ten ♚

484 20 50
                                    

Chapter 10

****
Charys's POV

🎵Baby you light up my world like nobody else
The way that you flip your hair makes me overwhelmed
But when you smile on the ground it ain't hard to tell
You don't know oh-oh, you don't know you're beauti--🎵

Agad kong pinindot ang snooze button ng alarm ko. Kainis! Malapit ng madikit 'yung lips namin eh! Panirang alarm clock!

🎵You're insecure, don't know what--🎵

"Arrgghhhh!" inis akong bumangon mula sa pagkakahiga at ibinato sa baba ang cellphone ko. Nakakainis naman eh! Malapit na malapit na ngang magkadikit eh! Ang alin? 'Yung lips namin ni Chanyeol. Chos! Pero nakakainis talaga! Ang ganda ganda na nga ng panaginip ko sinisira ng alarm clock na 'yan. Mabuti nalang at hindi ko natiis 'yung kanta ng One Direction. Isa pang fact tungkol sa akin: Directioner ako. Hello sa mga Directioners diyan!

At dahil naaasar na ako sa cellphone ko, kinuha ko na naman ito sa sahig at itinapon sa kama ko. Hinampas hampas ko ito ng unan hanggang sa mangalay ako. Itatapon ko pa sana ito sa sahig kaso nga lang napigilan ko ang sarili ko. Sayang naman, oy!

Inayos ko nalang ang buhok ko at humarap sa salamin, "Hayy nako, Cha. Bakit ang ganda ganda mo? Ang kinis kinis mo. Tas ang tangos ng ilong mo. Ang perfect mo! Pati 'yang eyelashes mo naka-curl. Nakuuu! Hindi na ako magtataka kung marami kang manliligaw! At saka bakit kasi--" natigilan ako nang biglang may narinig akong boses galing sa labas.

"I want this shirt Yaya! I like color green more! Put that in my bag!"

At saka ako nanigas sa kinatatayuan ko. Patay.

NAKU PO! NGAYON PALA YUNG TRIP SA BORACAY!

Agad akong tumakbo sa pintuan at tinangkang sumilip sa labas at shet! Nakabihis na silang lahat! Mukhang nakita pa nga ako ni Garey eh at mahahalata mong nagulat siya sa itsura ko. Hindi pa ako nakakaligo!

Para akong si Flash na naligo at nagbihis. Mabuti nalang at naihanda ko na ang mga gamit ko kundi baka iwanan nila ako dito! Mukhang basa pa nga 'yung pajama ko pero hindi ko ito pinansin at dali dali kong isinoot 'yung blouse at isang white short. Wala namang masama diba? Tas nag-ipit ako at naglagay ng konting lipgloss. Napatingin ako sa orasan, 6:30 palang. Ang usapan namin kagabi 7:30 daw ang alis para saktong lunch time ang dating namin sa Boracay. Ayaw daw nila sa masyadong maaga dahil may sarili naman daw sasakyan.

Ang ipinagtataka ko lang, bakit nakita kong nakabihis na si Darey kanina nung sumilip ako sa pintuan. Akala ko ba hindi sila sasama ni DM? O baka akala ko lang at namali lang ako ng rinig kagabi? Pero hindi eh, sabi pa nga ni DM hindi sasama pa raw silang dalawa. Siguro pinagbu-bugbog siya ni Garey kagabi para sumama rin siya? Joke lang, ang sama niya namang kapatid! Ewan ko! Makalabas na nga.

Pagkalabas ko, si Hailey agad ang bumungad sa akin. Hinihintay niya pala ako? Nakangiti siya at nagpout, "Hi Hailey!" bati ko at yumuko para matapatan siya.

"Good you're not late Ate Cha!"

Ngiti lang ang isinagot ko sa kanya, bumaba na kami sa sala pero habang nasa hagdan kami, parang hindi mapakali si Hailey na tumingin sa likod ko. Anong meron? May dumi ba?

"Why, Baby? Is there a dirt?"

"Uhmm... Ate Cha..."

Kinabahan ako bigla. Baka naman butas 'yung naisuot kong shorts! Hala! Baka nakikita na 'yung Hello Kitty kong panty!

"M-may dumi ba Baby?" tumigil na rin ako sa paglalakad.

"Uhm... There is something in your shorts..."

You're My EnemyWhere stories live. Discover now