forty-one [part two]

31 1 0
                                    

"Ano ba talaga ang pinunta mo dito?" nakasandal si Rence sa cabinet niya habang pinapanood si Denver na nagkakalkal sa mga movies sa ibaba ng malaki niyang TV.

Hindi pinansin ni Denver ang tanong ni Rence at nagpatuloy lang sa pagkakalkal. Marami rin siyang movies sa bahay nila pero hindi hamak na mas marami at mas maganda ang kalidad nung kay Rence. Karamihan kasi ng mga nabibili niya, pirated at hindi original. Kaya sasamantalahin niya nang palihim na mag-uwi ng mga DVDs kahit hindi siya nagpapaalam kay Rence. You know, para-paraan.

"WOAH MAY COMPLETE SERIES KA PALA NG THE MAZE RUNNER?! Akin na 'to!" itinatabi niya lahat ng mga magugustuhan niyang CDs o libro para mapanood o mabasa niya pagkabalik niya sa ospital. Siyempre tumakas lang siya saglit kasi nga 'namimiss' niya si Rence.

"You can have all but---"

"WHAT?! SERYOSO KA?!" maluha-luha siyang lumuhod sa harapan ni Rence habang sabi nang sabi ng salamat. "THANK YOU! Thank you best friends na tayo! I LOVE YOU BRADS!"

"Idiot," ngumisi lang iyong isa at sumubsob sa kama niya matapos hablutin kay Denver ang cellphone niya.

"Anong gagawin mo diyan? Magpapapasa ka ng porn? H'wag na. Babawi ako. Bigyan kita ng USB copy, marami sa bahay."

"Perverted bastard," bulong lang ni Rence.

"Ano ba kasi?!"

"Wait," sabi nito at parang masusi niyang tinitingnan lahat ng laman ng cellphone ni Denver kaya iyong isa naman, medyo kinakabahan na. May 'ilang' bagay kasing dapat hindi makita si Rence doon.

"ANO NGA--"

"You can get snacks downstairs."

Sa sinabing 'yon ni Rence ay nanlaki na naman ang mga mata ni Denver. Hindi na siya nagsalita pa matapos magpasalamat at tumakbo na agad pababa para kumain.

"Shit where is it."

"Argh! Don't tell me he deleted---" hindi na siya natapos nang biglang may nagbato sa kanya ng kung ano.

Isang sobre.

Tumingin siya kung saan iyon nanggaling at nakita niya si Trebor, nakangiti nang malapad sa kanya sa tapat ng pintuan. Take note: naka-pajamas pa siya at halatang hindi rin pumasok kasi sobrang halata na hindi pa rin naliligo. (e.g Messy Hair, nakatiklop na mata)

"What are you doing here?"

"Buksan mo 'yung sobre na binigay ko sa 'yo." Nakangiti pa rin siya nang parang bata kaya sobrang nairita si Rence doon.

Nakunot na naman ang mga noo ni Rence pero binuksan niya pa rin 'yung envelope na nakashape-eroplano pa. Isip bata kasi si Weirdo, you know.

"Pwede na ba akong pumasok."

"Wait!" Sumenyas ng 'stop' si Rence at binasa ang nasa loob ng sobre. "What is this?"

"Invitation!" Tuwang-tuwang nagtatalon si Treb palapit kay Rence tinapon sa baba ang mga unan nito. "Birthday ng aso ko bukas! Punta ka sa bahay!"

Napa-pokerface si Rence sa narinig.

"What the hell?!" Itinapon niya pababa ang envelope matapos itong i-crumple. "Alam mo Delos Reyes, wala akong oras para sa kawirduhan at kalokohan mo. If that's the only reason why you went here, makakaalis ka na." Saka niya tinalikuran ang pinaka-ultimate best friend niya na ngayon ay nanlulumo.

"You are not my best friend for nothing."

Agad na napabalikwas ng higa si Rence sa narinig. Si Trebor na pinaka-weird na tao sa Milky Way, nag-English?

You're My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon