thirty-eight (part two)

77 3 42
                                    

Andito na yung sinasabi kong rebelasyon. Mwehehe. Malalaman niyo rin as we go throughout the chapter ;) warning ulit: maraming mura. Sorry na *sinampal ang bibig* *dumugo ang bibig* *umiyak* *pinatahan ni Xiumin* mwehehe XD

*****

"Ay siopao ka!"

Ano ang ginawa niya at bigla-bigla ko na lang siyang nakita dito sa harapan ko? Nag-teleport ba siya? Ha?!

"Dali. 'Wag kang iiyak-iyak diyan. Mas lalo kang pumapa--"

"Tama na sabing 'di ako panget eh!" Iyak ko lalo.

"MAGANDA KA! MAGANDA SI CHA! YIEE!" Alam kong hindi siya seryoso doon at nanunuyo lang. Marahas kong pinunasan yung luha ko at tumingala sa kanya.

"Bakit ba?!"

Nagkibit-balikat lang siya at tinuro ako, "Ikaw. Iiyak-iyak ka kasi diyan kaya naisipan kong tumulong. Mabait kasi ako."

"IKAW?! MABAIT?! IKAW?! HA?! IKAW--"

"Oo na! Ngayon lang, alam ko. Kaya akin na 'yang mga libro mo," pa-cool niyang kinuha sa akin 'yung mga books na ikinatuwa ko naman.

"Wow! Miracle! Miracle! Woo! Woo! Ang saya ko! Ano, sasamahan mo ako pataas?" nakangiti pa rin ako nang parang baliw. Parang lahat ng luha ko kanina bumalik na sa mata ko.

Tiningnan niya ako ng isang nakakalitong look kaya ngumiti ako nang nalapad kahit hindi ko alam ang meaning nung tingin na 'yun. "YEY! Kunin mo na rin pati itong bag ko at lahat-lahat para walang mabigat habang umaakyat!"

Tinatanggap niya naman lahat ng binibigay ko pero nandun pa rin 'yung pagtataka sa mukha niya. Siguro iniisip nito na nababaliw na ako kahit matagal na akong baliw pero wala akong pake! Inuulit ko, WALA AKONG PAKE!

"Seryoso ka?"

"Oo! Tara na-- HUY HUY TEKA!!!" nagulat ako nang bigla niya akong buhatin na parang bata saka nagsimulang umakyat. "WAAAAH! ANO ANG GINAGAWA MO SA AKIN PUNYETA KA! DM!!! IBABA MO AKO! WHAT ARE YOU DOING TO ME?! TINGNAN MO BAKA MAY MABUNGGO KA DITO MAHULOG PA AKO!"

Hindi niya ako sinasagot at dire-diretso lang sa pag-akyat. Ang bilis-bilis niya kahit ang rami niyang dala. Ano ang ginagawa mo DM?! Bwisit ka 100X!!!

"DM--" for the nth time hinampas ko yung likod niya pero mukhang wala siyang nararamdaman. Argh! Nakakahiya! May mga nakakadaanan kaming students at lahat sila nakatingin sa amin!

"Tumigil ka nga! Ikaw ata ang gustong mahulog eh! Gusto mo ihulog talaga kita, huh? Huh?" parang bumwelo siya na ihuhulog ako kaya kumapit ako nang mahigpit sa kanya.

"WAAAAAAG!"

"Wahahahaha!"

"BWISIT KA DM! BWISIT KA! BWISIT! BWISIT! BWISEEEET!" halos sabunutan ko na siya sa buhok pero kung gagawin ko 'yun, baka mahulog lang ako. Punyeta! "Hindi ko naman sinabing pati ako buhatin mo eh! Ang OA--"

"Yun nga. Lahat na pinapabuhat mo sa akin. At dahil good boy ako ngayon at para rin naman masulit mo ang moment na 'to, pati ikaw, bubuhatin ko na rin."

Sa sobrang bilis niya hindi ko namalayang nandito na pala kami sa 4th floor.

Shet.

"See?" hiningal pa siya habang nagpupunas ng pawis. Tumigil ka DM. Tumigil ka sa pagiging hot. Tumigil ka! Wait-- TSK! 'Tong bibig ko na naman! Nakaka-stress na ha! Kanina pa sabi nang sabi ng mga bagay na hindi karapat-dapat sabihin!

"Bakit mo pa ako binuhat 'yan tuloy napagod ka!" sita ko sa kanya pero actually, pati ako pagod. Pagod sa kasisigawat kahahampas sa likod niya. Shet, nakokonsensya ata ako.

You're My EnemyWhere stories live. Discover now