forty-three [part four]

11 0 0
                                    

A/N: Daming parts, hahaha :p

***

"Ano, tapos na?"

"Hoy ikaw!" tawag ni Cha kay Vianca na tinaasan lamang siya ng kilay.

"What?"

"Sira na 'tong cellphone mo! Akala ko ba mamahalin? Mukhang sinadya mo ata 'to eh! Sorry ha pero hindi mo ako mapagmumumhang tanga, kung tama nga ang hinala ko! Siguro may ginawa ka settings kaya wala akong matawagan! Tama naman ang mga tinatype kong number at ilang beses ko pang chinicheck ang mga 'yon bago ko i-dial! Siguro pakulo mo na naman 'to?!"

"Hah! Ang kapal naman ng mukha mong husgahan ang cellphone ko! Akin na nga 'yan! Tingnan mo marumi na! Kadiri ka! Kekerry! Kunin mo nga 'yung isa kong cellphone!" Hinablot nito kay. Cha ang cellphone na hawak niya at saka kumuha ng isang cellphone. "Oh ito, para wala kang masabi! Isa pang cellphone. At saka, sinabi ko nga sa 'yo, trust no one. Hindi lahat ng ka-close mo mapagkakatiwalaan. Katulad sa mga horror movies at doon sa mga may halong ka ek-ekan na mysteries. Hindi mo lang alam na 'yung killer pala 'yung best friend mo pero pinanghinalaan mo pa ang iba. See?" Diniinan pa nito ang mga salitang best at friend para ma-emphasize iyon ni Cha na ngayon ay isang litong-litong sisiw.

"Ano ba'ng pinagsasasabi mo?!" pasigaw na tanong ni Cha. Hindi siya makatayo dahil nakatali pa rin ang mga paa niya. "Ang pinapamukha mo ba sa akin, na kumbaga sa horror at mystery/thriller na movies or stories sa wattpad si Erine ang killer dito?!"

"Wala akong sinabi...pero pwede rin."

"Ang kapal mo para husgahan nang ganyan ang best friend ko! Ni minsan hindi pa kami nag-away o sinaktan ang isa't-isa! Kaya don't judge her! Hindi mo siya kilala!" pagmaang-maangan muli nito.

"Ikaw ang magtanong sa sarili mo kung mas kilala mo nga siya kesa sa akin," walang-takot na sabi nito at saka lumapit sa mumha ni Cha para bumulong. "Kasi malay mo, matagal na pala kaming friends at ikaw lang ang pinaiikot namin."

"TUMIGIL KA NA!" sigaw ni Cha habang umiiyak. "Tumigil ka na sa paninira sa kanya! Hindi totoong magkaibigan kayo! Kasi siya mismo ang nagde-describe kung gaano ka kasama! At hinding-hindi niya magagawa sa 'kin 'to kasi nangako siya na hindi niya ako sasaktan at mag-aaway lang kami! At nangako rin siyang ako ang best friend niya forever!"

"IKAW ANG TUMIGIL! Paano ka nakasisigurong totoo nga ang mga sinasabi niya? Tandaan mo, maraming tao na ang sinungaling ngayon. 'Di ba pati pamilya mo nga nagsisinungaling rin sa 'yo?"

"Oo pero hindi ganun katindi! At alam kong minsan ay sinungaling rin si Erine..." napasinghap si Cha dahil sa tingin niya ay kinukulangan na siya ng hangin. "..p-pero hindi niya ako l-lolokohin."

"Hm," ngumisi si Vianca lalo na nang makitang nahihirapan ulit si Cha. "Tingnan natin. Kekera, akin na 'yung bag."

May biglang inabot ang alalay ni Vianca sa kanya. Isa itong pink na bag na may design na Pororo. Nanlaki naman ang mga mata ni Cha nang mapagtanto kung kaninong bag iyon.

"K-kay Erine 'y-yan ah! Wait! Don't tell me...." Napasinghap na lamang ito bigla at saka alalang-alalang nagpumiglas.

"Don't tell you what?" Tila naman biglang nasabik si Vianca sa narinig.

"Nandito rin si Erine?! Hoy! Pakawalan niyo ang best friend ko! Wala siyang ginagawa sa inyo! K-kaya siguro hindi siya p-pumasok kanina kasi mas una niyo siyang kinidnap! E-erine?!" hindi mapakaling sigaw nito na umalingawngaw sa buong pasilidad. Kung kanina ay maingay na itong sumigaw nang siya ay si asaktan, mas umingay naman siya ngayon nang malaman ang tungkol kay Erine. "E-erine! Naririnig mo ba ako?! B-Bes?!"

You're My EnemyWhere stories live. Discover now