Special Chapter 03 (part one)

62 3 32
                                    

E/J: Ito yung prize nung nakahula ng meaning ng password ni Garey, no other than, KimMyungsooIsMine :) Hope u enjoy it. XD P.S dahil nadelete itey ng 2X kaya i needed to make it as a third person's POV para madali lang hahahaha

P.P.S huwag basahin kung ayaw basahin :)) related pa rin naman to sa flow ng story na mejo hindi. Hahaha bahala kayo pero may mga details na malalagay dito na wala sa normal chapters :) again, di ito kagaya ng Choke, na pinost ko sa XiuSparks na hindi related sa real storyline. Ayun, sa mga hindi lang nakakaalam. Lol

*****

En Jae's POV

"Mama ko! Huhuhuhu!" iyak ni Gillian habang tumatakbo palabas ng backstage. Nakatakip ang mga mata niya dahilan ng pagkadapa niya sa lupa. Dinampi niya ang mga kamay sa mukha niya habang umiiyak pa rin at marami nang dumi dito. Mabuti na lang talaga at hindi siya nasusugatan. Tumingin siya sa kanyang likuran at nakahinga siya nang maluwag nang wala siyang namataang taong sumunod sa kanya--lalong lalo na ang kuya niya kung hindi ay kanina pa siya nito napagalitan.

Alam niyang marami siyang na-disappoint. Pero ganyan talaga ang buhay. Hindi niya lang talaga kinaya ang rami ng tao lalo na 'yong mga nagba-bash sa kanya at the same time nagchi-cheer. Pero siyempre kahit na mas marami ang nagchi-cheer ay mas naririnig niya pa rin 'yong mga nagba-bash. Iyon ang dahilan kaya siya napilitan---hindi pala napilitan, ginusto niya talaga 'yun, wala tayong magagawa---na magquit.

"Huhuhu! Nakakainis! Napahiya pa ako! Sana hindi ako mahuli dito!" naiiyak na sambit niya sa sarili habang sumisiksik sa isang sulok at doon nagmukmok habang umiiyak. Liblib ang lugar na pinuntahan niya kaya naman sigurado siyang walang iba makakahanap sa kanya dun maliban na lang ang mga janitor pero imposibleng may makasunod pa sa kanya dito dahil bawal umalis ang mga tao sa gym na pinagganapan ng showcase at ang tanging daan para makalabas/makatakas doon ay ang lumabas sa backstage. Kaya walang nakasunod sa kanya ay dahil bawal lumabas doon, pumasok lang ang pwede.

Napaisip na lang siya kung bakit pa siya sumama sa showcase kung magba-backout rin lang siya pero naisip niyang kasalanan rin ng mga magulang at boyfriend niya dahil hindi sila nakadalo. Ayan tuloy wala siyang inspiration.

Nagpatuloy lang siya sa pagmumukmok at pagi-imagine kung paano ang gagawin niyang paraan upang makatakas sa labas ng school. Wala kasing pwedeng madaanan dahil matataas ang mga walls at bantay sarado ang mga gates ng school nila kapag ganitong oras para walang makatakas. Naisip niya nalamang na tumambay doon sa lugar kung nasaan siya ngayon hanggang sa matapos ang program para makalabas na siya. Hindi na lamang siya magpapaalam.

Huminto naman siya saglit sa pag-iisip nang biglang may parang gumalaw sa gilid niya. Nagtataka at kinakabahan siyang tumingin sa paligid. Sunod naman ay biglang may nag-vibrate kaya dali-dali siyang napatili at napatakip sa bibig niya. Nalaman niyang cellphone niya lang pala iyon na nahulog mula sa bulsa niya kanina nang siya ayh umupo kaya napasapo siya ng ulo niya dahil nagmukha pa siyang tanga sa kanyang mga ginagawa kanina. Mabuti na lang at walang tao sa paligid.

"Aish! Sino ba 'to?!" inis niyang tiningnan kung ano ang dahilan ng pag-vibrate ng cellphone niya at iyon pala ay dahil may nagtext.

1 message received

From: Kuya

Asan ka?! Huy!

Halos masira naman ang keyboard ng cellphone niya habang nagtatype ng reply. Naiiyak na naman siya kaya wala siyang pake kung may typo man siya. Ang ayaw niya lang ay makita ang Kuya at best friend niya na sure ay hinahanap siya ngayon.

To: Kuya

Wala kang pake !!

May nagtext ulit at inakala niyang isa lamang iyong napakabilis na reply mula sa kuya niya ngunit ang best friend lamang niya pala iyon.

You're My EnemyWhere stories live. Discover now