forty-four [part one]

24 0 0
                                    

A/N: Madrama 'to.

***

Isang babaeng may dala-dalang isang plastic bag ang dali-daling lumapit kay Vianca habang humihingal. Tabingi na rin ang salamin nito at halatang pagod na pagod dahil sa tagaktak na pawis nito. Hinihingal man, piniliti nitong makalapit kay Vianca na ngayon ay nakangisi samantalang ang babaeng ito ay walang kamalay-malay sa kanyang mga kasama sa kuwartong iyon.

"Oh, kumusta?" nakangising tanong ni Vianca kay Erine nang makalapit ito sa kanya. Nagpunas naman agad ng pawis ang dalaga at saka nilapag sa sahig ang hawak na plastic.

"Sorry Ma'am pero---"

"Ma'am?!" reklamo agad ni Vianca bago pa man matapos si Erine kaya naman parang may bigla itong naalala.

"Ay, oo nga pala! Sorry, Queen pero..." Huminga muna ito nang malalim bago magsalita. "Hindi ko nalagay lahat ng pinapalagay niyo sa locker niya kasi dumating si Kuya Harren. Pasensya na po. Bakit kasi hindi ako nagmadali? Kainis!" Nagawa pa nitong mapasabunot sa sarili at saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Sorry po, Queen. Promise hindi na po ako uulit! N-next time dadagdagan ko pa ang mga ilalagay ko sa locker niya. Sorry po talaga!" Umalis na rin kasi ako agad dahil ang tagal umalis ni Harren!" Tila ba galit na galit ito sa sarili niya dahil sa nangyari. Nakakagat lang kasi ito sa labi habang nakayuko na para bang takot na takot na baka mapagsabihan siya ni Vianca.

"Hindi, ayos lang," nakangiting sagot ni Vianca at saka hinawakan sa balikat si Erine na ngayon ay katitingala lamang sa kanya. Sa totoo lang, mas matangkad sana si Erine kaya lang flat shoes lang ang suot ni kumpara kay Vianca na 5-inch high heels ang suot. "Proud pa rin ako sa 'yo at nagagawa mo ito para sa akin. Salamat, ha?"

"P-po,?" Hindi makapaniwala si Erine sa naririnig niya kay Vianca. "B-bakit po parang first ninyong sbaihin 'yan sa akin? May nagawa po ba akong sobrang nagustuhan ninyo?" Pinipigilang niyang ngumiti dahil naaamoy na niya ang pagtaas ng ibinabayad sa kanya ni Vianca.

"Wala naman," mas lumapit pa ito sa dalaga na ngayon ay napaatras na sa sobrang lapit ng katawan nila sa isa't-isa. "Ano, nagawa mo na ba ang ilan kong pinagawa sa 'yo?" taas-noong tanong muli nito kay Erine kaya naman dali-daling tumango ang isa at proud na proud pang nagkuwento sa kung ano ang ginawa niya.

"Nakuha ko na rin ang mga projects niya sa iba't-ibang departments para akala ng mga teachers ay wala siyang pinasang projects. Mababawasan ang grade niya doon at siguradong may tendency na ma-drop siya sa V.A dahil sa grade limit natin."

Aapila pa sana si Vianca ngunit naunahan na siya ni Erine. "Huwag kayong mag-alala, sinigurado kong walang makakakita sa akin habang ginagawa ko ang mga iyon. Tinakpan ko rin kasi ang CCTV at saka sinilip ko muna ang nakabantay sa mga ito at nang malaman kong nagce-cellphone lang siya, inalok ko siya ng juice na may gamot makatulog. Pagkatapos ay pinatay ko na lahat ng CCTV monitors niya at ginawa ko na nga 'yon. 'Di ba, ang galing ko?" Tila ba bilib na bilib ito sa kanyang ginawa dahil halata sa kanyang ekspresyon sa mukha.

Napangisi na lang muli si Vianca at saka sandaling lumingon sa kanina pa pinipilit makawalang si Cha na nasa gilid at pinipigilan ng dalawa niyang alalay na sina Kekera at Kekerry--na ngayon ay pagod na pagod na dahil kahit na nakatali si Cha, pinipilit pa rin nitong makawala. At hindi maikakailang umiiyak dito at hindi lamang mailabas kung ano ang kanyang damdamin dahil sa nakatakip nitong bibig.

"Wow! Ang galing naman!" puri ulit nito kay Erine na ngayon ay nagtataka pa rin sa inaasal at sinasabi ng amo. Hindi kasi niya gawi ang pagpupuri sa kanyang mga tauhan at lagi na lang itong galit at mataray. "Ang galing mo talaga, ikaw na ata ang pinakamagaling utusan ko."

Parang hindi ito si Queen, sa isip ni Erine at napakunot ang noo. Pero sasamantalahin ko na! Mamaya taasan pa ang suweldo ko nito, eh! At saka ako ata ang pinakaunang sinabihan niya nito!

You're My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon