twenty {Her Punishment}

245 14 104
                                    

Chapter 20

-

"Ms. Manlongat, stop biting your nails! Don't you see that I'm teaching here? Is that what a Villanier do? Look! That's gross! Mannerism 'yan!"

(Villanier-- Vil-ya-niyer-)

Haaaay, boring.

"Pssst, Cha, kinakausap ka ni Ma'am!"

Second to the last subject na namin ngayon dito sa klase. Pero hanggang ngayon, lutang pa rin ako. Bakit? Simple. Hindi ako maka-get over doon sa sinabi ni RenceMonkey. Kasi ano...seryoso ba siya? Magkita kami? Kahapon pa 'yun pero...urgh.

4pm daw. Eh 5pm ang dismissal namin. 3:50pm na kasi second to the last subject na ito. Pero..iihhh! Ayaw ko pa ring sumama sa kanya. Por que ba may kasalanan ako sa kanya at super-duper yaman sila plus may-ari pa ng school pagkakatiwalaan ko na?

Isip Cha...ISIP!

"Beeesss!! Galit na si Ma'am!"

"MS. MANLONGAT! GET OUT OF THE ROOM!"

Kung sasama ako sa kanya mamaya, mamimiss ko ang last subject namin. Pero paano kung may surprise quiz?! Edi wala akong score?

Pero second day pa lang naman kaya paanong magkakaroon ng quiz?!

Tanga ko talaga.

"Sasama ba ako o hindi? Sasama ba ako o hindi? Sasama o hindi? Sasama o hindi? Sasama o hindi?!" bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa pader.

May naramdaman nga akong dumaan sa harapan ko pero sa tingin ko ay isa lang 'yun sa mga classmates ko kaya hindi ko na lang pinansin.

Matagal-tagal na ang nakalipas pero nararamdaman ko pa rin na nasa harapan ko siya. Pero siguro isa lang ulit siya sa mga epal kong kaklaseng gustong makipaglandian sa katabi ko. May gwapo kasi akong katabi. Tapos sa isang side ko naman ay ang aking magaling na bestfriend na kanina pa ako niyuyugyog at kinakalabit. Pero dahil malalim ang iniisip ko, hindi ko na lang siya pinansin.

"Argh! Isip Cha! Sasama ka ba o hindi?!"

Wait...

"AJA! Paano kung tumakas na lang ako o kaya mag-stay sa CR mamaya?! Ah! Tama! Ang galing ko talaga---"

*paaaaaaaak!!!*

"Grabe naman! Nagcoconcentrate ako dito eh! Hindi mo ba ako naiintindi--- M-ma'am?"

Patay. Ngayon ko lang narealize na nakatingin pala lahat ng mga kaklase namin sa akin at 'yung iba natatawa pa. Kabado akong napatingin kay Erine na alanganin lang na nag-peace sign and mouthed 'ikaw kasi!'

"Sa wakas bumalik ka sa sarili mo!" sarcastic siyang pumalakpak at ngumiti. Siya ang pinakanakakatakot naming teacher dito. Si Ma'am Villegas, teacher namin sa Math. At sa tingin ko ay mapaparusahan ako nang wala sa oras!

"M-ma'am.. S-so---"

"What can your 'sorry' do?! You ruined my class! Hindi na makapag-concentrate ang mga kaklase mo sa kakaisip kung ano ang pinaggagagawa mo dito! Urrgh!" Bigla niya na lang pinalo ang desk ko ulit kaya mas lalo akong nanginig.

"Sorry Ma'am! Ngayon ko lang po--"

"What now?! Look! Sayang ang laway ko dahil diyan sa katanga-- URGH!" mukha siyang nanggigigil at alam kong inis na inis siya sa akin. Waaaah! Patay ako nito.

"M-ma'am, n-nakabalik naman na po siya sa sarili niya, eh. Pwede niyo na pong ipagpatuloy ang pagtuturo niyo..." mahinang sambit ni Erine na mas lalong humina doon sa bandang huli dahil sa tiningnan siya nang masama ni Ma'am.

You're My EnemyWhere stories live. Discover now