twenty-one {Bar}

269 13 73
                                    

Chapter 21. Bar.

-

Akala ko magiging madali na ang lahat.

Akala ko...

Akala ko simple lang ang gagawin ko...

Ang bilihan siya ng ice cream...

PERO HINDI PALA!

Pucha naman oh! Bakit ba kasi LARGE pa?! Ang mahal tuloy!

Plus si Weirdo pa na kinonsyensiya ako nung hindi ko rin siya nilibre, ayun nagpapakasaya! Isinakripisyo ko na nga lang yung natitirang pera ko tapos mauubos na lang dahil sa hiling na yan ni RenceMonkey?! Nako! Kapag ang second wish niya pa ay makakagastos ng pera ko, iiwanan ko na lang siya diyan! Basta nabayaran ko na siya ng kalahati.

Bakit ko pa kasi naisip ito?! Urgh! Ang tanga ko rin.

"Hey," naramdaman kong kinalabit ako ni RenceMonkey.

"Ano?!"

"One more," inilahad niya ang palad niya.

"Putspa naman oh! Nakakailan ka na ba?! Pang-apat na yan para mo nang habag! Wala na akong pera! Tapos isama mo pa si Weirdo na tatlo na ang nakain! Ako?! Sige nga! Hulaan niyo! Ilan na ang nakain ko?! ISA LANG! Naiintindihan niyo yun?! ISA LANG!" sigaw ko sa mukha niya pero hindi siya natinag at kinalabit pa rin ako.

"Last one."

"Oh, please," dismayado kong hinampas sa kanya ang one-hundred pesos ko at saka tumalikod sa kanya. Ayoko nang magpaka-genie! Ang hirap pala lalo na kung isang unggoy na may alalay na weirdo ang master. Napaka-abusado!

Dahil sobrang bored ako habang nagpapakasaya ang dalawa kong master, kinagat ko muna ang aking magagandang nails kahit sabi ni Ma'am Villegas, mannerism daw ito. Pero wala naman siya dito kaya okay lang.

"Sabi ni Kuya ko, kapag palagi mo raw pinipiling mapag-isa, may possibility na mabaliw ka."

Hindi ko pinansin ang tumabi sa akin. Alam ko namang si Weirdo 'yun. Psh, kausapin niya ang sarili niya. Palibhasa weirdo.

"Makinig ka naman. Nagsasalita ako oh."

"Nakikinig naman ako ah," sabi ko naman habang naglalabas ng candy sa bulsa ko. See? Yung master ko ice cream na sosyal ang kinakain samantalang ako, candy lang.

"Salamat," sagot niya naman at umusog pa palapit sa akin. Umusod rin naman ako dahil ayaw kong matalsikan ng laway niya.

"Bakit lahat kayo ayaw sa akin? Si Sir lang ata ang may gusto sa akin dito," tanong niya habang ngumunguya ng---siopao at nagpout.

"Pake mo?"

"Ang sweet sweet niyo ni Sir. Bagay kayo kaya dapat ikaw rin, gusto ako."

"Eww! Yuck!" Lumayo pa ako lalo pero lumapit rin siya lalo.

"Ano ba, tigilan mo nga ako! Hintayin mo yung sinasabi mong bestfriend mo, magsama kayo diyang weird. Weirdo!" pagtataboy ko naman. Feeling ko tuloy napakasama ko kasi may nararamdaman akong kaunting--konsensya? I'm being so rude.

"Bakit Weirdo ang tawag mo sa akin? Ako si Trebor. Trebor Delos Reyes. Treb na lang para maigsi. Hindi ba yun madaling bigkasin?" may halong lungkot sa pagsasalita niya.

"Paano ko mabibigkas eh ngayon ko lang naman nalaman pangalan mo," irap ko naman. Tama naman ako, ngayon ko nga lang nalaman ang pangalan niyang kasing-weird niya kahit hindi ko naman tinatanong at hindi ko naman balak itanong o malaman. Psh.

"Talaga? O di magkaibigan na tayo? Ikaw, anong pangalan mo?"

"Bakit ko naman sasabihin? Psh. Ngayon lang ulit tayo nagkita after nung mud scene na hindi niyo ako tinulungan!" bulyaw ko kaya nakatingin na naman ang mga tao. But who cares? Bahala sila sa buhay nila. May sarili akong buhay at mukha na maganda.

You're My EnemyWhere stories live. Discover now