thirty-four

52 6 71
                                    

E/J: Hi, wag mag-alala, hindi mamamatay si Garey at walang mangyayaring masama sa kanya---? I'm not sure w/ that. Pero wag excited. Kapit lang haha :))

P.S dont hate it if something unexpected happens, that's the flow of the story. Pero syempre hindi pa naman ngayon mangyayari yung sinasabi kong unexpected. Abangan na lang LOL

P.P.S inactive muna ako ngayon. Nawawalan na ako ng gana eh. Pero baka magbago ang isip ko at mag update na ako araw araw. Depende sa emotion hahaha

****************

"Garey!" nilapitan ko siya nung nagdurugo yung kamay niya. Napasinghap ako, ang tanga niya talaga! "Ano'ng ginawa mo?!"

"Wag mo akong lalapitan!" nagulat ako nang itulak niya ako sa kanya at ika-ikang naglakad ulit palayo.

"Ano ba?! Hayaan mo nga akong tingnan ka!" wala siyang magawa nung pinaharap ko siya sa akin. Hinablot ko yung kamay niya. Hindi tumigil sa pagdurugo. "Tanga ka! Bakit mo yun ginawa ha?! Wala namang problema kung nag-crack ka! Hindi ka naman mamamatay! Ang babaw ng dahilan mo para magwala nang ganito! Pwede niyo namang ulitin yung song! Hindi yung sinasaktan mo pa yang sarili mo!"

"Sinaktan niyo na ako!"

Napabitaw ako agad sa kanya, "H-ha?"

"Hindi mo ba napapansin?! Selos na selos na ako! Ano?! Sa tingin mo maayos ko pa ang sarili ko kung palagi na lang ganyan?! Ha?!"

Napaatras ako, "S-sorry. H-hindi ko naman--"

"Enough!" tinalikuran niya ulit ako habang ika-ikang naglalakad. Pero teka, yung kamay niya! Hindi ba niya gagamutin?!

"G-gaga naman eh!" hinabol ko siya saka sinipa sa ano niya.

"AW!"

"Ano?! Kakausapin mo ako o sisipain ko ulit yan?!" banta ko sa kanya namimilipit pa rin siyang tumango sa akin.

"Argh! Okay fine! Kapag nabaog ako ikaw ang suspect!"

"Good." Inalalayan ko siyang makaupo dun sa may sofa saka kinuha yung first aid kit sa gilid. "Gagamutin muna natin yang sugat mo. Alangan namang kakanta kang dumudugo ang kamay."

"Hindi na ako kakanta."

Automatiko naman akong tumingin sa kanya nang masama. Kung hindi lang talaga injured yung kamay niya ngayon kanina ko pa siya hinampas dito. "Kumanta ka! Kailangan niyong manalo dito! May chance pa kayo, huy! Hinihintay ka ng mga bandmates mo!" sita ko habang ginagamot yung sugat niya.

"Kung talagang gusto nila akong bumalik sinundan nila ako dito."

Binatukan ko siya. "ARAY NAMAN! Ano'ng problema mo sa akin?! Kanina na nga ako namimilipit tapos dadagdagan mo pa yung sakit?!"

"Ang hard mo kasi! Pakipot! Sa tingin mo susundan ka ng mga nun dito?! Bahala ka! Ikaw ang sumunod sa kanila! Kilala mo naman siguro ang mga kapwa mo lalaki. Grabe ka! Para ka talagang tanga! Ay mali! Tanga ka pala talaga!"

"Ang sakit mo naman manalita," mahina niyang bulong at saka inalis yung kamay ko sa kamay niya. Siya na ang nagdiretso doon sa paglalagay ko ng benda.

"Talagang masakit akong magsalita. Pakainin kaya kita ng bomba!"

Tinitigan niya ako. Yung tipong kinikilatis niya yung buong katawan ko. Awkward.

"B-bakit?!"

"Pasalamat ka na lang gusto kita," tapos binalik niya yung kamay niya sa akin para maituloy ko yung ginagawa ko. "Ano? Bakit ka tulala? Baka naman--- WAIT IS THAT AN ALCOHOL?!"

You're My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon