumalik. Natatakot na akong malaman. Baka mahimatay lang ako.

Tumingin ako sa paligid at pasimpleng tumakas. Ang plano ko, punta akong classroom saka diretso sa parking lot, pauwi. Hindi naman siguro ako doon hindi palalabasin ng mga guard kasi hindi makikita yung ID ko kahit civilian lang ngayon ang dapat suotin. Baka akalain nilang anak ako ng janitor, or something like that.

"Sinong nagsabing tatakas ka?"

"Ay siopao!" napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat lalo na nung may humila ng paa ko habang umaakyat sa pader.

You're My EnemyWhere stories live. Discover now