forty-four [part four]

40 0 0
                                    

A/N: Malapit na ang ending nito kaya dinadalasan ko na mag-UD. Kung binabasa mo 'to ngayon at hindi ka nag-skip, I thank you for supporting this story hanggang dito! Mwah :*

****

Sa kabilang dako, naiwan mag-isa si Cha sa kuwarto kung saan siya pinahirapan ng mga katulong ni Vianca. Hinang-hina man dahil sa pagkakakuryente ay pinilit nitong makawala sa pagkakatali at makatayo.

Nagawa niya naman ito ngunit hindi siya makalakad nang maayos kaya iika-ika siya. Ngunit nang bilang namatay ang ilaw ay doon na siya tuluyang nadapa.

"A-ahh!!" impit na sigaw niya nang makaramdam na naman ng sakit sa katawan. Narinig niya ang alarm na tila ba may sunog. Nagsimula siyang kabahan. Kailangan niyang makatakas agad.

Hindi siya sumuko sa pangangapa hanggang sa maabot niya ang telepono. Hindi niya maaninag ang mga numero dito ngunit kung anu-ano na lang ang dinial niya.

Nang walang sumagot sa kanya at mas lumakas ang tunog na kanyang paulit-ulit na naririnig ay napilitan siyang kapain ang cabinet upang tingnan kung may flashlight ba doon. Dahil wala siyang nakita ay ginamit niya na lamang ang pinangkuryente sa kanya kanina dahil may iprinoproduce rin naman itong ilaw. Pero bago iyon ay minura niya muna nang ilang beses ang maliit na makina bago ito gamitin na pang-ilaw sa telepono.

"Five...four..s-six...N-number 'to ni Dada.." Kinakabahan niyang inilapat sa tenga niya ang telepono at nagdasal na sana ay sagutin ito agad ng kapatid ni Garey. Alam niyang maaring kasabwat na rin tio nina Vianca ngunit may tiwala pa rin siya dito lalo na't alam niyang mabait pa rin sa kaloob-looban sa Darey. Ito na lamang ang maari niyang matawagan dahil hindi niya memorize ang telephone number ni Ma'am Hanna. Makaraan ang ilang ring ay sumagot ang binata.

["Hello?"]

Hindi napigilang mapaluha ni Cha ngunit sa kabila ng takot ay nakahinga ito nang maluwag, "D-dada! T-tulungan mo ako!.. Sinasaktan n-nila ako d-dito... M-may n-nangyayaring masama... B-baka mamatay ako!!! K-kasama ko si DM... Sinasaktan nila kami! Please! Puntahan mo kami dito! Iligtas mo kami!"

["Wait, where are you?"]

"Andito kami sa....ano bang tawag sa lugar na 'to? H-hindi ko alam..." Halos hindi ito makapagsalita at sobrang nauutal sa sobrang kaba at takot.

["Paano ko kayo matutunton?"]

May tono ng pag-aalala kay Darey habang sinasabi niya iyon.

"A-ano... Ganito na lang---"

"HOY! MAY BALAK KA PA TALAGANG TUMAKAS AT HUMINGI NG TULONG HA?!" Biglang sumulpot si Vianca na may hawak-hawak na malaking flashlight. Agad nitong tinulak si Cha palayo sa telepono at sinabunutan ito. "Akala mo makakatakas ka, ha?!"

["Hello? Wait, Cha?"]

"TULUNGAN NIYO 'KOOO!!!!" iyak ni Cha pero sinampal lang siya ni Vianca.

"Hindi ka pwedeng tumakas! Hindi pa kita tapos gamitin!"

Patuloy na nagsasabunutan ang dalawa hanggang sa isang lalaki ang pumasok sa kuwartong iyon at agad na hinila palayo si Vianca na nakaibabaw na ngayon kay Cha.

"Layuan mo siya!" Sinilaw ni DM sa hawak na flashlight ng cellphon si Vianca.

"DM!" Nakaramdam ng matinding saya si Cha nang makita niya si DM kaya agad niya itong niyakap. "P-paano ka nakatakas? H-hala ang dami mong sugat!"

"Wala akong pake dito. Ang mahalaga mailigtas kita. Tara na!" Pinipigilan ni DM na halikan si Cha dahil miss na miss niya na ito agad sa kabila ng maikling oras na nahiwalay ito sa kaniya. Ngunit hindi niya lamang ito ipinapahalata dahil intense ang scene nila ngayon.

You're My EnemyWhere stories live. Discover now