forty-five [part two]

36 0 0
                                    

A/N: Rush 'to. Sorry kung pangit :(

***

Buong araw, nagkulong lang ako sa kwarto ko. Kaaalis lang nung mga private nurses at doctors ko kanina para ting an ako at konsultahan. Tinatawag ako nina Mama para kumain at makipag-bonding sa kanila pero tumanggi ako. Wala ako sa mood para makipag-bonding lalo na kung wala na 'yung dati kong mga ka-bonding.

Automatiko kong naalala si Hailey, ang paglalaro namin, tapos 'yung bahay nila. Namimiss ko na sila doon...lalo na si DM. Kumusta na kaya siya? Ayos lang ba ang lagay niya? Gusto kong tanungin si Kuya pero mukhang wala silang balak na sagutin ako. Ewan ko kung napaano na si DM. Ayon kina Ate, six months daw akong nasa comatose. Sa six months na 'yun alam kong sobrang dami nang nabago....pati hitsura ko. Ni hindi ko nga alam kung paano humantong sa ganito ang buhok ko, e.

Sana pala hindi pa rin ako nagising. Sana namatay na lang ako para hindi ko mararamdaman ang miserableng pakiramdam at buhay na 'to.

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng parang tunog ng sasakyan na paparating mula sa labas. Agad akong napabalikwas sa pagkakahiga ko at pinilit na makaupo. Sino kaya 'yung dumating? Bigla na lang akong naramdam ng excitement. Isa lang ang pumasok sa isipan ko no'n, si DM. Agad kong binuksan ang bintana pero bigo akong makita kung sino ang sakay ng sasakyan na 'yun dahil tanawin lang pala ng likod-bahay namin ang naroon.

Pilit kong ipinagdarasal na sana si DM 'yon. Pero biglang nawala ang excitement ko nang maalala ko kung paano isumpa nina Mama ang pamilya niya. For sure hindi niya papapasukin si DM. At, paano malalaman ni DM ang address ko? Ni minsan hindi pa siya nakakapunta dito sa bahay.

Nakarinig ako ng ilang ingay sa labas. Sino kaya ang dumating? Ginawa ko ulit ang ginawa ko kanina, inalis ko lahat ng nakakabit na bagay sa akin at saka dahan-dahang naglakad papunta sa pintuan. Inilapat ko ang tenga ko dito at saka pinakinggan ang pinag-uusapan nila sa labas.

"Talaga? Gising na siya?" boses ng isang lalaki na medyo pamilyar. Bakas ang excitement sa boses niya. Pero hindi ko siya makilala, at hindi siya si DM. Pero pakiramdam ko kilala ko na siya dati pa.

"Oo nga sabi, magsasabi ba sila ng hindi totoo? Are you high?" boses na naman ng isang pamilyar na lalaki. And again, hindi ko makilala ang boses niya.

"Oo, kanina lang. Nakakadismaya nga na pagkagising na pagkagising niya, hinahanap niya agad ang mga taong 'yun. Para ngang hindi siya masaya na nakita kami, e," sagot ni Mama. Napaismid tuloy ako dahil alam kong ako ang pinag-uusapan nila. Isa pa, nakokonsensya ako sa mga sinigaw ko kanina kina Mama.

Marami pa silang pinag-usapan pero nakasadal lang ako sa may pintuan at hindi na lamang nakinig sa kanila. Bahala na. Hindi ko rin naman kilala ang mga taong kausap ni Mama.

"Don't worry po, I'll talk to her. Matagal-tagal niya na rin akong hindi nakita, but I'm sure she can still recognize me," 'yun ang huling narinig ko mula doon lalaki bago ako makarinig ng mga padyak na papalapit dito sa kinaroroonan ko.

"Oh my gosh," bulong ko sa sarili ko at saka dali-daling nagtatakbo pabalik sa kama ko. Humiga ako at saka tumalikod sa direksyon ng pintuan at nagkunwaring tulog.

Narinig ko ang tunog ng pintuan na bumukas kaya huminga ako nang malalim.

Kung sino ka mang tao ka na gustong kumausap sa akin...

Please huwag ka namang maging aswang.

"Cha?" tawag niya sa pangalan ko. OMG talaga. Sino ba 'to? Kinakabahan ako sa kung ano ang gawin niya sa akin. Baka i-rape niya ako.

Pero hindi naman siguro magpapapasok ng rapist si Mama dito sa bahay.

Pero paano kung isa siya doon sa mga kasabwat nina Rence doon sa pangingidnap sa akin dati? At inakit lang nila nung kasama niya sina Mama, or nilason ang isipan, para makidnap ulit ako?! OMG!

You're My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon