thirty-seven (part one)

74 3 46
                                    

GUSTONG-GUSTO KONG MAGBASA NG COMMENTS. Love ko yung flood comments! As in suuuuuper! Sobrang nai-inspire ako 'pag binabasa ko yung mga yon. Kaya please, comment ng marami pls? Hahaha! Para ganahan naman ako. Ayun lang. Ok lang kung wag nyong gawin. K. XD

Cover ni Lauren Bonnel ang nilagay ko sa MM ng Complicated by Avril. Search na lang sa YT kung di maplay ang MM :))

**********

"Uyy sabing ayaw ko eh!" kanina pa ako nagmamaktol habang tinutulak ako ni Erine papunta sa stage. Shet, naiiyak ako. Bakit ko pa kasi yun nasabi?! Nasabi ko nga lang eh! Hindi ko sinasadya at wala akong planong sabihin yun pero itong MAGALING kong BIBIG pasaway!

Wala akong magawa nung lahat sila sumigaw ng "SI CHA NA PO ANG REPRESENTATIVE NAMIN!" kanina. Mabuti nga si Erine lang ang nag-volunteer na samahan ako paakyat ng stage kung hindi baka lahat ng HRM students tinulak na ako at kanina pa ako namatay sa sobrang gulat at kaba.

Ang tanga ko kasi.

"WALA KA NANG MAGAGAWA! NASABI MO NA YUN KANINA!" Kinakaladkad niya ulit ako pagkatapos niyang tumigil, apakan ang paa ko, at sinamaan ng tingin. Minsan lang talaga mabit sa akin si Erine--kasi most of the time inaapi niya ako. Sad.

"PERO NADULAS LANG AKO! HINDI KO NAMAN YUN DAPAT SABIHIN EH! KASI NAMAN MASYADONG--" sigaw ko sana pabalik pero hindi na natuloy kasi kinurot niya nang PAGKASAKIT SAKIT yung braso ko dahilan ng pagtili ko na naman.

"OUCH! I HATE YOU ERINE! ANG SAKIIIIT!"

"Ang kulit mo kasi eh. Sorry na," saka niya tiningnan ulit yung braso kong pulang-pula. Una, dahil dun sa SOBRANG HIGPIT na paghawak niya sa akin. Pangalawa, doon sa paghampas niya kanina nung aksidente ko siyang natulak at napaupo siya sa sahig(ang lakas ko diba). Tapos pangatlo, yung kurot niya. Ang saklap talaga ng buhay ko. "Masakit pa ba?"

"OO NAMAN ANO SA TINGIN--"

"Where's the HRM Representative?" Sabay kaming napatalon nang magsalita ulit yung dalawang MC.

"Uy tinatawag ka naaaaaa!!!" pilit niya ulit sa akin.

"Pero nadulas nga lang ako kanina! Hindi ko naman yun dapat sasabihin eh! Kasalanan niyo rin! Pwede ba humanap na lang kayo ng bagong representative?! Wala akong na-practice tapos wala akong costume!" Sa wakas nasabi ko na yung kanina ko pa gustong sabihin sa kanya. Kanina pa kasi niya ako pinipigilang magsalita.

Natahimik naman siya tapos biglang napaisip.

"Oo nga pero..."

"DON'T TELL ME MAY DAHILAN KA NA NAMAN?!"

"BAKIT KUNG PIPILI BA KAMI NG BAGO MAY COSTUME RIN SILA? LAHAT KAYA TAYO NAKA-UNIFORM LANG ARE YOU KIDDING ME?" Napabuntong-hininga ako dun sa inasal niya. Hindi talaga siya papayag na hindi ako mag-perform sa harap. "By the way wait for us mga MC! Nandito na kami!"

Hinila niya na naman ako at dahil nawala na naman ako sa sarili ko ngayon-ngayon lang--may nakita kasi akong mukhang butete kanina, hmm siguro galing siya sa MassCom na course--hindi ko namalayang nakatapak na pala ako sa stage.

"HALA! HUY ERINE WALA AKONG TALENT!"

"HA?!" Binitwan niya ako bigla. "ANONG WALANG TALENT ANG RAMI KAYA! Kumakanta ka, sjmasayaw, nagpiplay ng instruments--"

"Hindi pa ako ready eh!"

Bumuka na yung bibig nya para sana magsalita ulit pero hindi niya na natuloy yung sinasabi niya. "P-paano na yan ngayon?!" napasabunot siya sa buhok niya at dali-dali akong hinila pababa ulit, doon sa hindi nakikita ng mga tao. "Nakakainis naman eh!" Sa tingin ko maiiyak na siya. "Wala akong kwentang president! Sasabihin nila hindi ako kumikilos at pabaya kasi walang naka-assign na pumalit kay Gillian! Ang sama sama ko! Nakakasira ng reputation!"

You're My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon