nine ♚

319 18 26
                                    

Chapter 9

-

"Mmmm..." Kasalukuyan ako ngayong nagna-namnam ng milkshake sa balcony ng kuwarto ko. Late na kasi akong nagising at dahil isa akong dakilang feelingera, hindi na ako nag-breakfast sa halip naki-share nalang ako sa milkshake na ginagawa nina Garey. Hindi naman ako nag-makaawa, sila naman diyan ang nag-alok eh. Edi samantalahin ang pagkakataon.

"Cha!"

"Ay siopao!" Nakakainis! Sino na naman ba 'yang tatawag tawag na parang kabute na susulpot-sulpot kung saan? Tumingin ako sa likod ko at para akong isang sisiw na nagsisisi kung bakit ko pa nilingon ang isang ahas na sumusunod sa akin.

Tch, si DM lang pala. Sana hindi nalang ako lumingon.

"Paisnob-isnob ka na ngayon, ah, improving," sabi niya at tumabi sa upuan ko. Bakit ba siya nandito? Meron naman siyang sariling balcony sa kuwarto niya, ah? Kainis.

"Umalis ka nga, bakit ka ba nandito? Pinayagan ba kita? At paano ka nakapasok dito eh naka-lock 'yung kuwarto ko?" sunud-sunod na tanong ko. 'Wag niyang sabihing sinira niya 'yung pintuan ko kung hindi!

Nag-smirk lang siya at itinaas ang kamay niyang may hawak hawak na susi. Ah, kaya naman pala. Inabot ko para agawin 'yung susi niya pero itinaas niya pa, "Sinong nagsabing sa'yo 'to? Sinabi ko bang ibibigay ko 'to sa'yo?" mapang-inis niyang tanong at nag-belat pa. Kainis! Panira nang araw! Buo na sana ang araw ko dahil 'dun sa milkshake eh!

Pero hindi pwede! Baka gamitin niya 'yung susi para bosohan ako kapag nagbibihis ako! No way!

"Akin na kasi! Baka buksan mo itong kuwarto ko kapag nagbibihis ako! Bastos ka rin eh, 'no?" pasigaw kong tanong sa kanya habang nakikipaghabulan sa kanya dito sa balcony. Nakakainis! Bakit kasi ang tangkad niya? Ayan tuloy para akong duwendeng inaagaw ang nanakaw na kendi mula sa isang higante!

"Ha? So meron na palang may interes sa katawan mo ngayon? Hay nako, Cha! Siguro ini-imagine mo na gustung-gusto kita! Sorry, pero wala akong interes sa katawan mo. Eh 'yang dibdib mo nga parang plinantsang papel eh! Dahil plinantsa, sunog. Ayun, wala na," natatawa niyang sabi. So ganon na pala ngayon? Uulitin na naman ba niya 'yung sinabi niya kahapon? Nakakainis na siya!

"Ang kapal mo! Akala mo naman gusto kita. No way!" hinampas ko siya nang malakas pero parang ako lang din ang nasaktan dahil shet! Ang tigas niya! Nagji-gym ba siya araw-araw?

"Ha! So akala mo hindi ko alam na gabi-gabi mong vini-visit 'yung blog o kung ano man 'yun na ginawa ng mga babaeng may gusto sa akin? Pwes akala mo lang! Bwahahahaha!" Hala! Paano niya nalaman 'yun?! At tsaka hindi naman gabi-gabi ah! Tatlong beses ko palang na na-visit 'yun! Kapal talaga!

"Paano mo nalaman 'yun? At saka hindi naman gabi-gabi ah! Kapal mo rin ano?" nang-gagalaiting sabi ko sa kanya. Konti nalang itutulak ko na siya sa baba! Akala niya ha, may powers rin ako. Kapag napuno na talaga ako sa kanya kahit na ma-expel pa ako sa bahay na ito gagawin ko basta't mawala siya sa paningin ko. Hay! Bakit pa kasi siya naging anak ni Ma'am Hanna? Sana hindi nalang, sana si Garey nalang o si Darey para walang mag-aasar sa akin nang ganito! O kaya naman si Hailey lang.

"Secret!" nag-smirk ulit siya. Nung napagod ako, huminto na rin ako at umupo 'dun sa dati kong upuan. Nakakainis! Sinira niya talaga 'yung moment namin nung milkshake.

"O ano, suko na? Weak ka talaga," tumawa siya kaya sinamaan ko siya nang tingin. Babawi nalang ako sa kanya kapag naubos ko na itong mikkshake ko para may lakas akong pagbu-bugbugin siya kung sakali.

You're My EnemyWhere stories live. Discover now