twenty-seven

139 8 91
                                    

Nagising ako nang may marinig akong tunog na nanggagaling sa labas. Ang sakit sa pakiramdam. Wala akong matandaan. Ay mali, meron palang isa. Nasa elevator raw kami ni Rence tapos...tapos...ayun lang.

Babangon na sana ako kaso biglang sumakit 'yung likod ko kaya napahiga na lang ulit ako. Tumingin ako sa paligid at kung hindi ako nagkakamali, nasa sarili kong kwarto. Pero teka, paano ako napunta dito? Tumingin ako sa sarili ko at may benda itong kamay ko. Ah, kaya pala hindi ko 'to magalaw. Tiningnan ko rin 'yung mga paa ko at may mga band aid rin doon.

Ano ba talagang nangyari sa akin?

"Oh, you're already awake."

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga nang marinig ko 'yung boses ni Ma'am Hanna. Pumasok siya habang may dala-dalang tela na ewan ko kung ano. Hindi agad ako nakasagot kasi feeling ko ang tamlay ko ngayon. Tinitigan ko lang 'yung telang dala nila at saka ngumiti nang konti.

"You're so pale. Mabuti na lang at na-rescue kayo agad. Huwag ka munang papasok, okay? You'll rest for a while until your wounds will heal."

Tiningnan ko siya nang nagtataka, "A-ano pong nangyari?"

"Mabuti pang hindi mo muna malaman ang full details but I'll state a few. It was an elevator accident. Kasama mo ang anak nung may ari ng V.A at pareho kayong walang kamalay-malay sa kondisyon niyong dalawa. You were actually clueless na nasugatan ka kasi parang hindi ka nasasaktan. Mabuti na lang at hinanap namin kayo agad at na-rescue. Kung hindi, baka ma-suffocate kayo sa hangin sa loob ng elevator."

"P-po?" Parang hindi ako makapaniwala doon sa sinabi niya. Ang naalala ko lang, nasa elevator ako kasama si Rence..'yun pala, naaksidente kami? Ano ba 'yan! Bakit kasi wala akong maalala?

"Saka na lang natin 'yun pag-usapan, hija. What important is that you're awake," hinaplos niya ang buhok ko kaya napabuntong-hininga na lang rin ako.

"K-kumusta po si Rence?"

"Nasa ospital siya. But don't worry, he's in a stable condition. Napuruhan lang 'yung mga paa niya dahil natusok ng ilang mga bubog at baka naimpeksyon."

"P-paano po ako napunta dito?"

"Hay! Wag ka munang magtanong, okay? How I worried about you! Don't you know what even my son and Garey helped para mai-rescue kayo? Si Hailey iyak nang iyak thinking that you were already dead. Mabuti na lang talaga at ayos ka. Pinagamot ko na rin 'yung mga sugat mo habang natutulog ka para wala kang maramdaman na sakit. Just take a rest, okay? We love you. You're already a part of our family, remember that."

Hindi ko alam kung paano ang irereact ko. Basta ang alam ko, thankful ako at nandiyan sila palagi para sa akin. "Thank you po. Thank you talaga Ma'am Hanna."

"Cha."

Tumingala ako at nakatitig siya sa mga mata ko. Hala! May nasabi ba akong mali? Bakit parang galit siya sa akin?

"B-bakit p-po?"

"Don't call me 'Ma'am Hanna' anymore."

"P-pero po."

"From now on, you're gonna call me 'Mommy.' Is that fine?"

Mommy? Tatawagin ko siyang mommy katulad ng kung paano siya tawagin nina Hailey?

Dali-dali naman akong tumango, "Y-yes Ma'am Han-- I mean, Mommy."

Ngumiti siya at niyakap ako, "You're really a nice girl. Napakabait mo at masunurin pa. I hope na maimpluswensiyahan mo ang nag-iisa kong anak na-- I hope na maging mabait rin tulad mo si Harren."

Paano nasama si DM dito?

Humiwalay na kami sa pagyayakap at hinalikan niya ako sa pisngi, "I gotta go. May magdadala na ng pagkain mo dito mamaya. Matulog ka na lang or manood ng tv. Like what I've said earlier, hindi ka mun papasok. May mag-aalaga sa'yo dito. Don't worry."

You're My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon