Wish (...come true?)

117 3 1
                                    

A/N: Suuuper big thanks to StylinsonBoosh who made the photo in the multimedia! I soooo waited for this moment to post that <333

-

Months later....

"Kapated!!!" sigaw ni Ate at saka tumakbo pabalik para yakapin ako. "Ate will miss you!!! Waaaah!!! Don't worry, babalik agad ako after 1 month, siyempre hindi ko palalampasin ang birtday mo! At hindi lang 'yon basta birthday, 18th birthday mo 'yun! Akalain mo, magde-debut ka na! I'm so proud of you talaga!" dagdag niya pang sigaw at saka ako niyugyog-yugyog ako.

November na, at flight na ni Ate papuntang Japan. May itetake kasi siyang board exam doon, at dahil once in a lifetime lang siya makapuntang ibang bansa, hihintayin niya na rin ang results doon with kasamang pasyal-pasyal. Gusto ko rin sanang sumama, kaso may pag-aaral pa akong inaatupag ngayon.

Nandito nga pala kami sa airport, ihahatid na namin si Ate. Hindi naman masyadong madrama ang scene ngayon kasi isang buwan lang naman siya sa Japan. Medyo OA lang kasi si Ate Charlise kaya may paiyak-iyak pa siyang nalalaman. But seriously, kaming mga pamilya niya, seryoso lang at hindi umiiyak.

"Yes, Ate, I understand," natatawang sabi ko. "I understand."

Nagulat ako nang sampalin ako nang mahina ni Ate. "Gaga! Huwag kang tatawa-tawa lang d'yan! Dalaga ka, tandaan mo. Kaya huwag kang papaligaw basta-basta. At huwag ka na ring makikipagkaibigan basta-basta sa mga taong hindi mo pa lubus-lubusang kilala. Baka ma-comatose ka na naman," dire-diretsong sabi niya. "Inuulit ko, huwag papaligaw hanggang 'di pa tapos mag-aral!"

Paano kaya kung sabihin ko kay Ate na matagal na akong may manliligaw at hindi ko lang sinasagot? Sabihin ko kaya sa kanyang nasa America ngayon 'yung manliligaw ko at hindi ko alam kung babalik pa o hindi?

Pero siyempre hindi ko 'yun sasabihin dahil for sure ipapa-cancel niya ang flight niya at hahantingin nila si DM at ang pamilya niya. Kaya ang sabi ko, "Of course Ate. Kailan pa ba ako sumuway sa 'yo? Basta, mag-iingat ka. I love you veryyy much!" Saka ko siya niyakap ulit.

"Awww, my little sister's so sweet!" naiiyak na sabi na naman niya kaya napabitaw ako sa yakap.

"Ate, remember, hindi na ako little. Si Charmie 'yung little! At saka, kasasabi mo lang kanina, DALAGA na ako!" reklamo ko at saka nag-pout.

"All right sweetheart." Ngayon, siya naman ang natatawa. Sinamaan ko siya ng tingin. "Oh siya, aalis na ako. Mag-iingat kayo, ha? Mabilis lang ako d'un! Huwag kayong iiyak, ha? Baka naman sobra n'yo akong mamiss at baka---"

"Ate Charlise, alam mo, kanina mo pa sinasabi 'yan. Ilang beses ka na ring pabalik-balik para yakapin halos isa-isa sa mga kapatid mo. Tingnan mo nga sina Tita, umalis na. Bilisan mo na! Ang drama mo. Baka maiwan ka pa ng eroplano!" singit ni Cheng na nasa likuran namin. Napatawa ako samantalang napasimangot si Ate.

"Si Cheree talaga, ang KJ!" sabi ni Ate pero umirap lang si Cheng. Totoo naman ang sinabi niya, kanina pa umalis sina Mama kasi akala nila umalis na talaga si Ate. Hinihintay na lang nila kami sa may mall kasi may bibilhin pa sila doon. Kami naman ni Cheng nagpaiwan kanina kasi may hihintayin pa daw siyang kaibigang galing California. Hindi naman namin inakala na babalikan pa kami, actually ako lang, ni Ate para makapagpaalam ulit.

"Ano ba, Ate Charlise, would you stop calling me Cheree. That's not my name," nakakunot ang noo na sambit ni Cheng.

"All right. All right. Sige na nga, alis na ako. Mag-iingat kayo, ha!"

At kung gaano siya kabilis bumalik kanina, ganoon rin siya kabilis maglaho at makasakay sa eroplano. Hinintay namin ni Cheng kung babalik pa siya uli at nakahinga kami nang maluwag nang hindi na. Hey, hindi naman sa ayaw na namin siyang makita. Ang sa 'min lang, masyado na kasi siyang paulit-ulit and come to think of it, may point 'tong pinsan na beat friend ko kanina; baka maiwan lang ito ng eroplano.

You're My EnemyWhere stories live. Discover now