forty-four [part two]

40 0 0
                                    



"Ano? Pakiulit nga? At saka, maari bang sabihin mo kung bakit? Lakasan mo ah?" suhestyon muli nito kaya naman mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ni Erine.

"Ikaw! I-ikaw Vianca ang pinipili ko sa inyong dalawa ni Cha! Ikaw ang pipiliin ko kasi walang kwenta si Cha! At saka---matagal ko naman siyang niloloko eh! Siya lang diyan ang utu-uto at napaniwala ko. H-hah! Ang galing ko kasing um-acting! Paniwalang-paniwala ko siya na gusto kong makipag-kaibigan. 'Yan tuloy! Napunta sa ganito. Hindi niya na matanggap na niloloko ko lang pala siya. Ayan kasi! H-haha! Tumagal pa talaga 'tong pagsasama na amin na dati inakala niyang pagkakaibigan. Sakin no'n Brads!" mahabang sabi nito at saka ngumiti at tumawa nang peke, na para bang nais lamang ma-kontento si Vianca sa kung ano ang gusto nitong marinig mula sa kanya.

Nagpakawala ng isa na namang napakalakas at mala-demonyong tawa si Vianca matapos sabihin iyon ni Erine.

"Ouch! Masakit 'yon, 'Brads'. Oo nga," sambit nito at saka ngumisi. "Oo nga, Erine, paniwalang-paniwala mo siya. You see that? Ipinaglaban niya pa kanina na hindi mo lahat magagawa ang mga 'yon sa kanya kasi ang bait mo raw. Eh ngayon? Ano na ang maipaglalaban niya? Hay, ang galing mo talaga! I'm so amazed and proud of you even though I'm more amazing. Tulad nang sinabi mo, napaniwala mo siya na magkaibigan nga kayo, iyon pala, siya lang ang may sabi no'n," sabi nito kay Erine.

Maya-maya pa ay lumapit ito sa umiiyak na si Cha at saka binulungan, "How does it feel now? How does it feel to be backstabbed by your very own 'best friend'?"

"A-ano ba'ng ginawa ko sa inyo at ginagawa niyo sa akin 'to..." humahagulhol at nauutal nitong tanong sa kanila. "W-wala naman, 'di ba? Eh bakit kailangan pa ako madamay dito sa mga pinaggagagawa ninyo?"

"Hah! Ikaw lang ang may alam niyan. And you'll know it soon, dear. Maghintay ka lang. Malapit na siyang dumating."

"S-sino?"

"He. The one who made this trouble. And he is a trouble-maker, probably because of his deeds. And he is the only reason why you're here. Siya ang puno't-dulo ng kasong 'to." Magsasalita na sana si Cha ngunit nagsalita na naman si Vianca. "Oh wait, hindi pala sila nag-iisa. Lahat sila."

"A-ano?" nalilitong tanpng ni Cha. "A-anong ibig mong sabihin? K-kilala ko sila?"

"Of course!" She clapped. "Sasabihin ko ba naman sa 'yo kung hindi mo sila kilala? But for now, hindi ko muna sasabihin. Huwag tayong excited, ha? Hindi pa natin natatapos ang rebelasyong 'to. At hindi ako titigil hanggang sa magmakaawa kang patayin na lang kita dahil sa sobrang sakit nang nararamdaman mo."

"A-ang sama mo..." ang tanging nasabi ni Cha. "Ang sama-sama mo...demonyo ka!"

"Alam ko kaya putangina mo!" nanggigigil na ganti ni Vianca. "Ngayon, handa ka na bang mamatay ulit?! Ha?!"

"Vianca--- Queen tama na!" pigil ni Erine dito ngunit tulad nang laging nangyayari dati, nabigo na naman siya.

"Cha," panimula nito. "Alam mo bang.....Haha!"

"A-ano?"

Magsasalita na sana si Vianca muli ngunit umurong bigla ang dila nito, "Wait lang---malamang hindi mo alam! Hahaha!" At saka malandi itong tumawa habang napapahawak pa kay Erine na kanina pa nag-aaalala.

Matapos ang tatlong minutong pagtawa ay tumigil na rin sa wakas si Vianca at saka muling hinarap si Cha, "Huwag kang mabibigla, ah? Pero sa totoo lang....si Erine..."

"B-bakit na naman siya?" Suminghot siya at saka tumingin kay Erine. "Ano na naman ba ang iri-reveal sa akin ni Vianca tungkol sa 'yo, Erine, ha? Nasaktan na nga ako no'ng siya ang kinampihan mo tapos ngayon balak niyo pa dagdagan?"

You're My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon