What really happened

29 1 0
                                    

"🎵Magkalayong agwat
Gagawin ang lahat
Mapasayo lang ang
Pag-ibig na alay sayo
Ang awit na 'to
Ay awit ko sa'yo
Sana ay madama
Magkabila man ang ating mundo🎵"

"Ano ba Jarvi, tigilan mo nga ako," inis na sabi ko sa kanya at saka pinatay ang radyo. Inalis ko na rin ang CD na nakalagay doon sa DVD Player para wala na siyang takas.

"Bakit ba kasi? Ang tahimik kaya, ang awkward. I'm just breaking the silence," dahilan niya pero napapikit lang ako at napabuntong-hininga, saka siya inirapan.

"Basta, nakakasawa na 'yang pinapatugtog mo," palusot ko.

"Nakakasawa? Ngayon ko nga lang 'to pinatugtog, e. Anyare sa 'yo?" tanong niya at lumingon sa akin ni Cheng dito sa likod. Kanina pa kami tahimik simula nang makaalis kami sa ospital. Ayaw ko na lang magsalita kasi baka makapagmura pa ako. Si Cheng naman, ewan ko kung bakit tahimik rin.

Hindi ko sinagot si Jarvi, sa halip ay sumandal lang ako sa braso ni Cheng. Pati si Louie nawala sa mood. Ano ba'ng nangyayari sa kanila at mukhang sinalo nilang ang 20% ng galit na nararamdaman ko?

"Ayos ka na?" mahinang tanong ni Cheng sa akin. Umiling ako habang pinipigilan na naman ang galit ko. Gusto kong balikan doon si Erine at pagsasampalin siya hanggang sa hindi na siya maging manhid sa katotohanan pero alam kong mapapatay ko lang siya kaya hindi ko na itinuloy. Hinintay ko na lang sa tapat ng CR si Cheng hanggang sa matapos siya. Ayaw ko nang makita ang bruhang 'yon kahit kailan. Ang kapal niya talaga.

"Cha, sure ka bang uuwi na tayo? Baka may gusto ka pang bisitahin. May kaunting oras pa naman," sabi ni Louie at tumingin sa relo niya mula sa driver's seat. Sasagot na sana ako pero sumingit si Jarvi.

"Uy, huwag na please. Baka matagalan na naman tayo ng pag-uwi. Inip na inip na ako!"

"Kanina nagmamadali kayong umuwi ta's ngayon parang gusto niyo pang magtagal dito? Ini-enjoy niyo ata," sagot ko.

"Hoy, hindi, ah! Si Louie lang 'yun, hindi kami. Gusto na naming umuwi!" sabay na giit ni Cheng at Jarvi kaya napangiwi si Louie.

"Pero ako pa rin ang may ari ng sasakyan na 'to. Kaya magagawa ko lahat ng gusto ko. Pwede ko kayong dalhin sa kahit saan na gusto ko. Pero sa ngayon, gusto ko lang munang mabigyan ng satisfaction ang best friend ko," madramang sabi niya kaya napairap ako at natawa.

"Talaga lang, ha?" natatawang sabi ko.

"Cha! Please! Umuwi na tayo!" sabay na naman na pagmamakaawa sa akin ng magsyota. Tinawanan ko lang sila at saka nag-isip-isip.

"Teka, isipin ko muna kung may gusto pa akong bisitahin..." pang-aasar ko. Pero maya-maya pa ay nawala na ang ngiti sa mga labi ko nang may maalala ako. Hindi ko sinadyang maalala sila, at hindi ko rin ginusto. Pero bakit---

"Oh, may naalala ka na ba?"

"Oo, dali, puntahan na natin sila ngayon."

"CHA!!!!"

*****

Panglimang pindot ko na 'to ng doorbell, pero hanggang ngayon hindi pa rin bumubukas ang gate nitong mansyon nina DM. Totoo bang nasa America na sila? Bakit hindi man lang sila nagsabi? Kung dito pa rin siguro ako nakatira, kanina ko pa 'to pinasok nang hindi nagdo-doorbell.

Parang tumalon naman sa dibdib ko ang puso ko nang may marinig akong tunog mula sa loob na kumakalansang na bakal. Parang binubuksan na 'tong gate. Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang kaba.

Sana siya ang magbukas. Sana siya ang magbukas. Sana siya ang---

"Excuse me po, sino po sila?"

Nakunot ang noo ko nang isang maid ang sumalubong sa akin. Hindi siya pamilyar, parang hindi pa siya nagtratrabaho dito noong dito pa ako nakatira. Matagal ko rin siyang tinitigan bago ako bumalik sa sarili ko. Pinigilan ko na ipakita ang disappointment ko, e kasi naman, akala ko si DM o Hailey ang magbubukas para sa akin.

You're My EnemyWhere stories live. Discover now