thirty

138 7 71
                                    

MAY NAKAHULA NUNG MEANING NG PASSWORD NI GAGAAAAAAAA!!!! CONGRATS TO KimMyungsooIsMine UWAAAAAA!!!! MAY SPECIAL CHAPTER KA DITO! LOVE LOVE BES MUWAH ANG GALING NIYA!!!

Gusto niyong malaman yung meaning? Hm, pagisipan ko pa. XD or tanungin niyo si KimMyungsooIsMine bebe or StylinsonBoosh MWAH!

*

Cha's POV

"Hatid ka na namin. Sakay ka na sa car," yaya ni Joi pagkatapos nung uwian. Noong una nagdadalawang-isip pa ako kasi hindi naman kami masyadong nakikipag-hangout sa isa't-isa kasi hindi ko sila pinapansin. Actually ngayon ko lang na-realize na classmates pala kami. Tatlo silang magkakibigan at lahat sila mukhang baliw.

[Sa mga hindi nakakakila kina Joi, basahin niyo 'yung Chapter 16-17. Nakalimutan ko na rin e wahaha]

"Wag na. Nakaistorbo pa ako. Magpapasundo na lang ako sa driver nina Kuya Garey."

Nakakailang sabihin 'yung 'Kuya' kasi ni minsan, hindi ko siya tinawag nun. Alam kong isang taon ang agwat namin pero hindi naman 'yun reason para tawagin siyang kuya. Besides, feeling niya bata rin siya kapag hindi ko siya tinatawag nang ganun. Feelingerong bakla,

"HALA I FORGOT 'YUNG SLEEPOVER NAMIN SA INYO!" sabi ni Camille bigla at saka ako tinangkang yugyugin pero nakailang ako sa pamgagaitan ng pagtago sa likuran ni Carol.

"Hindi pa naman tayo close," katwiran ko.

Sumingit naman bigla si Joi, "Kahit na! Ikaw kasi ang snob mo! Si Catherine lang ang pinapansin mo ayan tuloy nakalimutan mo na kami. Hindi mo ba maalala 'yung pagligtas ko sa 'yo nung first na pa bubully sa 'yo ni Vianca-the-Bitch?

Oh. Naalala ko rin 'yun. Oo nga pala, may utang na loob pa ako sa kanila.

"Okay fine. Pero hindi pa rin tayo close. Pero sasabay na ako sa inyo. Sayang load ko," saka ko pinahawak saglit sa kanila 'yung bag ko. Ang bigat kasi eh. Nakakairita.

"Yeeeeeeeeeey!" tapos hinila ako ni Camille papasok sa pink nilang kotse. Wow naman, sa kanya ba 'to o sa kanila? Ang cute kasi ng design tapos may maraming Hello Kitty sa loob. Ang girly masyado. Ang kikay kasi nilang tatlo.

"Akin itong kotse!" biglang bulalas ni Carol saka umupo sa may driver's seat. "Cha, sa harapan ka muna para feel mo naman ang pagsakay," suggestion niya kaya sumunod na lang ako. Ewan ko kung bakit pero masama pa rin ang loob ko. Hindi ko kasi nabili 'yung malaking Teddy Bear sa Blue Magic kahapon. Tapos ang cold ni DM. Ano ba 'yan. Nag-expect kasi ako na sweet na siya palagi. Siguro laro-laro lang rin niya 'yun.

"Bakit ka nakasimangot ngayon?" nakapout na tanong ni Joi nang siguro napansin niya ako. Nagkibit-balikat lang ako at tumingin sa kanilang lahat. Ang gaganda nila(pinakamaganda pa rin ako). Si Joi, parang medyo boyish tingnan pero babaeng-babae naman. Si Camille, maliit siya na may kulay 'yung buhok. Sa tingin ko siya 'yung pinakabata. Si Carol naman, ang natatandaan ko 17 na siya. Meaning, siya ang pinakamatanda. Hm, sa tingin ko wala namang problema kung makikipag-close ako sa kanila kasi mukha naman silang matitino at the same time baliw.

"Awww, Joila bigyan mo nga ng lollipop," utos ni Camille na ginawa naman nung isa. Inabutan nila ako ng lollipop kaya napangiti na lang ako. Pero siyempre, hindi pa rin mawawala 'yung lungkot kasi alam niyo na.

"Wait, alam niyo ba 'yung bahay nina DM?"

"DM? Who is that?" tanong ni Carol. Napatakip naman ako sa bibig ko. Oops, wrong move.

You're My EnemyWhere stories live. Discover now