sixteen ♔

474 20 196
                                    

Chapter 16

New characters, new friends! Kyaaaaaaaaaaaaaaa! *sabog confetti*

-

We're home!

Kahapon, gabi na kami nakauwi kasi ang inasahan naming umagang pag-alis ay napalitan ng hapon. Bakit? Una, hindi pa naihanda ang mga gamit namin para makauwi(take note, sobrang dami nun). Pangalawa, pagkaalis namin, ilang beses rin kaming huminto para kumain sa mga fastfood. Tapos ang pinakamatagal, 'yung pinangako ni Gaga na five minutes lang siyang bibili ng snacks sa may grocery pero umabot ng isang oras. Ang dahilan niya, mahaba raw ang pila pero base sa nakita ko kahapon, sadyang marami lang talaga siyang binili. At hindi pa namigay. Kainis 'yun.

Sa ngayon, nagsusuklay muna ako sa harapan ng salamin. Take note, may kasamang pagpupuri. Kasi nga, ang ganda ko talaga. Walang bahid ng pagsisinungaling. Pati nga 'yung driver ng van nila DM pinuri ako, eh. Saan ka pa? Mwahahaha. I'm so preeeetty!

Pero may isa pa akong problema bukod sa kagandahan at kakyutan ko, hindi pa rin kasi namamansin si Hailey at DM. To be honest, ang may pakialam lang ako sa pagtatampo sa akin ay si Hailey. Si DM? Eh, kahit na magpakamatay pa siya diyan sa sobrang galit wala akong pakialam. Oo nga, natatakot ako pero madali ring naalis 'yun. Hindi na nga rin ako naiilang kapag hindi siya namamansin. Maganda 'yun, 'no. Kasi walang nang-aasar.

Napansin ko ring mas humaba na ang buhok ko. I think I need a haircut.

Ginamit ko ang mga kamay ko at kunwaring ginupit ang dulo ng buhok ko. Kung ano-ano pa ang ginagawa ko: Ginawa itong mustache, nagkunwaring lalaki, nag-mohawk hairstyle kahit na masyadong malayo, pinang-make up; kaya sa huli, nasayang ang pagsusuklay ko dahil nagkabuhol-buhol na. Tss.

Ang sabi ni Ma'am Hanna, automatic na raw akong enrolled sa V.A dahil nasa listahan ako ng mga nakapasa sa entrance exam. Kaya lang, kailangan ko munang mag-submit ng ibang forms para matanggap ang I.D at School Uniform namin. Ang daming arte. Tapos 'yung mga requirements sa mga HRM students, kailangan pang i-pass. Tapos next week, pasukan na.

Ganito ba talaga ang maging college? Nakow, tapos lahat ng mga 'yan ngayon gagawin.

Yeah, as in ngayon na. Nakabihis na ako at handa na ang mga papeles(lalim bhe). Alam mo 'yung feeling na sa wakas ay masisilayan mo na 'yung school na nakapasa ka sa entrance exam nang hindi inaasahan? 'Yun ang nararamdaman ko. Like ew, hindi naman kami sa mismong V.A nag exam dati. At isa pa, ang buong akala ko nun, hindi ko na talaga masisilayan kahit na isang beses ang letsugas na school na ito dahil akala ko, hindi ko maipapasa.

Pero asdfghjkl, nakapasa ako. Ang taray ko naman.

Sinuklay ko na lang ulit ang buhok ko at tumakbo papalabas. Makikisakay kasi ako sa kotse ni Gaga.

Walang malisya, hindi lang kaming dalawa. Kasama rin si Dada. Si DM? Aba'y malay ko dun. Malamang hihiwalay kasi may sariling kotse. Bahala siya sa buhay niya.

"Ready?" nakangising tanong niya habang pa-cool na nakaupo sa sofa. Putragis, bakit ang gwapo? With matching shades pa. Ghad, ang hot. Nagtataksil na ako sa boyfriend ko!

Pero joke lang, dahil unang-una sa lahat, wala akong boyfriend.

Mabilis lang akong tumango. Nga pala, magaling na si Hailey at Dada. Good for them. Kahapon, mabuti at napa-check up agad sila. Akalain mo 'yun, may sarili rin palang clinic dito. Kulang na lang mag-hire din sila ng own doctor nila.

"You forgot something," biglang sabi ni Gaga nang papalabas na ako. Inabot niya sa akin 'yung folder kaya ngumiti lang ako. Muntik na 'yun ah. Kung hindi ko 'yun madadala baka hindi ako papasukin. Big thanks to Gaga-the-great.

You're My EnemyWhere stories live. Discover now