forty-four [part three]

28 0 0
                                    



Nang matapos kami, naghiwalay muna kami ni Harren dahil sabi niya maghuhugas muna siya at itatapon na ang ubos na pintura. Naghugas na rin ako at nagpalit ng damit para hindi ako mahalata. Lumabas na ako agad lalo na nang marinig ko na para bang nagkakagulo sa labas. Mula sa malaking pintuan ng mansion ay narinig kong sumigaw si Rence.

"STOP THAT!!!"

Tumakbo agad ako papalabas at nakaramdam ng kaba. Nakita ko si Rence na nakatingin kung saan at saka gulat na gulat ang mukha niya at halatang naiinis.

"What happened?" tanong ko pero nakagat niya lang ang labi niya at saka tiningnan ako nang masama pagkatapos ay tumakbo papalayo.

Nagtaka ako kaya napatingin ako sa tinitingnan niya at nakita ko na nasa powerpoint presentation ang mga litrato niyang nakakatawa noong siya ay baby pa. Pati ang mga dirty moments niya ay naroon. May mga kasali pang videos na nakakatawa.

Nagulat ako. Ang pagkakaalam ko, hindi dapat iyon ang ipapalabas sa powerpoint presentation. Dapat ay iyong mga normal photos lang ni Rence ang ipapakita. Pero ngayon ay parang sobra-sobra na. Hindi mapigilan ng mga bisitang mapatawa at ivideo ang nakikita nila. Kaya pala para hiyang-hiya si Rence kanina. Sinubukan ko siyang hanapin pero hindi siya siya mahagilap ng mata ko.

Sa kabilang dako ay nakita kong lumabas ng pinto si Harren na mukhang nagmamadali rin.

"Anong nangyari?" tanong niya at sinundan ang tingin ko. "What the?! Ano 'yan?!"

Pati siya ay gulat na gulat. Nakanganga lang siya ngunit maya-maya ay bigla siyang natawa. "Bakit may mga ganyang photos diyan?! H-haha! Grabe! Sino ba ang gumawa ng slideshow na 'yan! Napaka-palpak!"

"Hey, let's go," sabi ko na lamang pero tawa pa rin siya nang tawa. "Let's go! Baka mapagkamalan ka pa nilang ikaw ang gumawa niyan." At saka ko siya hinila papalayo. Uuwi na kami.

Nasa tapat na kami ng gate nang harangin kami ni Rence. Nasa likuran niya si Treb at Denver. Ang sama ng tingin niya sa aming dalawa nitong kasama ko, halos matunaw kaming dalawa kaya agad na nagsalita si Harren.

"Bakit, ha?"

"You just didn't ruin my birthday party, you ruined my life, and my reputation!" malakas na sigaw niya sa amin. Napaatras ako. Shet, alam niya na ba agad 'yung tungkol sa pagpe-paint attack namin ni Harren sa kuwarto niya? Pero anong kinalaman ng reputation niya du'n? Imposible namang lahat ng bisita nakita ang loob ng kuwarto niya.

Pati si Harren ay alam kong kinakabahn na rin. Galit na galit kasi si Rence at mukhang sasabog na. Hindi naman makatingin sa amin ang dalawa sa likod niya.

Pero nagmaang-maangan pa rin si Harren. "Hoy! Bakit kasi kayo mag-iiwan ng pintura sa garahae niyo at bakit mo kasi iiwang hindi naka-lock ang kuwarto mo?! Tanga!"

"Hindi ko alam ang mga sinasabi mo!" Nagsimulang humakbang papalapit sa amin si Rence

"Eh di hindi rin namin alam mga sinasabi mo! Tanga!" apila na naman ng kasama ko.

"YOU BASTARD! WHY DID YOU PLAY THAT POWERPOINT PRESENTATION?!" Sinugod kami ni Rence at saka kami pinagsusuntok. Natumba na ako sa sahig pero hindi pa rin tumigil si Rence. "FUCK YOU! YOU IDIOT! YOU DO NOT HAVE ANY RIGHT TO SHOW THOSE PHOTOS TO MY VISITORS!"

"A-ano ba! Hindi mo alam ang ginagawa mo!" giit ko habang umiiwas sa hampas niya.

"I know what I am doing!" sigaw nito at nagpatuloy sa pagsuntok sa akin. Puta naman. Bakit nag-concentrate siya bigla sa akin?!

You're My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon