twelve ♚

249 19 26
                                    

Chapter 12

Nagising ako nang may marinig akong ingay mula sa labas ng kwarto ko. Huh? Iminulat ko ang mata ko at tumingin sa may orasan kahit na medyo naninibago ako kasi bakit nag-iba 'yung kulay?

May naguudyok sa akin na lumabas na at mag-breakfast pero a part of me ang gusto pang matulog. Kaya pumikit na lang ulit ako.

Pero alam niyo ba, nanaginip ako kagabi.

Namali raw ako ng pasok ng kwarto. Tapos nahiga raw ako sa kama ng isang tao. Hindi ko raw alam na mali ang napasukan kong kwarto kasi lasing na lasing ako. Tapos alam niyo? Pagkamulat ko raw ng mata ko, may nakita akong lalaking TOPLESS! Mukhang kakaligo niya yata. Mukha pa raw siyang KPOP star at ang sarap titigan ng abs niya!(perv) Tapos gulat na gulat raw 'yung lalaking 'yun kaya hindi raw ako makapagsalita. Sobrang inaantok na raw ako nun kaya hindi ko narinig ang mga bulyaw niya sa akin. Kaya sa huli, tabi na kaming natulog nung lalakeng 'yun na super gwapo at may nakakaakit na abs na matulog.

Ang ganda ng panaginip ko kahit medyo perv 'no? 'Di bale na, panaginip lang naman 'yun.

Teka, bakit parang may mabigat na bagay dito sa baywang ko?

Tiningnan ko 'yun at may nakita akong isang kamay. Nakayap sa akin.

Hay nako, si Kuya talaga. Nakitulog na naman sa kwarto ko.

"Kuya! 'Yang kamay mo, mabigat! Balik ka na sa kwarto mo kasi!" sabi ko habang pilit na inaalis 'yung kamay ni Kuya pero humikab lang siya at mas hinigpitan pa 'yung yakap sa akin. Ipinatong niya pa 'yung paa niya!

"Iih kuya nakikiliti ako! Balik ka na sa kwarto mo kasi!"

"KUYA CHARLES!"

"Kuya Charle-"

WAIT.

NASA BORACAY KAMI NGAYON.

WALA AKO SA KWARTO KO SA BAHAY NAMIN.

HINDI KO KASAMA ANG PAMILYA KO.

WALA SI KUYA CHARLES.

Kung ganoon...

SINO ITONG KATABI KO?!

Napamura ako sa isip ko.

Unti-unti kong iginalaw ang ulo at para akong binuhusan ng Super duper mega sobrang malamig na tubig sa nakita ko...

SI HARREN?! Paano siya nakapasok sa kwartong 'to?!

And he's TOPLESS!

Inilibot ko ang mata ko sa kwarto ko at lalo pa akong napamura sa nakita ko.

HINDI ITO 'YUNG KWARTO KO!

Kung ganun bakit ako nandito?! Kanino itong kwarto 'to?!

AT BAKIT KO KATABI SI DM?! Na nakayakap sa akin ngayon?!

Oh shit.

***

A very short update. :) Ganyan talaga, may mga chapters na sadyang maiksi lang for purpose. :P pambawi na rin sa mga mahahabang chapters na ewan ko kung binabasa niyo pa. :)

You're My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon