six {How the Day Ends}

293 23 26
                                    

Chapter 6

(P.S this is not edited. Bear with the typos, etc.)

-

"Hoy lalake, may boyfriend na 'yan. Nakikita mo ang batang 'to? *turo kay Hailey* anak namin 'yan. Kaya pwede ba, layo layo rin kapag may time."

Nawindang ako sa narinig ko. Did he just say that? At...si Harren ba 'yun?

Sabay kaming napalingon sa likod 'nung lalaking nambabastos (walang akong maisip na term) at tama nga, si Harren at kasama si Hailey na may hawak hawak na ice cream.

"Ako ba kinakausap mo?" maangas na tanong 'nung lalake. Wow ha, kapal.

"Hindi eh, 'yung damit mong bulok ang kinakausap ko. Hi damit na bulok, alam mo bang tanga ang may ari sa'yo?" sarkastikong sabi ni Harren.

"Hoy! Kung hindi mo alam, galing Japan 'to!"

"Ano naman ngayon? Ang kailangan ko ay 'yung GIRLFRIEND ko, okay? GIRLFRIEND. Huwag mo nang paghintayin ang anak namin," sabi niya ay saka ako hinila palayo 'dun sa lalaki.

Wait...did he just say girlfriend? At pinag-diinan niya pa talaga ang 'Girlfriend' ha. Pero kasi naman...kinikilig ako eh...NO! Scratch that. Alam kong guwapo siya pero hindi kami close. At hindi ko siya gusto. Bakit ako kikiligin? Ang kailangan ko lang gawin ay mamula kung kinakailangan. At 'yun ang ginagawa ko ngayon.

"Yaaay! Kuya is a herooooo!" masayang sabi ni Hailey at nagtatalon talon. "Here's for you Ate Cha!" dagdag niya at ibinigay 'yung isang ice cream.

"S-sa akin?"

"Yeps!"

Patuloy sa pagtatalon si Hailey nang..

"Oops!" Natapunan ng ice cream 'yung damit niya!

"Ayan ang careless mo kasi eh! Tss!" naiiritang sabi ni Kuya niya at humarap sa akin. "May damit ba diyan sa bag niya?" turo niya sa bag na dala dala ko. Pinahawak kasi ni Hailey 'yung bag niya kanina at hindi ko pa naman naibabalik.

Chineck ko kung may extra damit pa si Hailey at meron pa nga.

"Uh-oh! Sorry Ate Cha! Kuya, sorry!" nagpout si Hailey at umirap NA NAMAN si DM. Irap Diva nalang kaya ang tawag ko sa kanya?

Tama, Irap Diva nalang.

"Psh! Sige, magbihis ka na! Hoy ikaw, Cha! Samahan mo siya," sabi niya at naglakad papalayo.

"Huy! Baka mawala kaming dalawa! At saan ba ang bihisan dito? Saan ang CR?" tanong ko.

"Doon lang sa tabi tabi. Dito lang ako. Dali," sabi niya at umupo sa pinakamalapit na bench sa amin.

"Ate Cha, c'mon na! We will ride to the ferris wheel pa eh!" sabi ni Hailey. Tinanong ko siya kung alam niya ba kung nasaaan 'yung CR at alam niya naman daw dahil halos araw araw raw silang pumupunta dito nina Garey dati. Sila raw ang mas nakakabonding niya dahil halis mabaliw na raw sa kakaLOL si Kuya niya. Ang dami niyang sinabi! Ang dami niyang alam!

Pumasok kami doon sa itinuro niyang CR at salamat naman at kaunti lang ang tao. Hindi kami masyadong nakipagsiksikan. Ang alam ko kasi kapag town fiesta maraming mga tao ang nasa park at most probably sa CR.

"Alin dito ang isusuot mo baby?" tanong ko sa kanya habang binubuksan ko 'yung bag niya kulay pink.

"That green one," turo niya 'dun sa green dress na may bee sa gitna. Nagimbal ako. OMHAYGAHD, MY FAVORITE COLOR! GREEEEN!

"Wow! Ang ganda!" sabi ko and she chuckled.

Tinulungan ko siyang makapagbihis at pagkatapos 'nun ay lumabas na kami.

You're My EnemyWhere stories live. Discover now