twenty-four

135 9 57
                                    

Cha's POV

Pauwi na kami ngayon...

Pero hanggang ngayon nanghihinayang pa rin ako kung bakit parang hindi nasaktan si DM kanina! Like WTF?! Tatlong lalaking anlalaki(mas malaki sa kanya) ang sumuntok sa kanya pero mukhang siya pa ang nanuntok?! Really?! Kung makikita niyo siya ngayon, nakatingin lang siya sa kawalan habang nakataas ang paa dito sa kotse. Pinauwi na kasi siya ng principal nila after nung--yeah. 'Yung pinatawag ako tapos parang ako 'yung magulang niya. Nakakailang lang. "Girlfriend" pa sabi nila. Err.

Siya pa nga ang nagvo-volunteer sana na mag-drive pero tumanggi kami dahil uso ang disgrasya ngayon. Para siya kasing adik. May sugat sa labi, magulo ang buhok, may gasgas sa pisngi. Pero hindi ko maikakailang mas matindi pa rin 'yung sinapit ng tatlong 'yun. Parang sila-sila rin lang ang nagsuntukan. Si Treb naman biglang lumabas. Ewan ko dun.

Si Hailey? Ayun, tulog sa balikat ko. Napagod siguro siya sa kakasalita kanina.

"Wag mo akong isusumbong kay Mommy. Sasabihin ko 'yung pagtakas mo last night."

Napalingon ako sa harapan at nakatingin sa akin si DM sa may salamin. Tingin lang ba 'yun o titig? Ewan ko sa kanya. Bakit ang sama ng tingin niya sa akin? Pinagtanggol ko na nga siya kanina doon sa mga paratang sa kanya eh. Yeah, pinagtakpan ko 'yung mga ginawa niya kanina para makauwi na kami kasi duh! Pagod na rin ako. Buti pumayag si Erine na half day lang kami.

"Totoo bang marami na siyang nabully?" seryosong tanong ng principal sa akin.

"P-po..." napatingin ako kay DM at sobrang sama ng tingin niya sa akin. Oh no, what to do now?! Alanganin akong umiling at napakagat sa labi ko. Lintek! "H-hindi po! Inosente ang b-b-boyfriend ko! Makakauwi na po kayo-- I mean kami! Hehe! Bye!"

NAPILITAN LANG AKO! NAPILITAN!

"Ano na naman 'yan?!"

"Ang cute mong magulat. Wahaha," at saka siya umismid. Teka, ako?! Cute?! Tama ba ang narinig ko?! Nagsalita siya nang katotohanan for the first time in forever! Oh my gee!

"Seryoso ka?!"

"Hindi," saka siya bumaba ng kotse. Nandito na pala kami.

"Problema nun," bulong ko na lang at ginising si Hailey. Sa totoo lang, isusumbong ko talaga si DM. Alangan hindi? Edi magbubugbog ulit 'yun ng iba. Dapat malaman ito ni Ma'am Hanna bago pa makulong si DM. Wahaha. Oy, 'di ako concerned ah. Baka kasi madamay na naman ako at ako na naman ang mapag-bintangang girlfriend. Tss!

****

"Andrew," salubong sa akin--este kay DM ni Ma'am Hanna nang makapasok kami. Pero si DM, kilala sa pagiging bastos, hindi sumagot at dumiretso lang papataas ng hagdan. Ang OA kasi ng bahay nila, ang daming floors. Ayan tuloy. Dapat may elevator kasi. Tsk.

"Andrew I'm talking to you!" Teka, bakit may hawak na cellphone si Ma'am? Dahil curious ako, iniwan ko muna si Hailey sa baba at sumunod sa kanila sa taas na pinagsisihan ko rin dahil napagod agad ako. Hindi pa yata ako sanay kahit two months na ako dito.

Pero hindi ako susuko! Fighting! Palihim akong sumusunod sa kanila hanggang sa marating namin 'yung kwarto ni DM. Eh? Ano naman ang gagawin nila dun? Naglakad ako papalapit doon hanggang sa masaraduhan ako ng pinto.

Ano na ngayon?

Napabuntong-hininga na lang ako at bagsak-balikat. Hindi rin lamang ako napasok sa loob. Nonsense lang ang effort kong pag-spy. Huehuehue.

Aalis na sana ako nang may marinig akong parang kaluskos na ewan. Ay mali, tunog pala 'yun ng pinto na bumubukas. Teka, pintong bumubukas? Lumingon ako sa likod at shet, bukas nga!

You're My EnemyWhere stories live. Discover now