two {New House}

508 28 11
                                    

Chapter 2

-

"Mama! Eeehh! Sabing ayaw kong tumira sa bahay na ito iiihhh!" maktol ko kay mama. Eh pano ba naman kasi?! Pilitin ba naman akong tumira sa isang pagkalaki laking mansiyon ng mga taong hindi ko naman kilala? Mas gugustuhin ko pang makitira sa mga iskwater dito eh.

Ngayon ay pinagsisisihan ko na kung bakit pa ako pumayag na lumayo kina Mama. Eh bakit ba, akalain ko bang sa isang Mansiyon talaga ako titira? Eh ang buong akala ko nga kasing laki lang rin ng bahay namin ang pagtitirhan ko, 'yun pala nagkatotoo ang hiling ko.

"Nako anak! Masasanay ka rin diyan! Pagtiyagaan mo na! Ang laki laki mo na eh," iritadong sabi sa akin ni Mama.

"Ang arte mo kasi, masasanay ka rin," pacool na sabi ni kuya Charles.

Anong masasanay?! Kasalanan ko bang makapasa ako ng hindi inaakala sa Villians Academy na 'yan?! Hindi ko nga ini-expect eh! At tsaka bakit ba kasi kailangan ko pang lumayo sa bahay namin eh pwede naman akong umuwi doon! Kahit araw araw pa sa bagay malaki na ako.

"Chill ka lang ate, bibisitahin ka naman namin rito eh," pacool ring sagot ni Charl. Sapakin ko siya diyan, eh.

"Hmpf! Ewan ko sa inyo! Mga unsupportive na kapatid!" Inirapan ko silang lahat. Ano kaya ang mararamdaman mo kung sila mismo ang pinagtutulakan kang tumira sa ibang bahay? Hmpf!

"Kami pa talaga ang unsupportive? Eh nandito nga kami na naghahatid sa'yo, eh," dagdag ng mabait kong kuya. Sapakain ko sila lahat, eh.

Joke, ang sama ko naman.

"Hindi ka ba nahihiya ate? Kanina pa tayo pinagtitinginan ng mga maids nila diyan oh," mahinang sambit ni Charl kaya medyo natauhan ako sa pinaggagagawa ko nang may marinig akong 'maids.'

Unti unti ko namang iniangat ang ulo ko sa napakalaki nilang pintuan at nagulat nalang ako nang may makita akong kumpul kumpol na mga maids! Ano ito? Training-an ng mga maids? At aba! May uniform pa!

Nagulat nalang ako nang may biglang lumabas na isang napakagandang babae! Nagsitabihan naman yung mga maid. Shet ang ganda niya! Donya! May GOLDEN pamaypay paaa! Para siyang reyna.

"Are you Charys? Hello! Welcome to our house!" sabi nung babaeng 'yun. Base sa tono ng pananalita niya, mahahalata mong masayahin siya at magiliw. Sana nga maging mabait siya sa akin.

"A-eh, diba po mansiyon ito?" Kinurot naman ako ni ate Charlise.

I heard her chuckle "Okay, if that's how you consider it."

Oh-kay?

Lumapit naman siya sa amin. Tapos humarap sa akin. Napaatras naman ako. Ano ito, pinapalabas niya na mas maganda siya sa akin? Okay fine! Mas maganda siya ng 0.0000000000000001% sa akin!

Siyempre, joke lang ulit. Hmp.

"Napakasuwerte mo hija, at kaibigan ko ang nanay mo," ngumiti siya, "At nang malaman kong mag aaral ka rin sa Villians Academy ay inoffer kong dito ka nalang tumira sa bahay dahil malapit lang ang mansion namin sa school na iyon."

Ganun? Agad agad na lang nila akong ipapaubaya sa mga taong hindi ko kilala? Ano 'to? Pustahan? Hindi na ba nila ako mahal?! Waa! Paano kung masasasama pala ang mga taong 'to? Eh 'di kawawa ako..

Nakaramdam naman uli ako ng kurot sa singit ko at after a few seconds ay narealize ko ang dapat kong gawin.

"A-ah salamat po! I'm so grateful po!" nauutal kong sambit kahit sa totoo lang, naiirita ako. Gusto ko nang umuwi.

You're My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon