forty-one [part one]

26 2 0
                                    

Sinong mahilig mag-post ng UDs by parts?

/nagtaas ng kamay/

***

En Jae's POV

"Mom! Look! The giraffe is soooo cute!" tuwang-tuwang sambit ng bata sa kanyang ina habang nakaturo kung saan samantalang kanina pa siya hindi pinapansin nito at nakatuon lang ang atensyon sa kanyang nakabanatang kapatid. Ngunit hindi siya pa rin nagsawang tawagin ang inang matagal na siyang itinuturing na multo sa buhay nila. Araw-araw, parang wala lang sa mga magulang niya ang presensya niya. Nasa zoo sila ngayon kasama ang mommy nila pero mukhang wala siyang balak na tingnan man lang ng babae.

"Mom?! Mommy?!" nagtaka niya nang pagkalingon niya, wala na ang mommy niya. Bigla siyang kinabahan. "'M-mommy?! D-don't leave me here!"

Naglakad lakad pa siya at pinilit na pakipagsiksikan sa rami ng tao sa zoo. Pitong taon pa lamang siya at bigla na lamang siyang naiwan ng ina niya sa isang lugar na mahirap gumalaw sa sobrang siksikan. Ngunit hindi pa rin tumigil ang bata at kanina pa isinisigaw ang pangalan ng mommy niya.

"G-guard?! Can you tell me where my mom is?!" umiiyak siyang lumapit sa may guard habang nagpupunas ng luha sa damit. Agad rin naman siyang nilapitan ng guard at tinulungang matunton ang kanyang inang hindi man lang siya hinahanap.

"Mommy!" Lumapit siya dito matapos magpasalamat sa guard ngunit hindi siya nito pinansin. "Mommy! You almost lost me!" Sinubukan niyang kuhanin ang atensyon nito ngunit nagbingi-bingihan ang babae.

"But mommy! I don't want crocodile!" giit ng nakababata niyang kapatid na ngayon ay buhat-buhat ng mommy niya samantalang siya ay parang hangin lang na nakatayo sa gilid nila.

"Oh! I'm sorry baby! Come on, where do you want to go?" mahinahon at malambing na boses ang ibinigay nito sa batang kanina pa nakabusangot ang mukha.

Natigil sa pagtatawag sa kanyang ina ang bata at napayuko. Ni minsan ay hindi siya tinawag na 'baby' ng mommy niya at ni minsan hindi niya naramdaman na mahal siya nito. Mas lalong tumindi ang inggit ag panghihinayang niya sa nakababatang kapatid.

"Am I adopted? Why does she treat my like this?" bulong niya sa sarili at napabuntong-hininga. Hindi niya namalayang nakalayo na pala ang dalawa niyang kasama kaya tumakbo na lang siya upang makasunod sa mga ito.

"Now, where do you wanna go, baby?" tanong na naman nito sa batang naka-pout ngayon. May nakaprintang 'Baby' sa tshirt ng bata samantalang may nakalagay namang 'Mommy' sa blouse ng mommy nila. Samantalang siya? Ayun, naka-spider man na t-shirt at parang batang nawalan ng nanay.

Mali, mukhang matagal na siyang nawalan ng nanay sa lahat ng ginawang hindi pamamansin at pagmamalupit sa kanya ng mommy niya.

"I hope I came with yaya..." bulong niyang muli sa sarili kasabay noon ang pagsagot ng nakababata niyang kapatid sa mommy nila.

"I want to go to the bears! I love bears because they're fluffy and furry!" nakangiting ani ng bata.

"Oh, okay! Let's go to see the bears!" sang-ayon naman ng ina. Walang magawa ang batang kanina pa naiiwan, sumunod na lang siya upang pagmasdan rin ang mga bears kahit kanina niya pa talaga gustong titigan ang mga malalaking giraffe.

***

"Mommy! They're so cute!"

"I love bears! I would never stop loving them 'til death!"

"I wanna take one home!"

Nakabusangot pa rin ang bata habang nakikinig sa bawat-isang salitang pinakakawalan ng nakababatang kapatid. Tuwang-tuwa na ito ngayon hindi katulad kanina at halata ring masaya ang mommy nila para dito.

You're My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon