thirty-six

65 6 29
                                    

E/J: isa na naman kasi baka busy ako bukas wkwkwkwk

********

"Bess tara panuorin natin si Gillian mag-practice dun oh!" hila ni Erine sa akin nang magbigay ng free time yung teacher namin sa Chemistry.

"Ano namang gagawin natin dun? Baka ma-bored lang tayo dun. Hindi rin lang natin mapakikinggan nang maayos si Gillian kung maraming nakapila para manood sa kanya. Bukas na yung showcase diba?" sabi ko naman. Actually palusot ko lang yun kasi tinatamad akong maglakad. Mabuti na lang at naniwala siya sa akin. May pagka-utu uto rin kasi itong bruhang 'to eh.

"Mhm okay fine. Anong gagawin mo ngayon?" tanong niya habang nilalabas yung makapal niyang book. The Fault in our Stars ata yung binabasa niya ngayon. Pero pang-23 times niya na raw yun nabasa at wala lang siyang pambili ng bagong book. Maregaluhan nga ng sampung libro sa birthday niya.

Pero ang problema....

Hindi ko alam ang birthday niya.

"Hm, Erine!"

"Oh?" Hindi niya pa rin ako tinitingnan at lang sa pagbabasa niya.

"Kailan birthday mo?"

"November 15."

"Ahh. Ikaw alam mo birthday ko?"

"Oo naman," confident niyang sagot.

"Sige nga, kailan?"

"December 24. The day/night before Christmas. Bisperas ng Pasko. Birthday ni Kuya Harren," tapos parang kinikilig pa siya.

"Paano mo nalaman ha?!"

"Siyempre sinabi mo kaya nung--" 'di na siya napatapos nung cellphone ko na nagring. "Sagutin mo 'yung tumatawag."

"Text lang 'to," umirap ako sa kanya at binasa yung text.

-1 message received-

From: 09*******

Hi Babe.

Hala naman! Wala naman akong ka-Babe ngayon. Sino naman 'to? Nakakunot-noo ko siyang nireplayan. Wala naman talaga akong balak replayan siya pero sayang load ko mage-expire lang.

To: 09*******

Huh? Hu u

Message sent!

-

1 message received

From: 09*******

Boyfriend mo :*

Kapal nito! Wala pa kaya akong boyfriend!

To: Feelingerong texter -_-

Excuse me but.....wala akong boyfriend. FYI, kung gusto mong ligawan ako, mangarap ka nalang kasi naunahan ka na ni DM!!! -_-

Message sent!

-

1 message received

From: Feelingerong texter

Really? Naunahan pala ako ng sarili ko hahaha

-

To: DM!!!

SHET KA!

Message sent!

-

1 message received

You're My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon