forty-five [part one]

24 0 0
                                    



Ilang beses ko na bang naramdaman 'to kada magigising ako?

Ang bigat-bigat ng katawan ko. Para akong nilapa ng isang daang aso. Ang sakit ng ulo ko. Hindi pa man ako nakakamulat ay ramdam ko na agad ang pagkahilo. Wala pa man akong nakikita ay parang may mga nagsisiikutang galaxy na sa utak ko.

Ano ba ang nangyayari?

Hindi sa mundo, hindi sa 'yo, hindi sa kanya, hindi sa aso mo, at lalong hindi sa alagang kalabaw ng kapitbahay niyo.

Sa sarili ko.

Bumalik na nga ako sa kamalayan ko pero hindi ako makamulat. Na-sore eyes ba ako? Technically brain dead na ba ako? Nananaginip ba ako? Buhay pa ba talaga ako o hallucination lang 'to ng bangkay ko? E paanong maghahallucinate e patay na nga ako...O baka sadyang...tinatamad lang akong gumising.

Pero ibahin niyo 'to, hindi ko talaga maintindihan ang nangyayari sa buong sistema ko. Parang may masamang nangyari na ewan pero hindi ko maalala. Ano 'to, amnesia?

Wala akong maalala. Kahit na anong pilit na pag-alala ko, wala talaga. Ang natatandaan ko lang...

Ano...

"Ate, paano kung patay na si Ate? E di nabawasan na ako ng isang ate. Ayokong mangyari 'yun! Ikaw na nga lang ang natirang ate ko nung umalis si ate sa probinsya tapos mawawalan pa ako ng ate? No way, Ate! Hindi ako papayag na mawalan ng Ate! Hindi pwedeng ikaw lang ang ate ko---"

"Alam mo, bunso, siguro kapag lima kaming ate mo, pati 'yung estatwang baka na nandun sa Kemmy's Grill malilito kung sino ba talaga ang tinatawag mo. Be specific kasi."

"Specific.... Hmm, new word! Ate, ano ba ang meaning ng---"

"I said, be specific! Baka pasukin tayo ng ibang babae diyan sa pag-aakalang sila ang tinatawag mo!"

"Mffft! Fine! Ate Cheesy, what is the meaning of specific?"

"Anong cheesy?! Ni minsan hindi ako pinangalanang Cheesy nina Mama! Charmie, seven ka na pero hindi mo pa rin ba alam ang pangalan ko? Hello?! I'm Charlise! The beautiful Charlise Andranna Manlongat!"

Teka...

Sino ba 'tong mga naririnig ko?

Bakit--

Bakit parang pamilyar sila? Hindi ko sila maintindihan pero parang kilala ko ang mga boses nila pati ang mga katagang sinasambit nila. Hindi kaya...

"Tumigil na nga kayong dalawa sa pagtatalo! Naka-headphones na nga ako pero kayo pa rin ang naririnig ko. Mga panira!"

This time, boses naman ng isang lalaki ang narinig ko. Malalim. At katulad nung dalawang boses kanina, pamilyar din.

"Hoy! Bakit bawal na bang magsalita ngayon? Ano'ng gusto mo magpaka-estatwa rin kami katulad mo? Well, sorry not sorry! Ayaw namin ng bunso nating kapatid na matulad sa higanteng duwende na na-double sized ang tenga na tulad mo! 'No, Charmie?"

Pagkatapos nun ay sunud-sunuran na bangayan na naman ang narinig ko. Tapos may sumulpot ulit na isang boses. Medyo malalim rin at pamilyar. Pero hindi tulad noong mga naunang boses, kakaunti lang ang mga sinambit niya na dahilan para mapatahimik ang tatlo.

"Manahimik nga kayo. Akala niyo kayo-kayo lang ang nabubulabog."

Ano ba 'tong mga naririnig ko? Imagination ko lang ba? O talagang...kasama ko sila?

"Alam mo, Charl, kapag nalaman ni Charys na hindi ka pa rin nagbabago diyan sa kasungitan mo, ingungudngod ka niya doon sa nabulok na cake sa bodega natin dati dahil gindi na na-retrieve ni Kuya nang itago niya doon."

You're My EnemyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin