fifteen ♚

392 19 151
                                    

Chapter 15

-

Pagkagising ko ngayong fifth day namin dito sa Boracay, wala na akong hinintay pa at hinanap ko agad 'yung bracelet na may nakalagay na 'Graciela Garcia.'Nakakainis kasi! Bakit kasi hindi ko na matandaan kung saan ko 'yun huling nilagay?! Hindi ko tuloy makita!

Actually, kahapon ko pa dapat 'yun ibabalik kay DM at tatanungin rin sana kung sino 'yung babaeng 'yun kaya lang pagkagising ko rin kahapon, hindi ko na makita! Napaka-ulyanin ko talaga! Nakakainis! Paano kung nawala 'yun? Sayang naman! Gold pa naman 'yun.

Kinalkal ko na 'yung cabinet pati ilalim ng kama pero wala pa rin. Kahapon ko pa ito ginagawa. Saan ko kasi 'yun huling inilagay? Ang naaalala ko lang, hinawakan ko lang 'yun hanggang sa makatulog ako tapos pagkagising ko wala na!

Ano ba naman 'yan, bakit ba kasi masyadong mahalaga sa akin 'yung bracelet na 'yun. Ewan ko rin, eh. Bigla ko na lang naisip na baka mahalaga 'yun kay DM o kung sino man ang nagmamay-ari. Ang ganda pa naman. Mayroon ring mga heart shaped diamonds sa gitna. Aish, sayang talaga!

"Ano'ng hinahanap mo diyan?"

"Ay siopao!"

"Siopao na naman?! Alam mo, kapag hindi ka tumigil sa kasasabi ng siopao, ililigaw kita sa Siopao Land!"

"Ihh! Ba't ka kasi nandito?!" tanong ko habang pinupunasan 'yung pawis ko gamit ang kamay ko. Bumulsa lang siya at nag-kibit balikat.

"Ikaw ba?"

Hindi ko siya pinansin at sinilip pa 'yung ilalim ng kama.

"Ano ba kasi ang ginagawa mo?"

"Basta! Bakit ka kasi nandito?! Labas ka na kasi. Sasapakin kita."

"Ano kasi ang ginagawa mo? Tutulungan kita!"

"Basta--- OMG! NANDOON 'YUNG BRACELET!"

Yes! Nagtatalon-talon ako sa tuwa nang makita ko si pinaka-ilaliman ng kama 'yung golden bracelet. Bakit kaya hindi ko 'to nakita agad? Aish, whatever. Ang mahalaga, nakita ko na 'yung golden bracelet!

"Ano 'yan--- HOY! BA'T NASA'YO 'YAN?!"

"Huh?-- Huy!"

Hinablot bigla sa akin ni Gaga 'yung bracelet! Argh! Pakialamero!

"Bakit nasayo ito?! Kay ano 'to ah?"

"Akin 'yan!" kukunin ko na sana ulit 'yung bracelet kaya lang inilayo niya ulit 'yun sa akin.

"Anong sa'yo? Kilala ko ang may ari nito at hindi ikaw!" Parang bigla siyang hindi mapakali nang makita niyang mabuti 'yun.

"Ugh, fine! Hindi 'yan sa aken. Nakita ko lang dito last night. Kanino ba 'yan? Ako na ang magbabalik," pagkasabi ko nun, nagdududa pa siya kung ibibigay niya ba sa akin o hindi. Oo nga, kanino ba kasi?

"Sigurado ka? 'Wag mong aangkinin 'to ah? Basta, kung ibabalik mo kay Harren, wala kang sasabihin. Iabot mo lang and that's it. Walang mga tanong. Hindi mo lang magugustuhan ang sasabihin niya sa'yo."

Kumunot 'yung noo ko. Bakit bawal? Gusto ko pa namang tanungin sana kung sino 'yung Graciela Garcia na 'yun. At isa pa, totoo ngang kay DM 'yung bracelet! Ang galing ko talagang manghula. At isa pa ulit, bakit parang masyadong private 'yung pagmamay-ari ni DM nun? Bakit bawal magtanong? May problema?

"Oh-kay!" pagsang-ayon ko na lang. Ibibigay na nga niya sana sa akin 'yung bracelet kaya lang binabawi niya ulit.

"Ako na lang ang magbabalik."

You're My EnemyWhere stories live. Discover now