thirteen ♚

479 20 116
                                    

Chapter 13

Garey's POV

Naglalakad kami ngayon sa dalampasigan. Sa totoo lang, pinilit lang talaga kami ni Hailey na maglakwatsa nang ganito kaaga. Hindi pa raw kasi gising si Ate Cha niya para sila na lang daw dalawa ang maglibot kaya kami na lang ni Darey ang napag-diskitahan niyang istorbohin. Sabi niya, okay lang raw na kami ang gisingin niya dahil sanay na raw kaming binubulabog niya tuwing umaga para lang maglaro ng Spongebob(pero ngayon hindi). Pero si Ate Cha niya raw kasi, bawal niyang gisingin kasi nga "best friends" sila. Wala naman kaming magagawa ng kapatid ko dahil ganyan talaga ang buhay. Putspa, ang dami alam ng batang 'to.

Gegewang-gewang pa si Darey habang buhat si Hailey sa braso niya. Ako naman, natatawa kahit gustung-gusto ko na siyang tulungan. Pero wala eh. Masama ako. Bahala siya diyang magpakahirap diyan pero sa totoo lang ulit, nahihirapan rin ako kasi nga dada ng dada si Hailey na para bang wala nang bukas. Puro tungkol sa lablayf ni Harren at Cha. Boto naman ako dun eh. Kaya lang masyado pa atang maaga na magkatuluyan sila kasi hindi pa sila lubusang magkakilala. Putragis, ang lalim nun ah!

Magpapakatotoo ako. Kasi nung una kong makilala si Cha, gulat na gulat talaga ako nun. Alam ko naman na may lilipat sa mansiyon nina Harren pero hindi ko alam na ganun pala siya kaganda! Ang cute cute niya pa habang pinapanood kami ni Hailey na magharutan pero sa huli ay nagpakilala pa kami sa isa't-isa. Big thanks to Hailey. Ang nakakatawa, tinawag niya akong "Gaga" (teka parang bad word yata 'yon). Isa pang nakakatawa, napatakip agad siya sa bibig niya nang masabi niya 'yun. Obvious naman kasi na nasabi niya lang 'yun kasi tinawag ko siyang "Chacha" kahit "Cha" lang dapat. 'Wag kayo, gawain ng mga gwapo 'yon.

Ang problema nga lang, magkaaway sila. 'Yun. 'Yun ang problema.

*flashback*

"Bwisit!" Nagulat ako nang biglang sipain ni Harren 'yung sofa pagkabalik niya mula sa kwarto niya. Problema nito? Kanina nakangiti pa 'yan kasi baka raw chix 'yung bagong lipat dito sa bahay nila tapos ngayon nagdadabog. Baka aksidenteng nakahithit ng rugby.

Pero siyempre, joke lang. Ang sama ko talaga.

"Problema mo?" sabay-sabay naming tanong. Sa tingin niya ngayon parang gusto na niya kaming pagsipa-sipain.

"Alis na kayo! Balik na lang kayo bukas!"

"Teka, iimbitahan mo kami tapos ngayon papalayasin mo kami? Teka lang, Harren, ah. Hindi yata pwede 'yan. May practice pa tayo 'di ba?" sabi ni Mike. May meeting kasi kami ngayong magbabarkada para sa battle of the bands next-next- month. Ang problema sa leader namin, nakahithit na naman ng rugby. Pero siyempre joke lang ulit. Pogi ko.

(Sa hindi nakakakilala kay Mike, basahin niyo ulit 'yung Chap 8)

"Ah basta! Wala na ako sa mood! Nakakainis! Argh!" Halos itapon niya na 'yung vase pero hindi niya tinuloy kasi siguradong magagalit si Mommy niya. Kami naman, gulat na gulat, adik na yata itong isang 'to eh. Nakahithit ng rug-wala, wala.

"Bakit ba kasi? Kanina good mood ka tapos ngayon ganyan ka na. Adik ka na ba, pards?" nakangising tanong ni Kai na hindi ininda ang galit ni Harren. Tsk, humanda siya 'pag 'di 'yun nagtimpi.

"Eh kasi 'yung babae dun! Pumasok sa kwarto ko nang walang paalam! At hindi lang 'yun! Nangialam pa ng gamit ko! Nakakabwisit!" napasabunot siya sa buhok niya habang pulang-pula sa galit.

"Sinong babae? Girlfriend mo?! Pards! Akala ko ba-" hindi na natapos ni Michael ang sasabihin niya nang bigla siyang kinwelyuhan ni Harren napatayo naman kaming lahat sa ginawa niya. Ano 'to? Bigla-bigla na lang siyang manununtok porque galit siya?

You're My EnemyWhere stories live. Discover now