twenty-three

242 11 170
                                    

En Jae's POV

"Class, let's now talk about the scientific names of the following animals. Now, what is the blablablablablablablablablablabla..."

Walang naiintidihan si DM sa mga pinagsasabi ng panget nilang teacher. Wala siyang pake. Walang siyang pake. At wala siyang pake sa mga pinag-aaralan nila. Sa totoo lang, wala siyang balak na pumasok ngayon dahil super duper late na siya kaya lang bigla siyang ginanahan pumasok kanina. At dahil nga hindi siya nakikinig, inaasahan niya na rin ang bagsak na score niya mamaya sa quiz.

Nakatingin lang siya sa bintana habang pinapaikot ang ball pen niya gamit ang mga daliri. Sa sobrang bagot niya sa lesson nila halos kainin niya na ang papel na nasa bibig niya. Pero sa totoo lang ulit, hindi niya rin alam kung saan nanggaling 'yung papel at kung bakit niya 'yun sinubo. Try niyo siyang tanungin kung makakakuha kayo ng matinong sagot.

"Iih 'yung braso mo nga!" biglang sita ng bakla niyang kaklase, si Jowy na katabi niya rin. Napatawa rin si Andre na nasa likuran nila dahil sa kabaliwan ng bakla. Pero tiningnan lang siya ni DM ng bored look at mas isiniksik ang mga braso niya sa upuan ni Jowy para mainis ito lalo pero sa totoo lang halos mamatay na sa kilig ang bakla.

Nang ma-bored ulit ay muling nagmukmok si DM kahit walang dapat ipagmukmok. Nagulat na lang siya nang may maglapag ng chalk sa lamesa niya. Dahil tamad siyang tumingala kinuha niya lang 'yung chalk at ishinoot sa may bintana.

"What the?" Nalaman niya kung kaninong boses 'yon kaya agad siyang napatingala at ngumiti saglit. "Mr. Williams why are you not listening?" tanong muli ng teacher niya at biglang nag-init ang mukha.

"Because...because I'm handsome?" walang kaekspre-ekspresiyong sagot niya kaya nagsitilian ang mga gals pero mas lalong nagalit ang teacher nila. Parang kasing wala lang kay DM na may teacher sa harapan niya. Well..

"Answer the tests on the board," matigas nitong sabi kaya taka siyang tiningnan ni DM.

"What?"

"Answer the tests on the board. NOW. Kung hindi mo masasagutan, ipapatawag ko na ang mommy mo."

"She has no time for me anyway."

Nagalit na ang teacher niya kaya dali-dali siyang tumayo at siya na mismo ang kumuha ng chalk sa board. Inanalyze niya ang mga test at biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Bigla siyang napalunok.

Naka-smirk naman ang demonyita nilang teacher habang papalapit sa kanya, "Oh ano ngayon? Nganga? Kung nakinig ka sana kanina, baka nasagutan mo na 'yan. Iyan kasi. I'm gonna tell your Mom about this, seriously."

"Why..." hindi makapaniwalang tanong ni DM.

"Why?" nakangiti--I mean naka-smirk na tanong ng bruha nilang teacher. Ang tahimik ng buong klase.

Nanatili pa rin ang hindi makapaniwalang expression ni DM at unti-unti itong napalitan ng isang nakakalokong ngiti, "Why is it... Why is it so easy?"

At saka niya isa-isang sinagutan ang mga nakasulat sa board, within 60 seconds.

Napanganga ang lahat sa nakita nila. Hindi makapagsalita pati ang teacher.

"What the hell Ma'am? Why didn't you inform me that you're just gonna give very easy questions?" nakangiti pa rin siya nang nakakaloko.

"But--"

"Uwi na ako. Walang kwenta." At saka siya nagwalk-out. Gusto niyong malaman ang mga naisulat niya sa board?

1. Acanthuridae

2. Achatina Fulica

3. Achatinoidea

You're My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon