thirty-one

150 6 56
                                    

Erine's POV

Ugh. I hate this! Suko na ako! Kapag talaga hindi ako nakatiis pepektusan ko na itong BFF ko.

"Bess naman eh! Nakikinig ka ba?! Pansinin mo naman ako!"

Actually, siguro mga 67 times ko na 'yang sinabi sa kanya. Pero baliw yata siya at kanina pa siya walang kinakausap o sinasabi! Pati kanina nung may klase kami sa Chemistry tapos pina-recite siya ng teacher namin hindi siya sumasagot at nakatulala lang. Minsan mahuhuli mo siyang bigla na lang sisigaw, mamumula at tatakbo sa CR.

At dahil magaling na ako ngayon, kasama ko siyang naglalakad sa canteen for lunch break. Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin siya naririnig magsalita. May galit ba 'to sa akin at kanina pa ang cold? Nagiging weird na rin ba siya katulad ni Treb na nadatnan ko kaninang naglalaro ng buhangin?! Pero hindi eh, hindi lang naman siya ganun sa akin. Halos lahat kami ayaw niyang pansinin o sagutin man lang. Oh no, ano na ang nangyayari sa kanya?! Sinasapian na ba siya?!

"Beeeeeeees! Mamansin ka!"

"DM WAG!" bigla niyang sigaw at tumakbo papalayo. Nanlaki ang mga mata ko. Erine ang pangalan ko at hindi DM! Ano ang pinagsasasabi niya? Sino 'yung DM na 'yun? Siya ba ang dahilan kung bakit nagkakaganyan ang BFF ko?!

"D....M?" mahina kong bulong sa sarili ko. Grabe naman 'yang DM na 'yan! Kung ano mang ginawa niya dapat niya 'yung pagsisihan! Siya ang dahilan kaya nababaliw na si Cha! Miss na miss ko pa naman siya tapos ganyan ko siya madadatnan?! Not fair!

"Bes!--- ay wait, tumakbo pala siya papalayo kanina!" Napakatanga ko talaga. Bakit hindi ko siya sinundan?!

Sinubukan ko siyang hanapin at hindi naman ako na-fail dahil nakita ko siyang pumasok sa CR ng girls. Pero tama ba 'yung nakita ko...umiiyak siya?!

"BESS!" tumakbo ako at hinanp 'yung cubicle na pinasukan niya pero ang raming girls sa loob kaya kailangan ko pang makipagsiksikan.

Shet naman. Hindi ko alam kung saan siya pumasok sa dinami-rami ng mga babae dito sa loob. Pero alangan naman pasukin ko lahat ng cubicle hanggang sa mahanap ko si Cha?! Edi pambabastos rin 'yun.

Pero dahil malawak ang aking imagination, naiisip ko na kung paano ang mangyayari kung sakali.

Ako: *binuksan 'yung cubicle 1* *wala si Cha* *nagulat yung babae sa loob* *sinara agad* *binuksan yung sumunod na cubicle* *wala ulit si Cha* *nagalit yung nasa loob* Sorry! *pinasok ulit yung pangatlong cubicle* *wala na naman si Cha* *sinipa palayo nung babae sa loob* *nagkapasa* *naospital* *hindi na naman nakapasok* *namatay na pero hindi pa rin matagpuan si Cha*

Ewan ko! Alam kong hindi imposibleng mangyari yan kaya napilitan akong hintayin si Cha sa labas. Eh! Alangan namang maghintay ako sa loob eh hindi naman ako naiihi!

Mabuti na lang at namataan ko siyang nagmamadali na namang lumabas at para na namang nagmamadali. Hindi ko na napigilan at hinila ko 'yung buhok niya.

"A-aray!"

"Hindi mo pa rin ba ako papansinin?!" nagpanggap akong galit para matauhan siya pero pagkakita ko ng mukha niya... "Shet ka! Bakit ka umiiyak?!"

Tiningnan niya ako sa isang naiiyak na look saka sumubsob sa dibdib ko habang humahagulgol, "H-hala Bes! B-bakit?! U-uy j-joke lang hindi ako galit!"

"B-bes..."

"Bakit nga?!"

"M-meron ako..."

"H-huh?! Seryoso ka ba?!" tiningnan ko siyang mabuti habang tumatango at ngayon ko lang napansin na ang pula-pula na ng mukha niya. As in, BUONG MUKHA talaga. Kinabahan naman ako. Ngayon niya lang alam na meron siya?!

You're My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon