seven {Robot}

357 23 33
                                    

Chapter 7

--

Charys's POV

Nagising ako sa ingay ng mga ibon sa labas. Kahit pala siyudad may mga nabubuhay na ibon ano? Ang akala ko kasi, sa probinsya lang ang meron dahil alam niyo na, polluted masyado sa mga siyudad.

"Hmmm! Good morniiiiing!!!" masaya kong sabi sa sarili ko at nagdasal. Napatingin ako sa orasan at 6:30 am na. Maaga pa ba? Matutulog pa ba ako? Nagdadalawang isip ako eh.

Matutulog na sana ako kaso narinig ko 'yung boses ni Hailey sa baba. Naexcite tuloy ako bigla. Ewan ko lang kung bakit. Ang sunod ko nalang na ginawa ay bumaba para makita si Hailey. Wala eh, namiss ko siya agad.

"Three weeks nalang then pasukan niyo na. Busy ako kaya hindi pa tayo nakakapasyal ngayong bakasyon. What if pumunta tayo sa Boracay for a two-week vacation?" rinig kong sabi ni Ma'am Hanna. Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Lumapit ako at nagtago sa isang malaking vase, hindi naman ako halata kasi payat naman ako at ang laki talaga 'nung vase.

"That would be cool!" rinig kong reaksiyon ni Garey.

"Yeeeey!!! Vacation!!!" sabi naman ni Hailey.

Ha? Anong vacation ang pinagsasasabi nila?

"Isama nalang natin si Cha."

Wait, what? Ba't ako? Paano ako nasama diyan?

"YEEEY!!! ATE CHAAAAAAA!!!" sigaw ni Hailey,

"Okay, Darey, Garey, sasama kayo di'ba?" tanong ni Ma'am Hanna.

"Obviously."

"Okay, the vacation is planned the next day. 2 weeks tayo sa Boracay. After that, mageenrol na kayo sa Villians Academy para sa first semester. Is that okay?"

Teka, teka. Hindi ko gets! Anong sinasabi nila? Makalabas na nga. Babalik na lang ako sa kuwarto, mukhang hindi naman ako involved sa mga sinasabi nila. Pero narinig ko ang pangalan ko. Ibig sabihin involved ako. Pero baka ako lang itong assuming at baka ibang tao 'yang sinasabi nilang Charys at kapangalan ko lang. Ang gulo!

Ay ewan, makatulog na nga ulit--

"Cha!"

Sabi ko nga.

"H-ha?" sabi ko pagkalingon ko 'dun sa tumawag. Si Garey.

"Sasama ka?"

"Saan?"

"Boracay," ngumiti siya. Ibig sabihin kasama talaga ako sa pinag uusapan nila kanina!

"A-ahh.."

"ATE CHA!" nakita ko si Hailey na patakbo papunta sa akin. Ngumiti naman ako, "Hi Hailey!"

"We're going to Boracay! Yeeey!"

"Really?" sagot ko kahit na hindi ko maintindihan ang nangyayari.

"Yeps!"

Magtatanong na sana ako kung ano ang nangyayari nang biglang magsalita si Ma'am Hanna, "Because we haven't done our vacation yet, we are going to Boracay to stay there for 2 weeks."

Ahh... Kaya pala. Sorry, wala akong pera eh.

"A-ah, maiiwan nalang po ako dito. Wala po akong pera eh.." nahihiya kong sabi sa kanila. Totoo naman!

"'Sus! Libre kaya!" ngiti ni Garey kaya nagulat ako. Libre?

"Yes, our treat. Para naman maging close pa tayo. You will stay here for 4 years, right?" ngiti rin ni Ma'am Hanna.

Sasagot pa sana ako kaya lang biglang may pumunta sa harapan at kumuha ng popcorn. Kumakain kasi ng popcorn si Garey kanina. Nababaliw na yata dahil umagang-umaga nagp-popcorn.

You're My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon