forty [part one]

78 2 0
                                    

LIFE BEGINS AT FORTY GUYS.

HAHA.

Ako lang ata ang writer na nag-comeback tapos 'di na ulit bumalik. XDD

Ito na.

'Wag pabebe. 'Di mo bagay.

Bounce bounce bounce bounce, ibalik ang bounce!

HAHAHA.

Chapter 40
Featuring: Trebor delos Reyes a.k.a Weirdo

***

"Ito na naman?!" Sabay kaming napasigaw ni Erine sa gulat nang may biglang nahulog na basura mula sa locker ko for the fifth time. What the? Ilang beses na akong nakakatanggap ng mga ganito! Umamin nga 'yung naglagay nito sa locker ko, ano ang ginawa ko sa kanya?!

"The one who throws these every time in your locker probably hates you so much," inis na komento ni Erine habang kinukuha gamit 'yung walis tingting 'yung mga basura. Ako 'yung taga-hawak ng dustpan tapos sabay namin itatapon mamaya 'yung nakupkop ko. Ilang beses na namin 'tong ginagawa? Mukha kaming mga tanga.

"May mga tao talaga na pati galit sa akin hindi talaga maitago pero natatakot lumaban kaya ito, pineperwisyo tayo."

"What?! Kilala mo siya?!" Bigla akong kinwelyuhan ni Erine. "Bakit ngayon mo lang sinabi?! Diba alam mo namang I'm dying to know who is that bitch na gumawa nito sa locker mo pang-limang beses na?! I'm talking to you!"

Ano naman ang nakain nito at pinagbibintangan ako?

"H-hala naman! Ikaw talaga! Kung anu-ano ang iniisip mo! M-may sinabi ba akong alam ko?! Diba wala naman?! Grabe ka ring magsalita ano?! Sa tingin mo magagawa ko pang maglihim sa'yo kung alam ko nga na namamatay ka sa kagustuhan na malaman kung sino ang taong 'yan! Grabe ka!"

Bumitaw naman siya agad, "Buti naman. Kapag talaga nalaman ko kung sino 'yon malalagutan agad siya ng hininga 'pag nagkita kami! Imagine?! Hindi ba siya nahihiya at nakokonsesnya na palagi ka niyang pinapadalhan ng basura dito at sa mismong locker mo pa?! Mabuti sana kuhng basurang may halong love letter pero wala naman! Magsumbong kaya tayo kay sir Rence kasi diba close kayo nun? Sige na!" dire-diretsong sabi niya.

"Nakakahiya naman, hoy! Saka ano... Hindi kami close. Hehe. Akala mo lang."

"Edi sa principal!" Bigla niyang hinawakan 'yung dalawang balikat ko. "Please! Hindi ko na talaga kakayanin na may makita pang basura sa locker mo! Mas gugustuhin ko pang ako ang makatanggap ng mga 'yan kesa ang sarili kong best friend!"

"Ang drama--"

"Hindi ako nagdradrama seryoso ako! Sige kung ayaw mong maniwala, palalagyan ko na talaga ng CCTV loob ng locker mo. Kasi pambubully 'yan! Ano--"

"Walang namang nananakaw eh. Bayaan mo na 'yan. Baka naiirita lang sa akin. Or maybe sa atin. Pero baka sa akin lang kasi wala namang ganito sa locker mo," turo ko sa mga nakupkop na basura na handa nang itapon. "Wag na lang tayong pa-affected. Kasi kapag nairita 'yung taong 'yun dahil hindi natin siya pinapansin at wala tayong pake sa kanya baka tumigil na rin. Chill, okay?"

"Anong chill?!" Parang bumibwelo na siya pero pinigilan ko na siya sa maitim niyang binabalak sa pamagagaitan ng pagsensyas ko sa kanya. Tumahimik naman na siya pero halatang naiinis pa rin siya doon sa gumawa nito. Kahit ako na naiinis rin doon sa may gawa nito may halo pa ring saya. Bakit? Ang concerned kasi ni Erine sa akin kahit na ilang months pa lang kaming magkakilala. Ang sarap sa feeling lalo na nung halos patayin niya na ako sa sobrang tuwa nung nalaman niyang nanalo sina DM sa Battle of the Bands.

"WAAAAAAAAAAAH! ANG GALING NG SCENE NA 'YAN! ANG GALING TALAGA AS IN ANG GALING-GALING! BIHIRA LANG MANGYARI ANG MGA 'YAN AT SAKTO PA DUN SA PART NA NAGYAYABANG NA 'YUNG LEADER NILA!" sigaw niya habang sinasabunutan ako dito sa likod ng garden. Nagkwekwento ako at nandoon na ako sa part na na-realize ng mga MC na mali ang nabasa nilang sagot at the moment na nagsasalita na ng mayabang na pasasalamat sila Denver.

You're My EnemyWhere stories live. Discover now