forty-eight (part one)

97 2 49
                                    

Naadik na ako sa parts hahaha. Btw, naaalala niyo pa 'yung kid sa media? Nabanggit siya dati dun sa Mr FC na chapter. Nyeeh walang nakaalala. XD

***********

"Ang galing mo talaga Cha! Hindi ako makaget-over sa pagkapanalo mo!"

"Sama ka na sa banda namin please! Sure na sure na palagi kaming mananalo sa battle of the banda kung kasama ka namin!"

"Nakakaproud talagang maging kaklase ka! Kasi ikaw na nga ang pinakabatang contestant ikaw pa ang nanalo! Kayo ni Kuya Harren ang galing-galing niyo talaga! Nakakilig kayo!"

"Yes! Love team niyo yung ChaRren ano? Yieee!"

"Waaaah! New ship! I love that! Keep it up, Cha! Bilib kaming mga ate't kuya mo sa 'yo!'

Magi-isang linggo na rin since nung nanalo ako sa talent showcase na yun at inaamin kong hindi ko rin yun inasahan. Akala ko nga kaya ako hinalikan ni DM kasi ayaw niyang umiyak ako yun pala para hindi ako masyadong mabigla na panalo kami. Hindi naman sa gustung-gusto ko yung ginawang niyang pagnanakaw mg third kiss ko ha, ha. Ilang beses ko rin siyang pinaghahampas pagkatapos nun kasi hindi siya nagpaalam! Tapos bukas pa yung CCTV ng library nung araw na yun kaya kailangan niya pa yung sirain. May scene na familiar doon sa ginawa niya pero hindi ko na rin maalala. Parang panaginip ko rin 'yun na ewan.

Nginitian ko yung mga upper year na mga students at yung ibang mga kaklase kong dumaan sa harapan ko kanina at nag-thank you sa kanila bago ako maglakad papunta sa office ni Ma'am Reyes kasi may pinapadala sa akin dun. Simula rin nung nanalo kami ni DM, marami na ang nagshiship sa amin at marami na ring nakakilala sa akin. Hindi naman sa famous ako, siguro mga average lang kasi ayoko ko nang masyadong sikat. Minsan nawawalan ng privacy.

So, ayun nga. Medyo naging kilala ako sa V.A lalong-lalo na doon sa mga hindi pa gaanong sikat na banda na kinukuha akong vocalist nila. Pero nandyan naman palagi si DM para tanggihan sila eh, kasi sa Reflection raw ako nababagay. Kahit madalas hindi ko sila ma-gets, tumatango na lang ako. Hindi ko naman kasi makuha-kuha si DM. Mamaya magiging sweet tapos bigla-biglang mag-aasar tapos tatahimik ulit at magsusungit. Pero nangyayari lang yun kapag may kakausap sa aking mga lalaki from other years na irereto raw ako sa kaibigan niyang may gusto sa akin. Si DM naman ayaw akong pakawalan--hindi naman sa assumera ako, ha--kaya ayun, nakipagsuntukan palagi. Mas dumalas na tuloy siya sa away nung dumami ang mga nagkakagusto sa akin.

Kina Gaga naman, okay lang rin. Pero madalas cold siya sa akin. Ni-congratulate niya ako nung nanalo kami sa showcase tapos pagkatapos nun wala na. Hindi na kami masyadong nagkakausap. Umuuwi na rin ata siya sa bahay nila at doon sa sila natutulog ni Dada. Yung kapatid niya, madalas kasabay ni Hailey 'pag naglalaro. Minsan na lang rin kami naglalaro ni Hailey kasi busy ako sa paghahanda sa finals namin next week. Buti pa nga si DM, kahit hindi magreview, matalino na. Pati si Erine, palaging masipag. Eh ako? Nganga.

These past few days rin mas nagiging malupit sa mga students at alipores niya si Vianca. Ang naririnig kong comments ng mga haters niya ay dahil raw natalo ko siya samantalang sophomore na siya this year, tapos ako, freshman pa lang. Nagpalit na rin siya ng look at iba na ang kulay niya ng buhok pati contact lense. Ewan ko kung may bago na naman ngayon. Papalit-palit siya eh.

Bakit nga pala ako nagkwekwento? Dapat kanina pa ako nasa office eh. Ang bagal-bagal ko kasing maglakad. Paano ba naman, ang bigat nitong mga books na dala ko.

"Hi Cha!"

"Uy, si idol!'

"Waaah! Pa-autograph!"

Paulit-ulit lang yung mga naririnig ko sa paligid for a week na rin. Minsan nagsasawa na ako pero keri lang yan. Mahirap lang talagang maging maganda.

You're My EnemyWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu