thirty-seven (part one)

64 3 39
                                    

E/j: Chapter 37 has 3 parts. Watch out. Hahaha. Again, keep holding on... XD P.S waley lang itey. Dibale na lang XD

*********

"Gillian galingan mo ha!"

"Yes! Gillian dapat maipanalo natin 'to!"

"Alam naming lahat na kaya mo 'yan!"

"May tiwala kami sa'yo, okay?"

"Do your best! Relax ka lang. Kapag bibirit ka na, isipin mo ikaw lang ang tao sa mundo. Dapat feel na feel mo rin yung pagkanta. Do not stay still, dapat gumalaw-galaw ka and do some movements like putting you your hands up--" hindi na natapos yung teacher namin sa Music doon sa sinasabi niya nang pigilan siya nung mentor ni Gillian.

"Do not pressure her. 'Wag niyo siyang pakabahin pa lalo. Nasabi ko na yan sa kanya for numerous times already pero wag naman yung ngayon. Today is the showcase. Baka hinaan na naman yung loob niya. Chill, Gillian, okay?" tapos dinala niya na si Gillian sa may table.

Kanina pa siya tahimik at nakayuko--halatang nininerbyos. Tama rin naman yung mentor niya, hindi dapat siya pini-pressure, lalo na't baka mahinaan siya ng loob kasi nga siya ang pinakabata sa lahat ng contestans.

Lumapit ako sa kanya para i-comfort siya, "Hi Gillian."

Tumingin siya sa akin at alanganin na ngumiti tapos umiwas ng tingin. Hindi naman ganito si Gillian. Besides, maingay pa siya kesa sa mga boys namin at nagiging ganto lang siya kapag kinakabahan.

"Wag kang kakabahan, nandito kami, supporters mo. Wag mo na lang isipin na may mga kalaban ka. You can do it. Kahit hindi ikaw ang manalo, at least you tried," tapos ngumiti ako sa kanya. Teka, tama ba 'yung pagpapayo ko? Baka naman mas lalo ko siyang napakaba!

"T-thank you.." bulong niya tapos yumuko ulit.

"Bakit parang ang lungkot mo ngayon? Dahil lang ba sa kaba at--"

"Hindi kasi manonood yung boyfriend ko," naramdaman ko yung lungkot sa boses niya. "S-saka s-sina Mama ko nasa Manila," nagpunas siya ng luha. Hala! Bakit naiyak siya bigla?! Masisira yung makeup niya! "Y-yung isang kapatid ko l-lang tapos yung b-best friend ko ang nandito..."

"Ganun ba? Sorry. Wag ka nang umiyak, kakalat makeup mo. Saka saan ba pumunta yung boyfriend mo at wala siya dito?" Hindi ko maiwasang magtanong.

Nagkibit-balikat siya at malungkot pa rin, naawa tuloy ako sa kanya. "May basketball tournament sila ngayon. M-mas pinili niya pa 'yun kesa sa a-kin!"

"Wag kang iiyak--"

"In three minutes the showcase will start!" narinig ko sa may speaker at narealize kong hindi pa pala ako umaalis sa may backstage after akong utusan na bumili ng pagkain.

"Sige Gillian good luck na lang! Tandaan mo yung mga sinabi sa'yo ng mentor mo! Wag kang kakabahan okay? Kaya mo 'yan! Fighting!" ngumiti pa muna ako saka tumakbo papalabas nang hindi hinihintay yung sagot niya. Mukha pa kasi siyang masyadong gulat. First time ko siyang kausapin o kung hindi naman first time, minsan ko lang kasi siyang kausapin at ang mga minsan na yun, kapag magkagroup kami o ano man.

"Bakit ang tagal mo?" iritang sita sa akin ni Erine nang makarating ako dun sa dati naming pwesto. "Kanina pa kita hihintay ah. Nananadya ka ba?"

"Huy hindi naman! May inutos sa akin," dahilan ko. Umirap siya at tinalikuran ako. "Uy wag ka nang galit!"

"Hindi naman ako galit! Pati maliit na bagay kagagalitan ko? Hindi naman ako OA!"

Hindi raw siya galit...pero yung boses niya may halong galit. Ano ba talaga?

You're My EnemyWhere stories live. Discover now